Simula[Teaser]
SIMULA
MARIA GRACE’S POV
TAGAKTAK NA ANG PAWIS ni Maria sa noo habang nag-aalok sa mga taong nadaan ng paninda nilang gulay at isda.Wala silang pwesto ng kanyang ate Seleste sa loob ng palengke kaya heto sa amy bungad at labas lamang sila nakapwesto.May bubong naman silang trapal pero hindi iyon sapat para hindi siya mainitan dahil sa sikat ng araw.Tuwing araw ng sabado at linggo ay siya ang natao sa pwesto nila habang ang kanyang ate naman ay monday to friday dahil wala siya ng ganoong araw.Nag-aaral pa kasi siya at kasalukuyang college student.
Tuwing weekend rin ang pahinga ng kapatid dahil sa buntis ito at ilang buwan na lang ay manganganak na.Silang dalawa na lang ng kapatid ang magkasama sa buhay dahil ang kanilang mga magulang ay maagang sinundo ni San Pedro.Elementary ako at High School naman si ate ko ng mamatay ang magulang namin dahil sa aksidente. Huminto si ate sa pag-aaral para mabuhay kami pareho dahil ni isa sa kamag-anak namin both side ng magulang namin ang walang nais na kumupkop man lang sa amin o tumulong financial.Kaya para mabuhay kami at makaraos ay nagparaya si ate na pag-tapusin ako ng pag-aaral na hindi ko naman pinapabayaan dahil nag-aaral akong mabuti.Bawat sentimo na kinikita namin ay pinapahalagahan ko at hindi ko kinakahiya sa school namin na always akong may baon na binalot na pagkain para lamang makatipid.Sa hirap ng buhay ngayon dahil sa taas ng bilihin ay kailangan maging praktikal ka at masinop sa kahit na anong bagay.
“Hoy Maria may baon ka ba dyan?Tara sabay na tayo kumain!”
Napalingon ako sa tumawag sa akin na walang iba kundi si Becky na bestfriend ko at kaklase rin.Same kami nito na nagtitinda every weekend para kumita. Kagaya ko isa rin mahirap na mamamayan sila Becky.
“Meron Becky.Sige sabay na tayo dito na lang sa pwesto ko tayo kumain,”sigaw ko dito pabalik na tumango lang sa akin bago bumalik sa pwesto nito sa kabilang side lamang.Bumalik si Becky na may dalang supot na plastic.Pinagsaluhan namin ang aming mga baon at syempre share-share kami sa aming ulam.Matapos kami kumain ay tumambay pa ng ilang sandali si Becky bago bumalik sa pwesto ng mga ito.
Muli naman akong nag-alok ng paninda namin hanggang sa sumapit ang hapon na ubod ng tumal ang bentahan.Umuwi tuloy ako sa bahay namin na hindi malaki ang kita.
“Ate!”
Malakas na tawag ko sa kapatid ng madulas ito sa may malapit sa poso de n***o na tunggaan na nasa malapit lamang sa bahay namin.May dalang timba ang kapatid ko at mukhang mag-iigib pa. Agad ko itong nilapitan at inalalayan tumayo pero bigla akong namutla ng may tumulong likido ng dugo sa hita nito.
“M-May dugo ka ate!”kinakabahan na bulalas ko habang nakatingin sa may hita ng kapatid na tumingin rin dun bago dumaing sa hindi maipinta na mukha.
“Ahhh…Maria ang sakit!”aniya nito na ikinataranta ko bigla kaya naman hindi na ako nag-isip pa at sumigaw na agad para humingi ng tulong sa mga kapitbahay.
“Tulong!Tulungan niyo kami!Ang ate ko.Tulooooonnnggg!!!”
Isa-isa naman nagsilapitan ang kapitbahay namin at may nagsabi pa na baka manganganak na ang ate ko.May nagsabi rin na dalhin sa ospital o paanakan. Takang-taka man ako dahil nasa ikapitong buwan pa lang ang tiyan ng kapatid kaya paano ito manganganak na agad eh kulang pa ng buwan!Tinulungan kami ng barangay tanod para madala sa ospital si ate gamit ang patrol na sasakyan ng barangay.
Inasikaso naman agad si ate at ayon pa sa magpapaanak ay kailangan nila na paanakin na ang ate ko dahil sa dugo lumabas dito at kung ano-ano pa na sinasabi nito na hindi ko na maunawaan dahil ang utak ko ay puno ng pag-aalala at pangamba para sa kapatid.Aligaga ako habang hindi matali sa labas ng pintuan ng paanakan.Panay ang usal ko ng dasal para sa kaligtasan ng kapatid at pamangkin ko.
Mga dalawa o higit pa na oras ang dumaan bago lumabas ang nagpaanak sa kapatid pero may kung anong lungkot sa mukha nito kaya nahintatakutan ako lalo at binundol ng labis na kaba sa dibdib ko.
“Doc kumusta po ang ate ko?Ang pamangkin ko po kumusta?Okay lang po sila di po ba?”
Garalgal ang boses na tanong ko sa doktor na napahinga pa ng malalim bago umiling sa akin at nagsalita na siyang nag-paguho ng mundo ko at nag-patigil sa paghinga ko.
“I’m sorry ineng hindi nakayanan ng ate mo but the baby is already out.Kailangan namin pa siya imonitor at ilagay incubator dahil sa kulang sa buwan.Premature ang baby and also we need to do some test. Again nakikiramay ako,”nakikisimpatya na bulalas ng doktor na ikinaluha ko at hindi matanggap ng isip at puso ko na wala na ang kanyang ate.Paano na siya ngayon? Sila ng pamangkin niya kung sakali? Paano sila nito ngayon kung sila na lang dalawa!
Lord bakit?Bakit ako pa ang pinararanas mo ng ganito?Bakit?!Wag mo rin naman sana bawiin rin ang pamangkin ko dahil siya na lang ang meron ako!may hinanakit na sambit ko sa isipan.Sa tulong ng ilang kapitbahay ay naiuwi ko sa bahay ang labi ni ate para iburol.Mas lalo pa akong nahabag ng talikuran ako mismo ng mga kamag-anak namin na nakakaluwag sa buhay.Buti pa ang pamilya ng bestfriend kong si Becky nandyan kahit naghihirap rin ang mga ito sa buhay ay kahit konti ay tumulong sa akin.Nasabihan pa ako ng isa sa mga tiyahin ko na malas daw. Doble-doble ang sakit pero kailangan ko indahin.No choice ako para may magastos sa pagpapalibing at bayarin sa ospital ay napilitan ako ibenta ang bahay at lupa namin.Humingi rin ako ng palugit sa bagong may-ari na wag muna kami basta paalisin dahil hindi ko pa alam kung saan kami sisilong ng pamangkin ko kung sakali.Pumayag naman ito pero mga isang taon lamang daw.May panahon pa ako para mag-ipon ng pera at mag-isip ng paraan kung saan na kami tutuloy ng pamangkin ko kung sakali man na matapos na ang palugit na binigay ng bagong may-ari.
Matapos ang burol at libing ni ate ay huminto na ako sa pag-aaral para makapag hanapbuhay habang nasa ospital pa ang pamangkin ko.Hindi uso sa akin ang salitang ‘Pagod’ dahil nasanay na ako sa pagbabanat ng buto para lamang may kitain pera.Ilang buwan ang dumaan hanggang sa maka isang taon na nga at ngayon ay kasama ko na ang pamangkin ko na naging malusog sa kabila ng pagiging premature nito ng ipanganak.
Isang taon pa lang si Raphael ng lumisan kami sa aming barrio dahil ang lupa at bahay na tinitirhan namin ay nabenta ng mamatay si ate kaya ngayon heto na ang huling palugit sa amin ng may-ari.May nakita rin akong maliit na litrato na may pangalan sa likod at address na nakasulat kaya nakipagsapalaran ako lumuwas sa Maynila para hanapin ang taong ‘yun.Ang taong ama ni Raphael at nasa larawan kasama ni ate Seleste.
Hermes Bianchi…