"ITANONG mo sa iyong ama kung sino-sino sina Garrette Shane Calvin Cameron at Lewis Roy Calvin II." Wala naman siyang balak ipamalitang anak mayaman siya. Isa sa youngest successful businessman sa buong bansa. Kaya't umakyat sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo dahil bukod sa napakabastos ng bunganga ng babaeng walang modo ay tinawag pa siyang hampas-lupa. Kaso imbes na matauhan ay nagpatuloy ito. "Wala akong pakialam kahit sino man kayong lahat. Dahil kagaya ng sinabi ko au Mayor ang Daddy ko. May kakayahan siyang ipakulong kayo sa mga tauhan niya rito sa presinto!" "Daddy, ano ba kasi ang nangyari sa iyo ay mukhang nalunok mo ang iyong dila? Tawagan mo na nga ang kaibigan mong judge. Kung hindi naman ay si Attorney. Bilisan mo na, Daddy. Dahil ang mga tulad ng mga hampas-lupang iyan ay

