bc

Alessandra- A Femme Fatale's Story (Completed)

book_age0+
4.0K
FOLLOW
40.2K
READ
revenge
possessive
kidnap
badboy
badgirl
kickass heroine
drama
tragedy
twisted
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pinagdaanan sa buhay, pinili ni Alessandra na maging isang propesyunal na assassin. Binabayaran siya para pumatay. Matigas siya at may malamig na puso. Pero dumating sa buhay niya si William at kahit hindi nito alam ang tunay na pagkatao niya ay pilit nitong pinalalambot ang puso niya. Hanggang sa hindi niya namalayang minamahal na niya si William. Paano nito matatanggap ang pagkatao niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue 5 Years Ago             Nanginginig ang buong katawan na namaluktot si Alessandra. Giniginaw siya pero pinagpapawisan ang kanyang katawan. Para siyang mababaliw. Ang buong katawan niya ay humihingi ng bawal na gamot. Binubuyo siya ng kanyang isipan na gawin ang lahat para magkaroon ng drugs, kahit kaunti, pamatid uhaw lamang. Gusto niya ng ipinagbabawal na gamot.  She was crazy for it, dying for it. Subali’t hindi niya magawang makabangon mula sa kamang kinaroroonan niya dahil siya ay nakakadena. Droga, droga, droga! Tila nagwewelga ang buong katawan niya sa paghingi ng bawal na gamot. Nanginig ang dalaga. Napagdaanan na niya ang ganitong sitwasyon. Minsan na siyang ikinulong at ikinadena. Minsan na siyang naging s*x slave. Pinatay niya ang taong iyon sa sandaling kalasin nito ang mga kadenang iyon. At ngayon heto uli siya; nakakadena at nakakulong. Mauulit na naman ba ang nangyaring iyon sa kanya?             Bumukas ang pintuan. Nasilaw siya sa liwanag na pumasok sa silid kaya pumikit siya.             “Hello,” sabi ng pambabaeng tinig.             Nagmulat si Alessandra ng mga mata. Dalawang babae ang nakita niya. “Sino kayo? Sino kayo?!” sigaw niya. Pinilit niyang kumawala mula sa pagkakatali ng mga kamay at binti niya ngunit hindi niya magawa. Ang huling natatandaan ni Alessandra ay nasa madilim na bahagi siya ng Tondo kahapon, sa isang tambak ng basura kung saan siya iniwan ng tatlong lalaki na lumapastangan sa kanya. Pagkatapos niyon ay nagdilim na ang lahat sa kanya.             “Calm down. Mga kaibigan kami. Ako si Shadow.”             “At ako naman si Chameleon,” sabi ng isa na may blond na buhok. Tila may dugong banyaga ito.             “K-kaibigan? K-kung kaibigan ko kayo, pakawalan n’yo ako dito. Hindi. Drugs. Pahinging droga. Sige na, kahit kaunti lang.” Parang pulubi na pagmamakaawa niya. Hanggang ang pagmamakaawa ni Alesandra ay nauwi sa pag-iyak. Naging malikot ang nanlalalim at nangingitim na mga mata niya. “Pakawalan n’yo ako dito. Baka mababoy uli ako. Ayoko na. Ayoko na…” patuloy siyang umiyak. Kung hindi lang dahil sa kadenang pumipigil sa kanya ay baka kanina pa siya nagsumiksik sa isang sulok. Sa dami ng pinagdaanan niya, pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng ulo. Pero, hindi. Hindi siya bibigay. Magpapakatatag siya. Patuloy siyang mabubuhay hangga’t hindi siya nakakapaghiganti.             Naupo si Chameleon sa gilid ng kama. Pinahid nito ang luha niya. “You’ve been through a lot, haven’t you?”             Napansin ni Alessandra na bago at presko ang bistida na suot niya. Ang mga sugat niya at nalinis at mababakas pa ang ointment at betadine na inilagay roon. Nalalanghap niya ang mabangong amoy ng shampoo na ginamit sa buhok niya. “S-sino ba kayo?”             Hinila ng isa pang babae na Shadow umano ang pangalan ang isang silya at pabukakang inupuan iyon. Napakaganda rin ni Shadow. Para rin itong modelo na lumabas mula sa pahina ng isang glossy magazines. Sa dalawang babae ay mas feminine at mas malambot ang dating ng facial features ni Chameleon bagama’t parehong may kakaibang karakter ang dalawa. “Ano’ng pangalan mo?”             “A…A-Alessandra…” tugon niya.             “Alessandra,” pag-ulit ni Shadow. “Tulad ng sinabi ko, mga kaibigan kami. Puwede mo kaming pagkatiwalaan. Hindi ka namin sasaktan, Alessandra. Chameleon and I, we’ll give you a gift.”             “G-gift? Ano’ng regalo?”             “Skills.” Si Chameleon ang nagsalita. “Skills to protect yourself. We’ll turn you into a femme fatale.”             Kumunot ang noo ni Alessandra. Femme fatale? Ano ang ibig sabihin niyon? “Fe—femme…a-ano?”             “Femme fatale. Katulad namin ni Shadow,” ani ni Chameleon. “Pero sa ngayon, lilinisin muna natin ang katawan mo. Lilinisin mula sa droga. We can make you clean, Alex—puwede ka ba naming tawaging Alex?”             Tumango siya. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.2K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

A Night With My Professor

read
497.0K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.2K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.1K
bc

My Godfather My husband

read
269.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook