TULONG-tulong na inilagay nina Claudette, Raphael, at Claudio ang mga dala nilang pang-picnic baskets sa loob ng e-trike na nirentahan nila para magkaroon sila ng sasakyan papuntang Nabuntugan. Dahil nga sa hindi pa naman ganoon naaayos ang daanan papunta sa Nabuntugan ay tanging mga motor at mga electric bike or e-trike pa lamang ang may kakayahang pumaroon at parito sa lugar. May isa namang daanan kung saan susundan lang ang isang irrigation na siyang unang dinaanan nila noon. Pero dahil nga sa mga dala nilang pagkain ay kinailangan na nila ng e-trike para hindi sila mahirapang makapunta sa lugar. May kalayuan nga lang kapag sasakay pa sila ng e-trike dahil sa long way ito dadaan. “Can I drive, Daddy?” Hindi naman maitago ang excitement sa tanong na iyon ni Claudio. “No.” Claudio pout

