NGAYONG araw ang huling araw at alis nina Raphael sa Catamlangan. Dapat sana ay kanina pa silang alas singko ng madaling araw nakaalis kung hindi lang dahil sa huling hiling ni Manoy Ison na umalis na lang sila pagkatapos kumain ng almusal kasama niya. Kung hindi lang sa pananakot nito na hindi pipirmahan ang kontrata ay hindi sana papayag si Raphael lalo na at nakatanggap ng tawag silang dalawa kagabi mula sa kani-kanilang sekretarya tungkol sa bagong kontratang kailangan nilang asikasuhin pabalik sa Galdon City. “Babye, Manoy Ison! If you come to Galdon, feel free to live in our house as well! Our house is much bigger to yours though you have a wider land but I will ask Daddy to buy us some horses as well so you can continue to teach me riding the horse!” paalam ni Claudio habang nasa

