“LET’S START with that one Daddy!” Claudio cheerfully shouted. Hila-hila ang kanyang mommy sa kamay habang nakaturo sa unang booth na natipuhan. Nakasunod naman sa likod nila si Raphael na napatingin sa tinuro ng anak. It was a bigger booth compared to the others that they had seen so far. Malayo pa man ay makikita na kung ano ang kailangan nilang laruin sa booth na itinuro ni Claudio. At kahit hindi pa nila napakikinggan ang mechanics mula sa operator ay may ideya na sila sa kung ano ang gagawin. “Wah!” Napabitaw si Claudio sa kamay ni Claudette at sa halip ay napahawak sa hem na suot na t-shirt ni Raphael. “Daddy! I want that white tiger! Get it for me, please?” Looking at those adorable puppy-eyes, how can Raphael ignore his pleading child? Hindi man iyon ang unang beses na humiling

