"MAY problema ka ba, Santino ko? Himala naman yatang nandito ka pa sa ganitong oras," may pag-aalalang tanong ni Sofia sa asawa. Hindi naman ito pabaya sa pagkakaalam niya. Bago pa man sila mag-asawa ay abogado na ito. Kaya naman ay labis-labis ang pagtataka niya dahil sa ikinililos nito sa umagang iyon. Kaso! "Mother earth, wala pa kayong manugang sa aming magkakapatid ngunit mukhang nakalimutan mo na kung bakit hindi pumasok sa trabaho si Papa?" mapang-asar na wika ng anak o ang isa sa triplets. Tuloy! Ang nag-aalalang si Sofia ay biglang nabaling ang paningin kay Lam-ang. "At, ikaw namang lalaki ka, guwag mong sabihing sinasayang mo na ngayon ang ipinapasahod ng gobyerno sa iyo?" taas-kilay niyang tanong. Pero mas nagsalubong ang malago niyang kilay dahil ang dalawa sa kambal ng

