KABANATA XVIII KIDLAT - Basang-basa ang pisnging nagpatuloy sa paglalakad si Trina. Hilam ng mga luha ang mga mata dala ng sama ng loob at galit. Daahil sa 'di niya nagawang ipagtanggol ang sarili sa ama ni Nika. Tumunog ang cellphone niya si Kidlat ang tumatawag. Ngdadalawang isip niya kong sasagutin ba ito. "Nasaan ka?" bungad nito sa kanya nang nagpasya siyang sagutin ang tawag ng binata. "Trina, hinahanap kita. Nasaan ka?" ulit nitong tanong sa kaniya. May pag-aalala. "K-kinailangan ako ni Johan," pagsisinungaling niya rito.Alam niya sa sariling hindi niya naman kailangan ipaalam dito ang mga bagay na kailangan niyang gawin. Pero mahalaga pa rin sa kaniya ito, ayaw niyang magduda si Kidlat sa pagkatao niya. Mananatili itong walang alam sa totoong relasyon na mayroon siya kay

