“UHM, Mr. Mortiz—”
“Raphael.”
“Huh?” takang tanong ni Claudette.
Nagtatakang napatingin si Claudette sa katabing si Raphael. May itatanong at ipakikiusap sana siya ng bigla siya nitong putulin. At hindi naman niya naintindihan ang ibig sabihin ng lalaki kaya tiningnan niya na lang ito.
Napatingin din naman sa kanya si Raphael kaya nagtama ang mga mata nila. “From now on, call me Raphael, or anything you want. But not in my surname. It sounds distant, not like a wife calling her husband.”
“Oh,” halos pabulong na napatango si Claudette.
Napaisip naman siya sa sinabi ni Raphael. May punto nga rin naman kasi talaga ang lalaki. Although they were only in a convenient marriage, still, that’s a marriage accepted by the law and by God. Kahit pa nga hindi sila sa simbahan ikinasal.
At kung magtatawagan lang sila sa kani-kanilang apelyido ay mukha nga namang hindi sila mag-asawa. Isa rin naman sa kondisyon ni Raphael ay ang magmukha silang tunay na mag-asawa sa harap ng ibang tao.
Maaaring nakaiilang pa iyon para kay Claudette, pero kailangan niyang sanayin ang sarili. Para din naman iyon sa kanyang anak. Ayaw naman niyang maapektuhan ang anak sa relasyon nila ng ama nito.
Kaya nga siya pumayag sa kondisyon ni Raphael ay para sa anak. Ang simpleng pagtawag kay Raphael sa pangalan nito o sa kung ano pang endearment na maisip niya para sa lalaki ay maliit lang na bagay kumpara sa nauna niyang sakripisyo.
So, Claudette tried to think of what better name she should be calling her husband. 'Hubby? Masyadong childish. Asawa ko? Too cringe. Mahal? Too much. Sweetie? Too immature. Babe? We’re not that young!'
Gusto ni Claudette na sa tuwing maririnig ni Raphael ang tawag na iyon ay malalaman niya agad na siya ang tumatawag. So she can’t use any common names that are either too childish or too much for a marriage that has no feelings involved.
Bigla niyang naalala ang tawag ng mga kaibigan ni Raphael sa kanya. Kung tama ang pagkakaalala niya, tinawag ng mga ito si Raphael na 'El'. It sounded like the letter 'L' which Claudette concluded that it was a shorter version of Raphael’s name.
'I think I might as well have used his name for my endearment.'
And so, Claudette wrote Raphael’s name in her head. Isa-isa siyang bumuo ng pangalan mula sa pangalan ni Raphael. From extracting some parts and doubling them, which sounded like a child’s name. Sinubukan niya ring bumuo ng pangalan kung saan dadagdagan niya ng ilang letter ang napili para magkaroon ng panibagong pangalan. Pero nagtutunog ibang tao na iyon kaya ekis pa rin sa kanya sa huli.
Nag-isip pa si Claudette kaya hindi na niya napansin na hindi na pala niya naituloy ang itatanong niya sana sa lalaki. Samantalang naiwan namang nakatingin lang si Raphael kay Claudette, naghihintay pa rin sa kung ano mang sasabihin dapat sa kanya ng babae.
While Claudette were having a deep concentration inside her head, Raphael remained watching her silently. Bawat lukot ng noo ni Claudette, ang panliliit ng mga mata niya, o kaya ang panaka-naka niyang pagkagat sa ibabang labi habang patuloy pa rin ang diskusyon niya sa sarili sa loob ng isip.
Wala namang nagbago sa timpla ng mukha ni Raphael. Kahit pa nga tuluyan na siyang nakalimutan ng babae ay nanatili ang diretso niyang tingin at blankong ekspresyon. But there was a flash of amusement flickering in his dark eyes.
“Claudette,” mahinang tawag ni Raphael pero sapat na rin iyon para mapatingin sa kanya si Claudette.
“Yes, I'm sorry. I was just used to being alone in a car. That’s why it was so easy to fall into a deep daze,” agad na paumanhin ni Claudette ng ma-realize ang mabilis na paglutang ng isip niya.
“That’s fine,” agad na wika naman ni Raphael.
Gusto niya pa sanang idugtong na na-cute-an siya sa ugaling iyon ni Claudette pero pinigilan niya ang sarili. Ang hindi na nga magalit dahil sa biglaang pag-ignora sa kanya ni Claudette o ang pagkatulala ng babae habang kausap siya ay sapat ng kahihiyan para sa mainipin at mainitin niyang ulo.
Hindi kasi iyong tipo na mahaba ang pasensya si Raphael. Mas maiksi pa sa istasyon ng PNR ang pasensyang mayroon si Raphael pero iyon nga at nagawa niyang pagbigyan ang ginawa sa kanya ng asawa.
‘Wife huh,’ ulit ni Raphael sa isip. Mukhang dahil nga sa asawa niya ang babae kaya naman nagawa niya itong pagbigyan. So that means that the woman is not special, nor does he have any special treatment for her.
Since it’s his wife, it was natural for him to give her preferential treatment as a husband. Hindi niya puwedeng gawing dahilan ang pagiging kasal nila dahil sa kontrata, dahil una sa lahat ay siya mismo ang nag-alok ng tungkol doon at isa pa’y siya rin ang nagbigay ng kondisyon tungkol sa magiging relasyon nilang dalawa.
With this mindset, an unknown tilt plastered in the corner of Raphael’s mouth. “I will call you by your name if we are alone, but if there are other people around, I will call you wife, is that fine?” Raphael said in an examining tone.
Agad namang napatango si Claudette sa narinig. Hindi naman masama sa kanya ang napili ng lalaki. Maybe she can also call him ‘husband’? Kaysa ang pahirapan niya pa ang sarili niya sa pag-iisip ay bakit hindi na lang iyon ang gamitin niya sa ngayon.
“Then it would be the same for me. I will call you by your name when there’s only you and me. While I will call you husband in front of other people,” nakangiting saad ni Claudette.
Blanko ang mukhang napatango naman si Raphael at tsaka napaiwas ng tingin kay Claudette. Wala namang napansin si Claudette kaya naman napatingin din siya sa labas. Mukhang malayo-layo pa sila sa school ng anak na si Claudio. Malayo kasi talaga ang munisipyo dahil nasa kabilang barangay pa iyon.
Matapos kasi ng pagproseso nila sa kontrata ay katulad nga ng ipinangako ni Raphael, magkasama nilang susunduin ngayon ang anak mula sa kindergarten na pinapasukan ni Claudio.
Speaking of anak, agad din namang napatingin ulit si Claudette kay Raphael ng maalala ang mga dapat niyang sasabihin niya kay Raphael kanina pagkasakay nila sa sasakyan. Mukhang naramdaman din naman ni Raphael ang bigla niyang pagtingin sa kanya kaya napalingon din ito pabalik.
“What is it?” unang tanong ni Raphael.
“Well, actually I have a favor to ask. I hope you will listen to me first before deciding,” may maliit na ngiting saad ni Claudette.
“Go on then,” pagbibigay pahintulot naman sa kanya ni Raphael.
“It’s actually about Claudio. At iyong tungkol na rin sa paninirahan namin kasama mo. I just want to ask if we could tell and explain to Claudio everything first, about you being his father, before we move in with you?” pahina nang pahinang tanong ni Claudette.
Medyo nakaramdam kasi siya ng hiya dahil sa hinihingi niyang request. Sa totoo lang kasi ay hindi lang naman para sa anak niya ang tungkol sa request na iyon. Para din iyon sa sarili niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapag-move on mula ng sabihin sa kanya ng lalaki ang tungkol sa paglipat nila kasama nito.
As she said an hour ago, she had no idea that she needed to live in a house together with Raphael. Ang buong akala niya ay magsasalitan lang sila ng mga araw. At dahil ilang taon na rin naman niyang nakasama si Claudio ay pagbibigyan niya muna si Raphael ng isang taon para sa bahay nito manirahan ang anak, kaya naman hindi niya na muna inilagay sa kontrata niya o kaya naisipang itanong sa lalaki habang nag-uusap sila tungkol doon.
Pero sino nga naman ang mag-aakalang may ibang balak pala si Raphael. At dahil nga sa hindi siya handa sa bagay na iyon ay matagal na nagproseso sa kanya ang ibig sabihin kaya kahit gulantang pa ay napatango na lang kanina si Claudette.
Gustuhin man niyang bawiin iyon ngayon ay hindi na niya magagawa. Kahit papaano’y mayroon isang salita si Claudette. At ang bumawi ng naunang sinabi ay hindi niya gawain. Kahit pa nga hindi niya matanggap ang tungkol sa paglilipat niya ay inisip na lang niya ang kapakanan ng anak.
Mukhang pangit nga naman para sa imahe ni Claudio ang makitang nakatira sa magkaibang bahay ang mga magulang niya kahit pa nga kasal ang mga ito. Ayaw naman ni Claudette na maging tapunan ng tukso ang anak dahil lang sa kanila.
That’s why she was thinking the moment they took Raphael’s car to fetch their son is how to talk to Raphael about giving her time to process everything. At iyon na nga ang naisip niyang palusot na hindi naman magmumukhang palusot masyado.
“Don’t worry, hindi naman kailangang abutin ng ilang araw ang hinihingi ko. Just for this day, let’s ahm, let’s make everything clear to Claudio. Alam kong excited ka ng makasama ang anak mo, and I know it’s the same for Claudio. But he’s still a kid. Ayaw ko namang biglain siya. Promise, tomorrow, we will move in with you. Sa ngayon ay sanayin na muna natin sa presensya mo si Claudio,” halos makiusap na si Claudette mapapayag lang si Raphael.
Hindi naman niya kailangan ng mahabang panahon para makapag-adjust. For sure, the moment she woke up next morning, tanggap na niya ang lahat. At siguro para na rin maihanda pa niya muna ang mga importanteng bagay na dadalhin niya sa bago nilang titirahan.
And honestly, it was also good for their son. Katulad ng sabi niya, bata pa lang si Claudio. Maaaring gutom ito sa atensyon at pagmamahal ng isang ama, pero hindi naman puwedeng basta na lang nila isusubo sa kanya ang mga iyon ng walang paliwanagan.
Hindi man kailan nagtanong sa kanya si Claudio tungkol sa ama nito, pero ramdam ni Claudette na dalangin ni Claudio ang makilala man lang ang tunay na ama. Kung bigla-bigla na lang magpapakilala si Raphael bilang ama, ituturing na anak si Claudio, baka mabigla ang anak nila.
It would be better to explain what happened before to their son. Kung bakit sa anim na taon ay hindi man lang nagparamdam ang kanyang ama. Kung ano ang sitwasyon nila. Maaaring mahihirapang intindihin iyon ng anak dahil bata pa nga ito, pero tiwala si Claudette sa katalinuhan at bilis umintindi ni Claudio sa mga bagay-bagay.
Once they told him everything without missing anything, Claudio could process them well and in the end, he would understand it before accepting. In that way, hindi kailangang magsinungaling ni Claudette sa kanyang anak.
Nagawa nga nitong intindihin ang pagiging surrogate child nito sa edad na apat na taon, what more their current situation?
Kagat ang loob ng pisngi na tinitigan ni Claudette si Raphael dahil hindi pa rin ito nagsasalita. Nakaiwas na rin ito ng tingin sa kanya kaya hindi makita ni Claudette kung ano ang naging reaksyon ng lalaki.
“I-if you’re thinking about having your time with Claudio, huwag kang mag-alala. For this day, I will let you have your father-and-son bonding with him. Hindi ako sisingit o mang-iistorbo. If that wasn’t enough, then I will let him go home with you after. Ako na lang ang uuwi para ihanda ang lahat ng kailangan,” another proposal suggested by Claudette.
Hindi niya alam kung papayag ba si Claudio na sumama na sa ama nito pero kakausapin na lang niya ang anak na susunod din naman siya kinaumagahan. Nang sa gano’n ay walang choice ito kung ‘di ang sumama.
Claudette heard the low sigh that Raphael released. And finally, the man looked at her again. “There’s no need to force that. I agree with your first and second proposal. I will just fetch you tomorrow morning so I hope that everything is prepared by that time.”
Agad na napalawak ang mga ngiti ni Claudette. Mukhang kahit papaano pala ay mabuti naman ang ama ng kanyang anak. Maliban sa pagiging magandang lalaki nito, mayaman, at pagiging pasok ng lalaki sa kategorya ng kanyang dream guy ay may kabutihan din naman itong taglay.
“Anything else?” biglang tanong ni Raphael na nagbalik kay Claudette sa wisyo.
Doon lang napansin ni Claudette ang parang tanga niyang pagtitig kay Raphael. Nakangiti pa rin kasi siya ng malawak habang nakatingin kay Raphael. At mukhang nakaramdam naman ng pagkailang si Raphael dahil hindi na ito nakatingin sa kanya.
Nahihiyang napaiwas si Claudette ng tingin at napakamot pa sa gitna ng kanyang kilay. “Well, thank you,” pasasalamat ni Claudette habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Don’t mention it.”
Medyo nagulat si Claudette ng sumagot pa si Raphael kaya napatingin siya dito. Pero nakatingin pa rin sa kabilang bintana si Raphael kaya napangiti na lamang si Claudette. And it became a silent ride for the two. Not until they finally reach the gate of the kindergarten.
Sakto naman ang dating nila dahil nagsimula ng magsilabasan ang mga bata. Sinabihan ni Claudette na ipara na sa tabi ang kotse dahil wala na itong mahahanap na space sa mas malapit.
Hindi na nahintay pa ni Claudette na pagbuksan siya ng pinto ni Mikael na siya ring driver ng sasakyan, at nauna na siyang lumabas. Mabilis na nilakad niya ang gate para salubungin sa madalas niyang puwesto sa tuwing hinihintay niya ang paglabas ng anak.
“Mommy!” ang malakas na boses ni Claudio na nakipagsiksikan pa makalapit lang sa kinaroroonan ni Claudette.
“Don’t force it, you—”
Hindi na natapos pa ni Claudette ang sasabihin ng patalong nagpakarga na sa kanya ang anak. “Mommy!”
Natatawang agad na inalalayan na lang ni Claudette ang puwetan ng anak para hindi ito bumagsak o mahulog. Inayos niya rin ang pagkakakarga sa anak para makausap niya ito ng maayos.
“Tita Claudette!” ang masayang bati naman sa kanya ni Alvie habang ang yaya naman nitong si Nikki ay nakangiting nakasunod sa alaga.
“Hello to you too, Little Alvie,” nakangiting bati ni Claudette at nakangiting tinanguan naman ang dalagang si Nikki.
“Wah! It’s the bad mister!”
Sabay-sabay naman silang napatingin kay Claudio at sa tinawag nitong ‘bad mister’, at agad na nanlaki ang mga mata ni Claudette ng makita kung sino ang tinawag na ‘bad mister’ ng anak.
“Ano, mauuna na po kami, Señorita Claudette, Señorito Claudio,” halos pabulong na singit ni Nikki habang karga-karga ang batang si Alfie na puno ng kuryosidad na nakatingin din sa ‘bad mister’ na tinawag ni Claudio.
“Oh! So he’s the bad mister you’re talking about, Claudio. He really looks scary,” saad naman ni Alfie.
Halos mapaluhod naman si Claudette sa hiya at magpalamon sa lupa. Hindi na niya talaga alam kung paano kahaharapin si Raphael. Kung hindi lang dahil sa kargang anak ay baka napatampal na siya sa kanyang noo.
“Ay naku, Señorito Alfie! Bad po iyon!” natatarantang pangaral ni Nikki sa alaga at kabadong napatingin kay Raphael. “Pasensya na po kayo, mister,” nakayukod na paumanhin ni Nikki para kay Alfie.
“Halika na, Señorito Alfie. Señorita Claudette, mauuna na po kami,” at dali-dali na nga itong umalis.
Parang nainggit din tuloy si Claudette at gusto na rin niyang kumaripas ng alis.
“See you tomorrow, Claudio!” malakas na sigaw ni Alfie na kumakaway pa.
Kumaway din naman pabalik si Claudio. “Bye-bye, Alfie!”
Parang natuod na si Claudette mula sa pagkakatayo niya at hindi na magawang humarap pa kay Raphael na nasa likod niya. Parang gusto na lang niyang umiyak ng walang luha dahil sa hindi niya talaga alam kung paano na haharapin ngayon si Raphael. Kahit ang makita ang kasalukuyang reaksyon ng lalaki ay hindi niya maatim na tingnan.
to be continued...