New Chapter Ilang minuto akong naroon at umiiyak lamang. I can't even get-up. Hindi lamang ang puso ko ang nadurog kundi bawat parte ng aking katawan. Masyado akong nanghihina para tumayo. Masyado akong nanghihina sa ginawa kong desisyon. I hope this is all worth it! Alam ko makakaya niya kahit wala ako. I am only a burden to him. Pag ipinagpatuloy namin ito, baka mas malala pa ang mangyari. I want to be selfish but this love is just too much! "Ma'am... Okay lang po ba kayo?" Dinaluhan agad ako ng katulong at tinulungan akong makatayo. Panay ang aking paghikbi. Pinalis ko ang mga luha pero grumabe lamang ang agos noon. Stop crying, Zera! Ginusto mo naman ang nangyari! Plinano mo naman siyang itulak palayo sa'yo! Ito naman ang gusto mo kaya h'wag kang umiyak iyak na parang sising sisi k

