"HUWAG mo ng sisihin ang sarili mo, bayaw. Dahil kahit hindi mo ipaliwanag ay nauunawaan namin kung bakit mas pinili ng kambal na nagkulong kaysa lumabas," wika ni Santiago sa kaibigan at bayaw na rin. "Tama ang Santino ko, big brother. Magpasalamat na lamang tayo dahil buhay na buhay silang dalawa. Ibig sabihin ay alam nila kung ano ang tama at mali." Pagsegunda pa ni Sofia lalo at kitang-kita niya ang pag-aalala sa buong mukha nito. Sabagay, hindi niya ito masisisi. Dahil apat na taon lamang ang kambal noong nanirahan sila sa piling nito. Maaring madalas silang bumisita sa Madrid at ganoon din silang mag-anak sa mga ito. "Alam kong pinapagaan n'yo lang ang damdamin ko, brother Santiago at Sofia. Thank you for that. Pero ako na ang nagsasabing hindi ako papayag na walang gagawin laban

