"DADDY! Sila ang mga walang kuwentang tao! Kaya't ipakulong mo silang lahat!" salubong na wika ni Melba o ang nagpakilalang anak ng mayor. "On what ground, Hija? Kahit naman ako ang mayor ay hindi tayo basta-basta nagpapakulong. Tandaan mong hindi lang ikaw ang anak ko bagkus ay buong bayan," tugon ng opisyal na hindi man tinapunan ng pansin ang mga tinutukoy ng anak. "Kasalanan nila, Daddy. Kaya nga kita pinapunta rito dahil malaki ang kasalanan nila sa akin lalong-lalo na ang babaeng iyan! Guards!" Malakas na pagtatawag ng dalaga. Dahil dito ay muling umakyat sa kaniyang ulo ang dugo. At bago pa siya mapigilan ng asawa at hipag ay walang preno na ang labi ni Sofia. "Mawalang-galang na po, Mister. Dahil ang anak mo ang nagpasimuno sa gulo. Walang nagmamay-ari sa kalsada ngunit inangk

