Avery’S POV Monday na naman kaya back to work ulit kami ni Almira, napansin ko nga na parang ‘di mapakali si Almira sa kinauupuan niya kaya pinansin ko. “Hoy! Babaita, anong meron at parang ‘di ka mapaanak diyan?” pa’no ba naman kasi make-up ditto, makeup doon, suklay dito suklay doon, at ang bruha hindi man lang ako pinansin. “Hoy!” hinampas ko nga. Ayon lumampas ‘yong lipstick sa lips niya, haha. “Ay tae ka, ano ba Avery! Look what you’ve done to my beautiful face” sinasabi nya ‘yon habang pinupunasan ng tissue ‘yong lipstick niyang umabot hanggang face niya. “Excuse me, hindi ako tae, tao po ako, tao! Bakit ba kasi hindi ka mapakali d’yan? Anong meron at todo ayos ka d’yan” “What?! Seriously Bestie, wala ka talagang ka-idea-idea diyan kung ano’ng meron ngayon? Eh halos lahat ng k

