K : 6 --- "TRINA?" mahinang tawag ni Lanie sa kaibigan. Nagdadalawang isip itong lalapitan ang kaibigang may alam na tungkol sa nangyayaring party sa labas. Hindi tuminag sa kinatatayuan si Trina nanatiling nakapako ang tingin sa mga taong nasa eleganteng stage sa may 'di kalayuan. Hindi niya alam kung saan pa rin siya kumukuha ng lakas para nanatiling nakatayo ng tuwid. Habang pinagmamasdan ang mga ito. Naramdaman niya ang papalapit na yabag sa kaniya ng kaibigan niyang si Lanie. "Trina, I'm sorry!" aniya nito. Naramdaman niya ang paghawak nito sa balikat niya 'di napigilang maglaglagan ng mga butil ng luha sa pisngi ni Trina sa nasasaksihang tagpo sa pamilyang Samonte. Kabilang na ang nanay niya maging ang kapatid na pangalawang beses niya pa lang nakikita. "M-may alam ka ba rito?"

