CHAPTER 17 - BANTA

2052 Words

KABANATA XVII -- "Ate, ang ganda mo naman," bungad ni Johan, nang magising ito sa tabi niya habang nag-aayos siya ng sarili. "M-may lakad kami ni kuya K-Kidlat mo," nauutal niyang sagot sa kapatid. Bumangon ito naupo patabi sa kanya, nanunukso ang mata. "May date kayo, Ate?" bulalas ni Johan may ngiti sa labi. Napakamot siya sa batok. "H-hindi date, uhmm friendly dinner lang," nahihiya niyang sagot dito. "Kunyare ka pa, Ate. Alam ko naman na date tawag d'on." Patuloy nito sa panunudyo. Nakangiti niyang pinagmasdan ang sarili sa maliit na salamin ng kwarto nila. Nakalaylay ang makintab hanggang balikat niyang buhok. Bumagay rin sa kanya ang pulang simpleng bistedang napili niyang isuot. "Maganda ba ako, Johan?" wala sa sariling tanong niya sa bunso niyang kapatid. Tumayo ito paharap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD