Chapter 23

2140 Words

MANGHANG napatingin si Claudette sa paligid. Hindi iyon ang unang beses na mapadpad siya sa ganoon kataas na posisyon dahil sa nagtataasang building at skyscrapers na napasukan niya. Kahit nga mismo ang opisina niya na nasa pinakatuktok nang building ng kanyang kompanya ay mataas na kung ihahambing sa ferris wheel na sinasakyan nila. Pero ewan ba at pakiramdam ni Claudette ay mas nakamamangha ang pakiramdam nito kaysa sa madalas niyang maranasan sa tuwing tinatanaw ang paligid mula sa opisina niya. Hindi lang basta pagkamangha ang nararamdaman ni Claudette habang tinatanaw ang napakagandang view mula sa pwesto nila sa ferris wheel. Naroon din ang hindi maipaliwanag na tuwa marahil sa hindi lang siya ang mag-isang nakatanaw sa paligid. Dahan-dahang napalingon si Claudette kay Raphael na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD