CHAPTER 19 - CEBU

1232 Words

--- "Goodmorning," masiglang bati ni Kidlat kay Trina, nang muli itong nagising. Umiwas siya ng tingin ng tumayo ito sa pagkakaupo, walang suot na pang-itaas ang binata. Sa sofa lang ito natulog, tulad nga ng sinabi ni Johan hinayaan niya itong makapagpahinga. "Tanghali n, makakaalis ka na," walang siglang angil niya rito. Ngumiti lang ang binata bilang tugon sa sinabi niya. "Ang sabi ko kagabi dito na ako titira," patuloy nito sa pang-aasar sa kaniya, alam niya. Nagtaas siya ng tingin ng magtama ang mata nila. Una niya rin nitong binawi. "Sinabi mo lang 'yon pero hindi ako pumapayag. At wala akong planong payagan ka sa gusto mo!" "And I'm not asking your opinion," aniya nitong nakangiti. Napasinghap siya sa sakit ng ulong dala nito sa bahay nila. "Maliligo ako, saan ang banyo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD