"MAYROON ka bang problema, Mi Amore?" masuyong tanong ni Santiago sa asawa. Hahayaan na nga lang sana niya ito. Dahil naisip din niyang baka pagod. Ngunit sa unang pagkakataon ay walang kaimik-imik. Nakasimangot at bulong pa nang bulong ng dumating siya. Samantalang sa tuwing dumarating siya galing trabaho man o kagaya sa pagkakataong iyon na out of Madrid ay sinasalubong siya nito ng yakap at halik. Kaya nga kahit nag-aalangan siya ay mas minabuti niyang nagsalita. "Mi Amore, please. Magsalita ka naman. Huwag mo akong takutin. Mabuti nga at maagang natapos ang ipinagawa ni boss sa akin sa Valencia. Kaya't nakauwi rin ako. Please tell me what's the matter is." Muli ay pagsumamo niya rito. Kaso mas nagtaka naman siya sa ikinilos nito. Dahil bukod sa yumakap ito sa kaniya ng mahigpit ay h

