Truth Or Dare? Galit na galit si Isaiah. Hindi parin humuhupa ang apoy sa kanyang mga mata na kahit anong sabihin ko, kahit anong panghahaplos ko ay ramdam ko parin ang kagustuhan niyang manakit sa nambastos sa akin. "Paano nalang kung kinaladkad ka noon sa madilim na parte?" iritado niyang tanong, ang aking mga sinasabi ay nilalamon niya. "It's crowded Isaiah... Sisigaw naman ako—" "Makakasigaw ka pa kaya kung tinakpan niya ang bibig mo?" putol niyang muli na ikinaawang ng aking labi. Natutop iyon. Binasa niya ang kanyang labi at iritadong kinuha ang sanmig saka iyon tinungga. Anzai was talking seriously with Lyle, ganoon rin si Raziel na nakahalukipkip at mukhang iyong lalake rin ang kanilang topic. Anzai said something na mukhang nagpadaan ng takot sa mukha ni Lyle, hindi na mak

