Chapter 8

2320 Words
NANGINGIBABAW ang tunog ng air condition sa loob ng sasakyan dahil sa sobrang katahimikan. Hindi naman dapat maririnig ang tunog na iyon, pero dahil parang walang tao sa loob kung saan ultimo paghinga nila ay naka-silent. Kung anong ikinatahimik ng sasakyan ay siya namang ikinaingay ng isip ni Claudette. Dahil nga sa nangyari kanina sa labas ng paaralan ng anak ay hindi malaman ni Claudette kung paano niya babasagin ang nakabibinging katahimikan. Alam niyang hindi naman ganoon kalala ang sinabi ng kanyang anak. Since bata pa nga naman ang mga ito, isama pa na wala namang masama sa pagtawag ni Claudio kay Raphael dahil binase niya lang naman iyon sa kung ano ang first impression niya sa ama. Pero hindi pa rin maiwasan ni Claudette ang makaramdam ng hiya. In other words, Claudette felt a second hand embarrassment for the man and maybe also for her son. Dahil doon ay taranta siyang napapasok na lang ulit sa sasakyan habang karga-karga ang kanyang anak. Ang hindi lang magawang tanggapin ni Claudette ay mas lalo niya lang pinalala ang lahat dahil sa ginawa niyang iyon. Nakalimutan niya kasi na hindi niya nga pala sasakyan ang naghatid sa kanya papunta roon. At ang ginawa niyang pag-iwas ay talaga namang nakakahiya para sa isang nanay na kagaya niya. She also lost her cool and only added shame for both of her son and herself. However, she couldn’t just let everything end like this. Sa dami ng sinabi niyang plano kanina kay Raphael ay hindi niya magagawa ang kahit isa roon kung mananatili siyang tahimik. Kahit pa anong gawing pag-ignora ni Claudette sa matinding awkwardness ay hindi naman niya maaaring hayaan lang na manatili sila sa ganoong sitwasyon lalo na nga’t ngayon rin ang unang araw ng pagkikita ni Claudio at ni Raphael bilang mag-ama. Hindi na nga naging maganda ang first impression ni Claudio sa ama nito sa unang pagkikita nilang dalawa. Kahit pabor iyon kay Claudette na ayaw magkaroon ng kaagaw sa atensyon at pagmamahal ng anak, para saan pa nga naman ang ginawa niyang sakripisyo kung hindi rin naman pala magkakaroon ng magandang relasyon bilang mag-ama ang dalawa. Ayaw niyang tuluyang masira ang dapat sanang nakakaiyak na pagtatagpong ito ng mag-ama. Kaya naman kahit pa nga parang gusto na lang niyang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyang nararamdaman ay isinantabi na muna ni Claudette ang mga iyon at naglakas ng loob na sirain ang katahimikan. Mahinang tumukhim si Claudette. At dahil nga sa katahimikan ay rinig na rinig pa rin iyon ng lahat. Fortunately, it was only Raphael and Claudio who remained looking at her with questioning eyes, while Mikael, their driver, only took a glance before focusing on his job as a driver. "U-uhm… H-how’s your school, baby?" Kinagat ni Claudette ang loob ng ibaba ng kanyang labi. Maaaring masyado ng huli para sa tanong na iyon pero puwede na rin iyon bilang ice breaker. In that way, para na ring nag-open up si Claudio ng araw niya sa kanyang ama. Then maybe after a few questions, doon lang isisingit ni Claudette ang tungkol sa paglahad ni Claudette sa katotohanan kay Claudio. "It was the same, Mommy. Pero pinagawa kami ngayon ni Teacher Gab ng origami. Now I know how to make a paper crane! Gusto ko po sanang iuwi para ipakita sa inyo ang gawa ko, but Teacher Gab says that it would be a surprise," Claudio happily said while looking at his mother. Nakaupo kasi siya sa hita ng ina habang ang bag naman nito ang nakaupo sa tabi ng bintana. Katabi naman ni Claudette si Raphael na nakatingin sa labas ng bintana habang mayroong seryosong mukha. Hindi man ipinapahalata, pero alam ni Claudette na nakikinig rin si Raphael sa kanila. Mas lalong lumawak tuloy ang ngiti ni Claudette habang nakikinig sa anak na bibong-bibong nagkukuwento sa nangyari sa kanya sa school. In this way, para na ring tinuturuan ni Claudette kung paano dapat makihalubilo si Raphael sa anak nila. "I almost forgot! Sabi po pala ni Teacher Gab na kailangan daw po naming pumasok sa Saturday. And you have to go with me, Mommy. We will go to an art exhibition and you will see my paper cranes there on display!" Napaisip naman si Claudette sa sinabi ng anak. "This Saturday? But I don’t think I can’t go—" "You have to!" mabilis na singit ni Claudio. "Teacher Gab said that the exhibition is also a parent-and-child day! So we were told to bring our parents. Required kang sumama, Mommy!" Nagulat si Claudette sa biglang pagtaas ng boses ng anak. Hindi man iyon rude pakinggan dahil alam niyang gusto lang talagang pilitin siya ni Claudio na sumama. Hindi rin naman talaga siya tatanggi. She was just teasing her son, pero mukhang sineryoso naman iyon ng anak. Natatawang niyakap na lang ni Claudette si Claudio at pinanggigilan. Nakita niya kasi kung paano ito napanguso habang nangingislap naman ang mga matang nakatingin sa kanya, puno ng determinasyon na mapapayag siyang sumama. "Of course, Mommy will go. Mommy was just teasing my baby," malambing na pag-amin ni Claudette. Dahil sa pagyakap niya sa anak ay nang mapaangat siya ng tingin ay nagkasalubong sila ng tingin ni Raphael. Nakakahiya man pero noon lang naalala ni Claudette na may kasama pala silang iba sa loob ng sasakyan. At doon niya lang din naalala ang misyon niya sa araw na iyon. Sa sobrang tuwa niya sa pakikinig kay Claudio at sa mga kuwento nito ay nakalimutan na niya kung ano talaga ang plano niya. Para maitago ang pagkapahiya ay mahina ulit na napatikhim si Claudette bago kumalas sa pagkakayakap sa anak. Natahimik naman si Claudio lalo na ng ayusin ni Claudette ang pagkakaupo niya sa kandungan ng ina. Ngayon ay nakaupo na si Claudio paharap kay Raphael na nakatingin na rin sa kanila. "Let me properly introduce you two, okay, Claudio?" paalam ni Claudette sa anak pero nakay Raphael naman ang tingin na nakikipagtitigan na kay Claudio. "For now, makikinig ka muna sa mga sasabihin ko, and when I’m done telling you everything, I will let you ask questions. Is that clear, baby?" This time, nakay Claudio na ang tingin ni Claudette. Tanging tango lang ang isinagot ni Claudio dahil itinuring na nito na isang paligsahan sa pakikipagtitigan ang ginagawa nila ni Raphael. Hindi na nga ito kumukurap kay hindi tuloy alam ni Claudette kung tatawa ba siya o susuwayin ang anak. Sa huli ay nagsimula na lang syang magsalita katulad ng sinabi niya sa anak. “So Claudio, his name is Raphael Mortiz,” turo ni Claudette kay Raphael. “And Raphael, this is Claudio.” Pagkatapos noon ay seryosong itinaas ni Claudio ang maliit niyang kamay at inilahad sa harapan ni Raphael. Kung hindi lang sa maliit nitong kamay at katawan ay baka magmukha na talaga itong malaking tao dahil sa seryoso niyang mukha. Mukhang sineryoso rin ni Raphael ang anak dahil walang pinagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha ay kinamayan ni Raphael ang anak. Isang maliit at isang malaking Raphael ang magkaharap at may parehong ekspresyon ang nagkamayan sa harapan ni Claudette. Sino man ang makakita noon ay talaga namang maaantig sa ka-cute-an ng mag-ama. Magkamukhang-magkamukha kasi ang dalawa na parang pinagbiyak na bunga. At isa na roon si Claudette na maliban sa pagiging cute tingnan ng mag-ama ay nakakaaliw talaga sa paningin ang pagiging magkamukha nila. “Anyway, naaalala mo pa ba iyong sinabi ko sa ‘yo noong ipinanganak kita?” Claudette softly asked. Isang tango na naman ang isinagot ni Claudio. “Then let’s start with that. So like I said before, baby Claudio is Mommy’s surrogate child. Although that means that you are not created like how your friends and classmates are, that doesn’t imply that my baby is not normal. Since you still came from Mommy’s womb. You still remember why did I suddenly tell you that?” Inosenteng ikiniling ni Claudio ang ulo at napaisip. “Hmm... Is it because I asked if I have a Daddy?” Pasimpleng napatingin muna si Claudette kay Raphael na nakikinig sa usapan nila bago muling nagbaba ng tingin sa anak at tumango. “That’s right. And since you already know that you don’t have a daddy but only a donor daddy, Naalala mo pa ba iyong explanation ko kung bakit wala kang daddy at tanging donor daddy lang ang mayroon ka?” “It’s because when I was a small egg with a tail, I did not enter Mommy's womb in a natural way, but through surgery. Pero hindi ako inilabas mula sa isang daddy dahil noong isang small egg with tail pa lang ako ay binili lang ako ni Mommy sa isang daddy donor. And a daddy donor is different from a real daddy. That’s why I don’t have a daddy!” bibong paliwanag ni Claudio na akala mo ay nagkukuwento lang ito ng kung ano. Hindi naman naiwasan ni Claudette ang pamulahan ng mukha ng inulit ni Claudio ang pinaghirapan niyang version ng proseso na pang-child friendly. Ang akala niya ay tatango lang sa kanya si Claudio bilang sagot. Hindi na tuloy makatingin si Claudette kay Raphael. “W-well, the baby’s memory is really sharp! Anyway, as I was saying. Ganoon talaga ang pagkakaalam ni mommy sa nangyari. But when Raphael met us, he clarified to me that there was a mistake on what really happened before you were born. Since just like mommy, Raphael also wanted to have a baby. So he also came to the hospital where I bought you and gave birth to you. But he did not buy a donor daddy like I did. Instead, what he buys is a donor mommy who will carry his baby egg in the womb like I carried you on my tummy.” Claudio gasped, his face completely showing surprise as he had his eyes widened while his tiny hands covered her gaping mouth. Mahinang natawa tuloy si Claudette sa exaggerated na reaksyon ng anak at marahang kinurot ito sa pisngi. “You’re surprised huh? But that’s not the real catch. There’s much more shocking than that. Wanna know?” tumataas-taas ang kilay na pagpapabitin ni Claudette. Sunod-sunod na napatango si Claudio habang ang nangingislap niyang mga mata ay nakatingin sa ina. “Well, the most shocking thing is that the real daddy donor you have is actually him, while his baby egg was you. So now, you two are actually a real daddy and son!” Ilang beses na napakurap-kurap si Claudio habang nakatingin kay Claudette. The curious shine on his adorable eyes turned to confusion, as if he did not understand what his mother said. And then it took another change again as the confusion turned to surprise and then it ended with an expression of delight. Watching how that cute little face changes expression from one another is actually amusing. Even the always cold face Raphael couldn’t get his eyes away from his son’s face while a small smile appeared on his lips. Pero agad na ibinalik ni Raphael sa dati ang ekspresyon ng biglang mapatingin sa kanya ang mga mata ng anak. Maliban sa pagkatuwa ay naroon din ang pagkasabik sa mga mata ni Claudio habang tinitingnan ang ama. Hindi naman pinigilan ni Claudette ng lumipat sa kandungan ni Raphael si Claudio. Ang mga kamay niya ay nakaalalay samantalang agad namang hinawakan ni Raphael sa baywang ang anak para maayos itong maiupo sa kandungan niya. Walang tunog na napahagikhik si Claudette ng makita ang stiff na mga kilos ni Raphael. Nagkaroon pa ng maliit na gusot sa noo ng lalaki habang hindi malaman kung saan ilalagay ang mga kamay para alalayan ang anak. “If you are my daddy donor, but I am your baby egg, then what should I call you?” ang unang tanong ni Claudio sa ama. Bago sumagot ay nagkasya na lang si Raphael na ihawak sa baywang ni Claudio ang mga kamay bilang alalay. “Since you’re calling your mother, Mommy, then as your father, you have to call me daddy.” Pinaningkitan naman ni Claudio ng tingin ang ama habang ang matambok na pisngi ay lalo pang lumobo. With puffed cheeks, Claudio took his father’s hands that were on his waist and looked at them closely. At muli na naman siyang napasinghap ng makita ang isang kumikinang na singsing na nasa daliri ng kanyang ama. Nagmamadali napaharap naman siya kay Claudette na mukhang nakuha ang binabalak ng anak kaya ibinigay niya rito ang kamay na may suot ng kaparehong singsing. “Wah! You’re really my daddy! Daddy!” Dahil hindi inaasahan ni Raphael na bigla siyang yayakapin ng anak, natengga tuloy sa hangin ang mga kamay niya habang halos pipitin na siya ng anak sa higpit ng pagkakayakap nito. Kung mahaba siguro ang mga kamay ni Claudio ay baka napipit na nga siya sa higpit noon. “I have a daddy now! I don’t only have a pretty mommy, but I actually also have a handsome daddy! Daddy! Can you come to the art exhibition with me and mommy? I will show you how good I am at making paper cranes! And I will also make other origami so I can earn a lot of money. Then you will be proud of me!” Isang mahinang buntonghininga ang pinakawalan ni Claudette habang pinanonood ang anak na bigla na lang naging madaldal. A happy smile blossomed on her lips as she slightly distanced herself from the two to give them their private time. Katulad ng pangako niya, ibibigay niya sa mag-ama ang araw na iyon habang mananatili lang siya sa tabi, masayang pinapanood ang dalawa. Ngayon nga ay masasabi ni Claudette sa sarili na wala siyang pagsisisi sa ginawa niyang desisyon. Ang makita at mapanatili ang ganoong mga ngiti sa mukha ng anak, ay sapat na kay Claudette para bumawi sa maaari n’yang pagsisihan kinalaunan. Hindi. Dahil sisiguraduhin niya na wala siyang pagsisisihan. to be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD