Chapter 1

3044 Words
Present Day Russia              SA ISANG maingay at puno ng parokyanong nightclub, sa isa sa mga stool sa harap ng bartender, naroon at nakaupo si Alessandra. Nakasuot ang dalaga ng isang silver sleeveless top, isang skin-tight jeans, at itim na boots sa mga paa. Ang kanyang buhok ay maayos na natitipon sa isang pony tail. Nakatuon ang atensiyon niya sa baso ng alak na nasa kanyang harapan. Alessandra knew she  was a sight to behold. Batid ng dalaga na taglay niya ang uri ng katawan na pagnanasaan ng sino mang anak ni Adan at kaiinggitan ng sino mang anak ni Eba. Batid rin niya na sa sandaling iyon ay para siyang magnet na humihigop ng atensiyon ng mga kalalakihan.             Inisang lagukan ni Alessandra ang dirty martini na kanyang in-order. Pagkaraa’y ibinaba niya ang shot glass bago dinampot ang isang hiwa ng lemon na nasa platito at sinipsip ang katas niyon. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay guwardiyado. Walang ano man sa kanyang mukha na magpapahiwatig ng kanyang nararamdaman o iniisip.             “One more,” sabi ni Alessandra sa bar tender. Maging ito ay nakatitig sa kanya. Agad namang tumalima ang bar tender at inilagay sa harap niya ang panibagong shot ng alak. Wala siyang inaksayang oras, dinala niya ang shot glass sa labi at sinaid ang matapang na inumin. Pagkuwa’y aktong kukuha na siya ng pera sa maliit na purse na kanyang dala nang magsalita ang bar tender.             “The bill’s already settled, Ma’am,” sabi ng bar tender na hindi maipagkakaila ang Russian accent.             Itinaas ni Alessandra ang isang kilay na perpekto ang hubog, nagtatanong sa bar tender. Sumenyas ang bar tender sa deriksiyon ng katabi niya. Nilingon ng dalaga katabi niya. Isang lalaki. Nasa akto ito na ibinababa ang baso ng alak na nahuhulaan niyang scotch ang laman. Nakasuot ito ng business suit. Ni hindi ito lumingon sa kanya. Malamlam ang liwanag sa bahaging iyon ng bar subalit sapat na iyon para mabistahan niya na magandang lalaki ito base sa profile ng nakatagilid na mukha. Hindi rin naman pinagtagal ni Alessandra ang paningin rito. Kung inaakala ng lalaki na makukuha nito ang atensiyon niya dahil lamang binayaran nito ang alak na nainom niya ay nagkakamali ito. Tumayo ang dalaga at naglakad palabas.             “Thank you,” narinig niyang sabi ng lalaki. Bagaman walang mababakas na sarkasmo sa tinig.             Huminto sa paglalakad si Alessandra. Pagkuwa’y bumalik siya sa harap ng bar, sa harap mismo ng nakatalikod na lalaki. Iniikot niya ang stool na kinauupuan ng lalaki at mabilis na kumandong rito. Pagkatapos ay hinagkan niya ito. Mariing hingakan niya ito hanggang sa pangapusan ito ng hininga. She kisses him real hard until he was hard, until his arousal was throbbing. At hindi nahirapan si Alessandra na gawin iyon dahil ang kanyang hitsura, ang makurba niyang katawan ay sapat na para ma-turn on ang mga lalaki. Idagdag pa na hindi matatawaran ang kanyang kakayahan sa pang-aakit ng lalaki.             “I didn’t asked you to pay for my drinks,” iyon lamang at walang lingon-likod na siyang umalis. Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng bar, nakataas ang noo, alerto ang mga mata, at matalas ang pakiramdam. The guy was smart enough not to follow nor pursuit her. O marahil, hindi angkop ang salitang ‘smart’, marahil ang lalaki ay na-intimidate sa kanya.  Intimadated by how cold and distant Alessandra had acted. Mabuti. Dahil kung nagkamali ang lalaki ng kilos, pagsisisihan nitong nagsalubong ang mga landas nila ng dalaga.             Nang nasa labas na ng bar si Alessandra, pumara siya ng taxi. Agad naman siyang nakakuha. Nagpahatid siya sa hotel kung saan siya tumutuloy. Ilang minuto lamang at sakay na siya ng elevator na maghahatid sa kanya sa ikadalawampung palapag ng hotel kung saan naroon ang inuukupa niyang hotel suite. Binuksan ni Alessandra ang pinto at pumasok siya. Habang isinasara ang pinto, bahagya niyang iginalaw-galaw at pinatutunog ang kanyang leeg. Pagkuwa’y binuksan ng dalaga ang dala niyang purse. Mula roon ay kinuha niya ang singlaki ng kuko na communication device at inilagay iyon sa kanyang tainga. She switches the device on. Oras na para isakatuparan ang misyon kung bakit naroon siya sa bansang Russia.             “Shadow…?” pagtawag ni Alessandra sa pangalan ng kanyang kaibigan na siyang nasa kabilang linya.             “Right here, Alex. Are we good?” agad na tugon nito.             “Yeah. Status?” kaswal na sagot niya.             “Subject is on the move.”             “All right,” usal niya. Kinuha niya ang isang pares ng gloves sa kanyang purse at isinuot iyon. “Estimated time of arrival?” tanong niya habang tinutungo ang kama. Nang nasa paanan na ng kama, yumuko siya at sinilip ang ilalim niyon. Nakita niya ang isang kulay itim na parihabang bag.  Mabilis na kinuha iyon ni Alessandra.             “Ten minutes.”             “Roger that,” aniya. Bitbit ang bag, tinungo ng dalaga ang bintana na nasa bandang Silangan. Ilang metro mula sa hotel na tinutuluyan niya ang hotel naman na pupuntahan ng kanyang target para sa isang speaking engagements nito. Binuksan niya ang bag. “The finest, of course,” komento niya patungkol sa laman ng bag. It was a powerful sniper rifle—A Barrett MRAD .388 Sniper Rifle. Wala siyang inaksayang sandali. Ekspertong in-assemble niya ang baril. Ilang sandali pa at tutok na ang mga mata ng dalaga sa maliit na teleskopyong kaakibat ng baril. Ang daliri niya ay nasa gatilyo na ng baril habang ang kaliwang palad ay bahagyang ini-a-adjust ang sight range.             Ang pangalan niya ay Alessandra Santiago. At isa siyang assassin. Batikan sa larangang iyon. At may malamig na puso. Isa siya sa pinakamagaling na sniper sa mundo ng mga assassin. At ngayon, siya at ang mga kaibigan niya ay inupahan para patayin si  Yuri Udinov—isang Russian, isa buwayang negosyante.              Si Shadow ang namamahala sa mga teknikal na bagay katulad ng pagha-hack sa mga CCTV’s, government websites, GPS, satellites and all the likes. Ang kailangan lamang ni Shadow ay ang kanyang computer at ang mga nakamamanghang computer programs na ito mismo ang bumuo. Si Shadow ay henyo pagdating sa computer. Wala sa Russia si Shadow. Pero nalalaman nito ang galaw ng taong minamanmanan nila dahil kay Panorama. Panorama is Shadow’s pride. Isa iyong computer programme—isang search engine— na nilikha ni Shadow. Makapangyarihan iyon at sobrang high-tech. Kahit saang bahagi ng mundo, ay nagagawa ng Panorama na ma-hack ang mga satellites, websites, security cameras, at iba pa. Espesyal ang Panorama dahil invisible iyon. Puwede iyong maglabas-masok sa kahit na anong websites na hindi namamalayan. Tulad ng sandaling iyon; nasa Pilipinas si Shadow at nakaharap sa computer nito pero nakikita nito ang lahat dahil h-ina-ck nito ang mga CCTV’s sa lansangan ng Russia. Ang gobyerno, lalo na ang pinakamakapangyarihan—ang Amerika, ay matataranta kapag natuklasan ng mga ito ang Panorama.             Pumarada ang tatlong sasakyan sa entrance ng hotel na tinutukan ni Alessandra. Sa una at ikatlong sasakyan ay agad nagsilabasan ang mga lalaki na halatang bodyguards ng isang malaking tao. Agad nagmanman ang mga ito sa paligid. Pagkaraan ng ilang segundo, bumukas ang mga pinto ng nasa gitnang sasakyan. Tatlong lalaki ang lumabas. Isa roon si Yuri Udinov. Kilala na ito ni Alessandra dahil napag-aralan na niya ang files nito.              “Target on sight,” usal niya bago iniasinta ang target point ng baril sa pakay. She was aiming for a fatal shot like what she did in all of her previous job. At iyon ay ulo o sa puso. Sa pagkakataong ganoon, bawat segundo ay mahalaga. Wala dapat lugar para sa ano mang pagkakamali, kahit pinakamaliit lamang. Isang maliit na pagkakamali lamang ay siguradong papalpak ang kanyang misyon.             Goodbye, Yuri Udinov. Walang pag-aalinlangan na kinalabit ni Alessandra ang gatilyo ng baril. At sa isang kisap-mata ay bumagsak ang target. “Hit,” aniya kay Shadow habang kitangng dalaga ang pagkakagulo ng lahat sa harap ng hotel. Saglit na itinutok niya sa kaguluhan ang kanyang mga mata, ni wala siyang madamang ano man sa kanyang dibdib. Pagkatapos niyon ay pulidong kinalas niya ang baril at muling inilagay iyon sa bag. Ibinalik niya ang bag sa ilalim ng kama. Ang kontak nila ang nagdala ng armas na iyon sa hotel, ito na rin ang bahalang kumuha niyon doon. Parte iyon ng kanilang kasunduan.             “Dapat ba akong masorpresa?” ani ni Shadow na may bahid ng panunudyo. Mas masosorpresa umano ito kapag nagmintis siya. Her track record speaks for how exceptional her abilities are. “Nai-transfer na ang kabuuang bayad, Alex. Ang kailangan mo na lang gawin ay umalis riyan, sumakay ng eroplano, at bumalik ng Pilipinas. I’ll see you when you get back. Puwede nating pag-usapan ang susunod na misyon at—”             “Mag-usap tayo pagbalik ko, Shadow,” tugon ni Alessandra habang tinatanggal ang suot na gloves. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng silid. Tinitiyak na walang ano man na maaaring makapagturo sa kanya roon.             Kaswal na lumabas ang dalaga ng hotel pagkaraan ng ilang sandali. Si Shadow na ang bahalang magbura ng mga CCTV recordings, kung mayroon man, na maaaring maglagay sa kanya sa alanganin. Pinuno niya ng malamig na hangin ang kanyang baga bago naglakad. Nadagdagan na naman ang listahan ng mga buhay na inutang niya. Nakakadama ba siya ng pagkakonsensiya? Ng awa?             Hindi. May puso pa ang isang Alessandra Santiago pero sintigas na iyon ng bakal at sinlamig ng yelo. At hindi ito ang huling pagkakataon na mababahiran ng dugo ang kanyang mga kamay. Hindi hangga’t hindi nagmamantsa sa kanyang mga palad ang partikular na dugong minimithi niya…               PHILIPPINES             Maghahating-gabi na nang makalapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong sinakyan ni Alessandra. Nang nasa labas na siya ng pandaigdigang paliparan, mula sa kung saan ay pumarada naman sa harap niya ang isang kulay pula na sport’s car. Walang pag-aalinlangan na binuksan ni Alessandra ang passenger’s side at lumulan roon.             “Kumusta ang b’yahe?” tanong ng driver na walang iba kundi si Shadow—ang henyo sa computer at isa sa mga anak ni Aphrodite’s dahil tila diyosa ito na nagkatawang-tao.             Hinagilap ni Alessandra ang seatbelt at ikinabit iyon, knowing how monster Shadow is in front of a steering wheel. “Fine,” aniya habang binubuksan ang bintana ng sasakyan para pumasok ang hangin. Hangga’t maaari ay natural na hangin ang gusto niyang nilalanghap.             “Hindi mo na kailangang gawin pa iyan,” awat sa kanya ni Shadow. Sa isang pindot sa isang button ay bumaba ang bubong ng sports car. “My latest baby,” nakangising sabi nito patungkol sa sasakyan.             “Whoa!” gulat na sabi niya ng biglang umarangkada ang sasakyan. Napailing lang si Alessandra. Tila hindi na sumasayad sa kalsada ang gulong ng sport’s car sa tulin ng pagpapatakbo ni Shadow. “May balita ka na kay Chameleon?” malakas niyang tanong. Si Chameleon ay ang isa pa nilang kaibigan. Katulad ng pangalan nito, si Chameleon ay kayang humalo sa kahit na ano, sa kahit na saan. Silang tatlo ay femme fatale. Kung si Shadow ay computer genius, si Chameleon naman ay may kakayahan pagdating sa aspetong psychological. Kaya nitong manipulahin ang behavior ng isang tao, kapag ang taong iyon ay sumailalim sa ekspertong nga kamay ni Chameleon. Nitong nakaraang buwan, naging malaking balita sa buong bansa ang pampublikong pangungumpisal ng isang pulitiko. Kumpisal na may kinalaman sa krimen na kinasangkutan nito. Ang pulitikong iyon ay nakakulong na ngayon. Ang hindi alam ng mga tao, si Chameleon ang responsable roon. Chameleon’s expertise is the complexity of the human brain. Alam nito kung alin ang mga dapat galawin o lagyan ng pressure para baguhin ang behavior ng isang tao.             Ang dalawang ito ang bumago ng buhay ni Alessandra limang taon na ang nakararaan. Binigyan siya ng mga ito ng regalo—ang kakayahang pumatay. Mga kakayahan na humulma sa kung ano siya ngayon. Itinuro sa kanya ang lahat ng dapat niyang matutunan mula sa iba’t-ibang klase ng martial arts, sa tamang pakikipaglaban, hanggang sa paggamit ng iba’t-ibang klase ng baril at patalim. Ipinakilala sa kanya ni Chameleon ang iba’t-ibang uri ng lason, kasama na ang mga uri ng lason na ito mismo ang bumuo at kung paano iyon gamitin sa tao. Tinuruan rin siya kung papaanong puwedeng maging armas ang kagandahan at alindog ng isang babae. Si Shadow at Chameleon ay namangha sa bilis niyang matuto. Sabi pa ng mga ito ay tila natural sa kanya ang mga bagay na iyon na para bang dati na niyang ginagawa ang mga iyon. Mahigit isang taon lamang siyang nagsanay. Nang tumuntong siya sa edad na bente uno, naging professional killer na siya at sumapi kina Shadow at Chameleon.             “Yeah. Nasa Italy siya last week, ngayon ay nasa Roma. She’s doing her Eat, Pray, and Love version,” tugon ni Shadow na gumising sa nagbabalik-tanaw na isip ni Alesandra.             Napabaling siya kay Shadow, kunot ang noo. “Anong ginagawa niya?”             Inikutan siya ni Shadow ng mga mata. “You know… the movie Eat Pray and Love. Ah. Hindi bale na nga lang. Obvious naman na hindi ka maka-relate sa pelikulang binanggit ko. Ang ibig kung sabihin baka kako nag-so-soul searching ang kaibigan natin. Sabi niya ay ayos lang siya at huwag tayong mag-alala sa kanya.”             Tipid siyang tumango. “May hindi sinasabi sa atin si Chamie. Parang may pinagdadaanan siya.”             “Katulad mo,” mahinang usal ni Shadow. Napatitig siya sa kaibigan. Nakatuon ang paningin nito sa kalsada. Nang lingunin siya ni Shadow ay tinaasan siya nito ng isang kilay, hinahamon siya. “May hindi ka rin sinasabi. May pinagdadaanan ka rin.”             “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi—”             “Come on, Alex,” putol nito sa kanya. “Ako ang utak sa likod ng Panorama. I can see everything…”             “Oh, huwag mong alisan ng credit ang ama mo. Ang Panorama ay ideya ng iyong ama,” kunwa ay natatawang pambabara niya rito, umaasang hindi na ipipilit ni Shadow ang topiko .             “Oo nga. Ang masama lang, hindi siya binigyan ng pagkakataon para maisabuhay ang proyektong Panorama.” May bahid ng lungkot na wika ni Shadow. Pagkuwa’y bumuntong-hininga ito. “Anyway, huwag mong ibahin ang usapan. Alam ko, nararamdaman ko, may itinatago ka rin. At iginagalang ko iyon. Lahat tayo ay kanya-kanyang sekreto.” Inabot ni Shadow ang balikat niya at bahagyang pinisil iyon. “Huwag n’yo lang kalilimutan na narito lang ako lagi. Magkakapatid tayo. Maaaring hindi sa dugo, pero magkakapatid tayo sa puso.”             Itinuon ni Alessandra ang paningin sa dinaraanan nila. Ang mga Christmas lights ay nagkalat. Kumukutikutitap. Malamig din ang simoy ng hangin. It’s the yuletide season—ang okasyong hinihintay at pinananabikan ng lahat, lalo na ng mga bata. At minsa ay ganoong bata siya, nanabik at hindi makapaghintay ng kapaskuhan. Pero kapaskuhan din noong magbago ang buhay niya.             “Humor me, Alex, let us say na bata ka pa ngayon at talagang naniniwala ka kay Santa Claus, ano ang hihilingin mo sa kanya para sa kapaskuhan?”             Tumiim ang bagang niya. Pero bago pa man siya makasagot ay inihinto na ni Shadow ang sasakyan sa isang liblib na bahagi ng binabaybay nilang Daang Hari, Cavite. Sa isang tabi ay mayroong komosyong nagaganap. May grupo ng mga kalalakihan at mayroong isang babae na tila hina-harass ng mga ito. Natawag nila ang atensiyon ng mga ito. Umiiyak ang babae, nagmamakaawa. Ni wala na itong ano mang saplot sa katawan. Hindi mahirap hulaan na sinalbahe na ito. Habang mga lalaki ay tila halimaw na nasisiyahan.             “Akin ‘to,” sabi ni Shadow. “Hindi man lang ako pagpapawisan sa mga iyan.” Pero agad niyang nabuksan ang pinto at nakababa. “Hey! Sabi ko akin ‘to,” protesta ni Shadow na hindi pinansin ni Alessandra. Balewalang lumapit siya sa komosyon. May kadiliman sa bahaging iyon ng daan kaya malabong mamukhaan siya ng mga ito.             “Hindi na natin kailangang mag-agawan sa isang ito, mga ‘tol. Mga bebot na ang lumalapit sa atin,” sabi ng isa na agad naglabas ng patalim at sinalubong ang paglapit niya. Nagsaya ang mga kalalakihan, sumipol ang iba pa.             Sa pagkagimbal ni Alessandra, napagmasdan niya na malaki ang tiyan ng babaeng sinasalbahe. Buntis ito. Kumuyom ang mga palad ni Alessandra. Nanginig ang katawan niya sa galit.             Hindi ninyo kailangan ng awa ko! naniningkit ang mga matang tinakbo at sinalubong niya ang may hawak ng patalim. Tila hangin na lumusot siya sa pagitan ng mga hita nito. Nang nasa likod na ay mahigpit niyang hinawakan ang dalawang binti at hinila iyon dahilan para mapasubsob ang laki. Tumuntong siya sa likod ng lalaki, hinawakan ang ulo nito, at pinilipit iyon.             Dahan-dahang tumayo si Alessandra, tikom ang mga labi pero walang ano mang emosyon na mababanaag sa mukha. Dinampot niya ang patalim na nasa kamay ng lalaki bago siya matatag na humarap sa iba pang lalaki. Gimbal ang mga lalaki sa bilis ng pangyayari, lalo pa at narinig ng mga ito ang tunog ng nabaling leeg ng lalaki. Maging ang babae ay tutop ang bibig at nanlalaki ang mga mata sa pagkabigla. Pagkatapos, ang ekspresyon nito ay nagbago mula sa pagkagulat ngayon ay tila nagdiriwang na ito. Na tila ba ang ekspresyon nito ay nagsasabing tama lang iyon sa lalaki.             Nang makabawi sa pagkabigla ang lalaki ay sabay-sabay na sumugod ang mga ito. Hinawakan ni Alessandra ang dulo ng kutsilyo bago iyon ipinukol sa isa na sumapol sa dibdib, kasabay niyon ang pag-apak paakyat sa dibdib ng lalaki. Nang nasa balikat na siya nito ay inipit niya ang ulo ng lalaki sa mga paa niya at binali bago siya paikot na tumalon sa harap ng isa pang lalaki at tinusok ng kanyang daliri ang mga mata nito. Ginawa niya iyon sa loob lamang ng ilang segundo. Tatlo na ang bulagta at wala ng buhay at isang humihiyaw sa sakit dahil sa matang nadukot. Dalawa na lang ang natitira pa. Ah, walang panama ang mga ito sa kanya. Bukas, siguradong nasa balita ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD