Quit "Is it okay?" Tiningnan ko nang maigi ang ekspresyon niya habang nagf-free taste sa ipinaglalagay kong cake sa kanyang harapan. "This one is too sweet while this one is is too creamy..." aniya at itinuro iyon isa isa. "Nilalait mo lang ata lahat eh." Umirap ako at kinuha ang tinidor na hawak niya saka rin iyon tinikman. "Ano pang silbi ng opinyon ko kung hindi mo naman pala paniniwalaan?" Umirap si Irah at hinawi ang buhok. Tumayo ako at nagtungo sa counter. Inilapag naman doon ni Berning ang panibagong set ng mga coffee. Kinuha ko ang tray at dinala iyon sa table ni Irah na nakahalukipkip na. "Try this one by one, too..." sabi ko at inilapag iyon doon. Naningkit ang kanyang mga mata nang tingnan ang bawat tasa. "Gusto mo ba akong patayin sa nerbyos?" "Chill... Wala nam

