ABALA na ang lahat nang dumating si Kidlat sa Villa kung saan kasalukuyang ginaganap ang birthday party nang nag-iisang anak ng Mayor ng siyudad si Nica Samonte.
Napasinghap si Kidlat sa sarili sa sampung taong pananatili sa Baguio ngayon lang ulit siya nagawi sa magarbong pagdiriwang mula ng mas pinipili niyang mag-isa palagi. Kung hindi lang din iba sa kaniya ang pamilya Samonte, nunca na aabalahin niya pa ang sarili niyang dumalo sa selebrayon. Naging mapilit lang din kasi si Nica. Ayaw niya naman biguin ang kaibigan na ganap ng dalaga. Pinagmasdan niya ang paligid, halatang magarbo ang kaarawan nito sa napapansin niya mukhang sinunod ng pamilya ang luho ng dalaga. Hindi lingid sa kaniya ang hiling ni Nica noon pa man; 18 roses, 18 candles, 18 guest at 18 gifts ang request nito sa ama. Hindi naman ako magtataka kung lahat ito tinupad ni Mayor Tomas.
Kailan ba sila naging malapit ni Nica sa isa't isa? Naalala niya, nagsimula ito nang bigyan siya ng proyekto ng ama nitong Alkalde ng siyudad. Siya ang namuno sa proyekto nagdaang taon sa isang malakihang baracks para sa ginawang evacuation center sa siyudad ng Baguio, kung may mga pagkakataong mayroong sakuna sa lugar. Natapos niya naman ito ng maayos na walang kahit na ano'ng problema sa mga tao, hindi tulad ng mga nakatira sa Bario Maybunga, kung saan kabilang si Trina Vasquez, napasinghap na naman siya.
Kuung may magagawa lang sana siya, pero mukhang mahihirapan yata siya sa project niya kay Mr. Chong Go.
"Kundi lang sana sa babaeng 'yon, maayos na sanang na-demolish ang lugar nagdaang araw. Kung bakit ba naman kasi may matatapang na taong mali naman ang pinaglalaban?!" naiiling na bulong ni Kidlat sa sarili. Pagkatapos pakawalan ang mahabang hininga agad na siyang pumasok sa Villa, kaliwat kanan na rin ang taong nandoon. Majority yata ang mga kabataan. Sabagay hindi naman naglalayo ang edad ni Nica sa mga ito, mga malalapit sigurong kaibigan ng kaibigan niya.
●
●
●
●
"TRINA, dito lang tayo," yaya ni Lanie sa kaibigan ng akma sana siyang sisilip sa bulwagan para makita kug tungkol saan ang magarbong party na pinagdiriwang.
"Titingnan ko lang naman, napakaganda kasi ng paligid mukhang sosyal 'yong may party," aniya ni Trina. Biglang tinakasan ng kulay sa mukha si Lanie. Alam nitong walang alam si Trina tungkol sa ginaganap na kaarawan sa bulwagan ng Villa.
"Dito nalang tayo mamaya nalang tayo sumilip d'on para magligpit kung tapos na ang lahat."
Lanie trying to convince her. Tumikhim si Trina bilang sumang-ayon sa kaibigan. Muli siyang bumalik sa kusina para magligpit ng ilang kagamitang kailangan sa selebrasyon. Tama si Lanie, baka isipin ng mga taong nakikiusyuso siya sa labas. Binalikan ni Trina ang ilang kubyertos na kailangan nilang ayusin ni Lanie sa labas. Alas otso na ilang sandali magsisimula na ang selebrasyon ng kaarawan at wala man lang siyang ideya kung para kanino. Muli niyang tinapunan ang pinto, hindi alam kung para saan ang kaba na nararamdaman niya. Sumagi sa isip niya si Johan, baka dahil lang sa kapatid niya itong naiwan sa bahay nila.
"HEY! Good! dumating ka," bungad ni Nica sa kaibigang si Kidlat. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap kasabay ng pinong halik sa pisngi nito.
"Happy birthday," bati ni Kidlat sa ganap ng dalaga. Sabay abot ng maliit na box dito, bilang regalo rito. Nakangiti itong tinanggap ni Nica, pinalupot ang kamay sa balikat ng binata.
"Halika ka kailangan malaman ni papa na nandito ka," aniya nito na 'di niya nagawang tumutol. Inikot nila ang Villa para hanapin si mayor Tomas Samonte, habang hawak-hawak ni Nica ang balikat nang binata.
"You look so good of your tie, Kid," puri ni Nica dito ng tumigil sila sa isang sulok sabay na inayos ang neck tie niya Pilit na ngumiti si Kidlat pinaikot ang tingin sa bulwagan hindi niya alam pero may isang bahagi ng isip niya may nais makita sa mga kababaihang nandoon.
"Are you expecting of someone, Kid?" untag ni Nica sa binata nagbaba ng tingin si Kidlat. Lihim siyang napalunok ng 'di sinasadyang napatitig sa dibdib ng dalagang kakarampot ang telang nakatabing sa hinaharap nito.
"Hindi mo pa kailangan magsuot ng ganito, Nica!" tukoy ni Kidlat sa damit ng dalaga pilit na tinaas ang telang nakatabing sa cleavage nito. Aminin niya man o, hindi napakaganda at napakaseksi ng dalaga ngayon. Kung titingnan mo ng maigi, parang hindi lang ito labing walong taong gulang. Malaki ang bulas ni Nica, kuhang-kuha nito ang tangkad ng ama nito.
"I'm sexy! Isn't, Kid?" panunudyo nitong tanong. Tinanggal ni Kidlat ang kamay niyang hawak-hawak nitong nakadikit sa malusog niyang dibdib sa kabila ng murang edad. Halatang hindi alam ng dalaga ang ginagawa nito.
Nanlilisik ang mga mata ni Trina pinukol sa lalaking nakaharap sa kinatatayuan niya sa may 'di kalayuan. Hindi siya pweding magkamali kilalang-kilala niya ang lalaking may nilalanding babaeng nakatalikod sa kaniya at sa ayos ng mga ito alam niya kong saan nakahawak ang kamay ng binatang kinaiinisan niya.
"Mga immoral!" galit na bulong ng dalaga sa sarili matapos punuin ng hangin ang dibdib. Mabilis siyang naglakad tinutumbok ang daan papunta sa dalawang panauhing alam niyang naglalandian sa kabila ng ginaganap na pagdiriwang.
"Hindi kayo makaka-iskor dito!" patuloy niyang bulong sa sarili kasunod ang mabilis niyang paglalakad para sa plano niyang pagbangga sa babae paharap sa binata para matigil ang ginagawa ng mga itong landian.
"Ouch!!" daing ni Nica ng maramdaman ang malakas na pag bangga sa may likuran niya muntik na siyang matumba, mabuti nalang naging mabilis si Kidlat para hawakan siya sa balikat.
"H-hey!" Natigil ang akmang pag sigaw ni Kidlat sa babaeng nasa harap, ang babaeng sinadyang bumangga kay Nica. Nakataas ang kilay nitong nakaharap sa kaniya animo dragon na sa maling salita niya lang bubuga ng apoy sa kanilang dalawa.
"Who are you?!" mataray na bulyaw ni Nica nang malingunan ang babaeng bumunggo sa kaniya ng malakas.
Natigilan si Trina naramdaman ang panginginig nang kalamnan ng makaharap ang dalagang hindi niya inaasahang makakaharap ang kasama ng lalaking kinamumuhian niya. Napulunok siya ng sunod-sunod ng mabaling ang tingin sa entablado sa malaking tarpaulin paharap sa kanila.
"I said who are----" muling bulyaw ng dalagang kaharap. Pinigilan ito ng binata dahil sa masigabong palakpakan sa paligid kasunod ang pagpapakilala sa dalaga.
"Good evening! Ladies and Gentlemen. We are all here tonight for Ms. Nica Samonte 18th birthday," aniya ng emcee sa stage. Nanginginig ang mga tuhod na tumabi si Trina nang kabigin ng binata ang dalagang kasama palapit sa stage na kinatatayuan ng mga taong kilalang-kilala niya. Ang dalagang sinadya niyang banggain dahil sa inakaalang nilalandi ito ng lalaking ilang beses niyang inakusahang manyak.
Sa sulok ng mga mata ni Trina kitang-kita niya si Chandra maging ang Mayor ng siyudad, ang ama ng dalagang nilalandi ng binatang kinaiinisan niya, ang dalagang walang iba kundi kapatid nila ni Johan sa ina---- si Nica.