Galit Nakaupo na lamang ako sa kama ni Isaiah habang pinapanood siyang nakatayo, ang isang kamay ay nasa beywang habang ang isa naman ay hawak ang cellphone at may kausap. Tumango siya roon at sumulyap sa akin. Niyakap ko ang aking mga binti at hinalikan ang aking tuhod. I am so guilty... Masyado akong nanununggab... Hanggang ngayon ay para parin akong hangover sa aming halikan at hindi na naman ako makamove-on. I am still thinking about it. Binasa niyang muli ang labi at tumango. "Sige. Pupunta kami," aniya at binaba rin ang tawag. "Sino 'yon?" tanong ko. "Si Lyle. Birthday niya. Inimbitahan tayo," aniya at tumalikod saka hinila ang suot na tshirt. Suminghap ako nang makita ang kanyang likod. Napaka well toned ng katawan ni Isaiah. Halos sundan ng aking mga mata ang pagflex ng ka

