Prologue
Prologue
"Salamat." nakangiting pasasalamat ko sa driver namin matapos niyang buksan ang pinto ng kotse. With a heavy heart, I stepped out of the car.
Mula rito sa labas ay kitang-kita ko ang mga kaibigan kong masayang nagtatawanan. Sigurado akong kapag kami na ang magkakaharap ay ako na ang magiging tampulan ng mga tukso dahil sa edad na twenty ay single pa rin ako.
Ano ba'ng magagawa ko kung wala akong magustuhan sa mga nanliligaw sa akin?
Pare-pareho lang naman sila ng gusto, kung hindi ang madikit sa pangalan ng pamilya ko, gusto nila akong maangkin. Nbsb man ay alam ko naman ang iniisip nila.
"Hintayin ko na lang po kayo dito, Ma'am Marga." magalang na sabi ni June, ang driver namin bago muling pumasok sa kotse para i-park ito.
Muli kong tinignan ang mga kaibigan ko at napansin kong kasama nila ang kani-kanilang boyfriend. Siguradong nagyayabangan na naman sila. Ayoko man ay nakaramdam ako ng inggit at awa sa sarili ko. Masiyado kasi akong mapili kaya heto ako ngayon, single and unhappy.
Umalis na kaya ako? O kaya manghatak ng sinumang lalaki para pagpanggapin siya na boyfriend ko siya?
My shoulders slumped in defeat and when I look back at them, my friend Rosa saw me and waved her hand.
"Here goes nothing." Bulong ko sa sarili ko bago naglakad papasok sa loob. Pagpasok ay agad nila akong sinalubong at nakipagbeso naman ako sa kanila.
Ang totoo niyan ay high school friends ko sila at makalipas ang tatlong taon ay ngayon lang ulit kami magkikita.
Naupo ako sa dalawang bakanteng upuan na katabi ni Rosa at ng boyfriend niya.
"Oh, bakit mag-isa ka, Marga? Don't tell me hanggang ngayon ay NBSB ka?" nanunuksong tanong ni Rosa at nagtawanan naman ang lahat kaya naman nakagat ko ang labi ko.
Ngumiti lang ako ng pilit. Nag-umpisa silang magyabangan ng mga grades at ganun din ang pinanggalingang pamilya ng boyfriend nila habang ako ay tahimik lang na nakikinig at paminsan-minsa'y ngumingiti. Hindi maikakailang labis na pagkailang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pero ano ba ang magagawa ko? Mga kaibigan ko sila.
"Excuse me. Punta lang akong powder room." paalam ko sa kanila at kinuha ang bag ko. Pagdating sa powder room ay humarap kaagad ako sa salamin.
"Kawawa ka naman, Marga. Wala kang boyfriend. Mula noon hanggang ngayon ay tampulan ka ng tukso." bumuntong-hininga ako bago naghugas ng kamay. "Kung sana ay meron lang isang lalaking lilitaw para iligtas ako sa kahihiyang ito." lihim kong dasal bago pinunasan ang kamay ko.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat pa ako ng makitang may isang lalaki ang nakatayo roon. Tinignan ko siya sa mga mata para lang makitang nakatingin din siya sa akin. Agad akong pinamulahan ng pisngi at umiwas ng tingin bago tuluyang naglakad pabalik sa mesa namin.
Nakakahiya! Sana naman ay hindi niya narinig 'yung mga sinabi ko.
"Oh? Bakit parang namumula ang mukha mo, Marga?" pansin ni Julia, isa sa mga kaibigan ko.
"Wala lang. Medyo mainit kasi." nakangiting pagdadahilan ko dahil ramdam na ramdam ko pa ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
"So... Marga. Bakit nga pala wala ka pa ring boyfriend? Look at us, we are happily in a relationship. Sayang naman ang ganda mo, girl." usisa ni Len. Isa sa mga kaibigan ko noon.
Rosa snorted . "Masiyado ka kasing good girl. No one wants a good girl nowadays. They want some adventure and well, bad girls like us, right girls?" nangingiti niyang tanong sa lahat.
Noon pa man ay alam ko naman na napipilitan lang itong makipagkaibigan sa akin pero pinilit ko siyang pakisamahan.
"Not in my book, lady. I want my girl innocent and well-behaved." I felt someone caressing my hair and I saw my friends as well as their boyfriends looking up at someone behind me. "I don't want my girl offering herself as some kind of cheap perfume." Rosa gasped and I almost laughed.
Nilingon ko ang nagsalita para lang magulat ng makita ko ang lalaking nakita ko sa labas ng powder room!
"I'm sorry if I'm late, beautiful." He smiled at me. He then look around the table. "Let me introduce myself, I'm... Devlin. Her boyfriend."
No words came out of my mouth. Patuloy lang akong nakatingin sa kaniya. Ang lalaking tumupad ng hiling ko. Ang lalaking nagligtas sa akin sa kahihiyan at ang lalaking unang nakapukaw sa aking interes.
Nang araw na iyon ay hindi ko inaasahang muli kaming magkikita pero alam ko, may malaking papel itong gagampanan sa aking buhay balang-araw.