Kabanata 1
Thalia's POV
"Ano ka ba naman Thalia! Sinama ka namin dito para mag-celebrate hindi para umupo lang dyan at magmukmok! kaya tumayo ka na dyan."
"Oo nga kaya hanggang ngayon wala ka pa ding nobyo eh! Masyado kang mailap, halika na kasi! Let's enjoy tonight!"
Sigaw sa akin ng dalawa kong kaibigan habang hinahatak ako papuntang dance floor.
Nandito kasi kami sa bar ngayon dahil nagce-celabrate kami ng kaarawan ng kaibigang kong si Xienna, gusto din kasi niyang makalimot dahil sa boyfriend niyang ipinagpalit siya sa iba. Ayoko din naman na pabayaan lang silang dalawa dahil mahirap na kung malalasing sila pareho ng walang kasama.
Hindi naman kami talaga mahilig sa mga pagpunta sa ganitong lugar, sa katunayan ay pangatlong beses pa lang naman namin ata nasusubukan mag-bar kasi taong bahay lang kami o hindi naman kaya ay madalas lang kaming naka-focus sa pag-aaral.
"Sige na kayo na lang, uuwi na din ako maya-maya. sapat na itong painom-inom lang ako ng kaunti dahil delikado naman kung pare-pareho tayong sobrang lasing." pagtanggi ko sa kanila.
"Aish, sige na nga pero next time ha!" pagsuko ni Xienna, halata na disappointed siya.
"Oo nga next time maki-join ka na sa amin ha." pagsang-ayon naman ni Catrina.
"Pangako. Sige na, bumalik na kayo doon." sabi ko sa kanila at tuluyan na naman silang umalis para sumayaw.
Hindi ko maiwasang maisip na apat na buwan na lang ay makakapagtapos na kami sa pag-aaral at magkakaroon na kami ng sari-sariling buhay.
Masaya ako dahil sa loob ng ilang taong paghihirap namin ni Lolo para lang makapagtapos ako ay magbubunga na din sa wakas.
Napangiti na lamang ako sa aking sarili at pinanood ang mga kaibigan kong kulang na lang ay magwala sa dance floor.
"Hey baby, can I join with you?" tanong ng isang lalaki sa akin nang makalapit siya sa inuupuan ko. Hindi ko naman siya kilala kaya mas minabuti ko na lamang na hindi na siya pansinin pa.
Sa hilatsa kasi ng mukha nito ay magaling itong mambola at manloko ng babae. Hindi naman sa nagiging mapanghusga ako pero sa mga titig pa lang na ibinabato niya sa akin ay hindi ko lang talaga masikmura.
"So what's your name, honey?" tanong niya ulit. Napakunot ang noo ko nang umupo na pala siya sa tabi ko. Masyado naman ata tong presko at kung anu-ano pa ang itinatawag sa akin.
"Huwag mo akong kausapin. Hindi ako nakikipag-usap sa mga katulad mong lalaki lalo pa at hindi kita kilala. Umalis ka na." sabi ko sa kanya ng walang kabuhay-buhay.
"Woah, ako na nga itong lumalapit sayo, ikaw pa ang nagagalit." naiiritang pahayag niya at hindi maiwasang mag-pantig ang tenga ko.
"Bakit? hiniling ko ba sayo na samahan mo ako dito ha?" pagta-taray ko sa kanya. Pakiramdam ko din ay kahit papaano umeepekto na ang alak na nainom ko kaya ganito na ako umasta.
Mukha namang nainis siya sa pagta-taboy ko sa kanya kaya padabog siya umalis sa tabi ko at bumalik sa mga kaibigan niya na katabi lang pala ng table namin.
Hay naman talaga. Mga lalaki nga naman. Akala nila isang landi lang nila sa mga babae eh bibigay na agad sa kanila, pwes ibahin nila ako dahil hindi ako katulad ng iba diyan sa tabi-tabi na kaunting kalabit lang ay kulang na lang mangisay sa kilig.
Pinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ko pero paunti-unti lang para hindi ganoon kalakas ang tama sa akin.
Napatingin akong muli sa paligid, napapansin ko na may ibang gumagawa na ng milagro at nakikipag-palitan ng malalagkit na tingin sa mga kapares nila. Napailing na lamang ako. Kaya ayoko talagang nagpupunta sa mga ganitong klase ng lugar. Maingay na nga, hindi pa kaaya-aya iyong mga nakikita ng mga mata ko.
Maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng antok dahil na rin siguro sa magmamadaling-araw na din kung kaya't lumapit na ako sa kanila para magpaalam.
"Xienna, Catrina, uuwi na ako nakakaramdam na kasi ako ng antok eh, Happy Birthday na lang. Atska baka hinahanap na ako ni Lolo." sabi ko sa kanila.
"Sigurado ka? kaya mo bang umuwi mag-isa?" tanong sa akin ni Catrina.
"Oo sigurado ako kaya huwag na kayo mag-alala, kailangan ko na din kasing umuwi eh. Pasensya na din at hindi ko na kayo mababantayan. Babawi na lang ako sa susunod." sagot ko sa kanila.
"Grabe ka naman, girl. Kanina niyayaya ka namin sumayaw ayaw mo ngayon naman uuwi ka na, katampo ka na." pagda-drama ni Xienna pero alam ko naman na nagloloko lang ito.
"Pasensya na talaga." naglambing na lang ako sa kanya kaya nakita ko na din ang pag-ngiti niya.
"Di joke lang, sige na gora ka na at baka magbago pa ang isip ko, take care! Magi-ingat ka lalo na at gabi na." paalam niya sa akin at ngumiti.
"Thank you! Promise babawi na lang ako sa susunod. Mag-iingat din kayo ha? Mag-text kayo sa akin kapag nakauwi na kayo para hindi na ako mag-alala pa." bilin ko sa kanila.
Niyakap ko na lamang sila bago lumabas sa lugar na iyon. Pagod na talaga ako lalo na at unti-unti na ding napipikit ang mga mata ko.
Third Person's POV
Sa hindi kalayuan, nakaupo ang isang matipuno lalaki sa may sulok habang umiinom mag-isa na halatang may dinaramdam.
Napaparito ang lalaki dahil sa mga problemang kinakaharap ng pamilya niya. Halos nagpatong-patong na kasi ang lahat at hindi na din niya alam kung paano pa niya ito reresolbahin.
Gusto niya lang makalimot sa mga pangyayaring hindi niya maatim na kaharapin sa ngayon at masyado ng puno ang isip niya na para bang sasabog na lang ng tuluyan ang utak niya sa sobrang komplikado ng mga ito.
Habang umiinom siya ay biglang may lumapit sa kanyang isang babae at inalokan siya ng isang baso ng alak.
"Wanna have some drink?" sabi pa ng babae habang hinihimas ang kanyang matipunong braso.
Agad naman niya itong tinanggap ng walang alinlangan at ininom ng isang lagukan. Ayaw niya na kasi ng madaming dakdak at gusto niya na wala ng sino pa ang lumapit sa kanya kaya kung may mag-abot man sa kanya ay iniinom niya na agad at hindi na pinapansin pa ito.
Ngunit wala siyang kaalam-alam na may halo itong isang ipinagba-bawal na droga kung kaya't agad siyang naapektuhan.
Nang makita ng babae na unti-unting tumatalab na ito sa estrangherong lalaki ay agad na siyang umalis para iwan ito at dumiretso sa iba pang table.
Inutusan lang naman ito ng mga kaibigan na mag-painom ng mga hindi kilalang tao sa loob ng bar ng may halong droga dahil ito ay nagsisilbing laro nilang magba-barkada sa tuwing may kasiyahan.
Nang dahil sa ininom nito ay unti-unting naapektuhan na ang lalaki dala na din ng alak at droga na humahalo sa buong katawan niya.
Pageywang-geywang na tumayo ang lalaki na halatang namumula na ang mata at wala na sa kanyang ulirat habang palabas sa bar. Agad nitong pinasibad ang kotse ng sobrang bilis na animo'y nakikipagkarerea.
Sa kabilang dako naman ay naghihintay si Thalia ng kanyang masasakyan upang makauwi na sa kanilang tahana. Panigurado kasing nag-aalala na iyon sa kanya.
Antok na antok na siya kaya naubusan na siya ng pasensyang mag-hintay ng masasakyan sa labas ng bar at mas minabuting maglakad na lang hanggang sa sakayan.
Habang nasa gilid siya ng kalsada ay 'di niya maiwasan matakot dahil madilim na ang nilalakaran niya at wala na siyang nakakasabay na maglakad.
Kumapit siyang maigi sa backpack na nasa likod niyo at napapalunok na lamang dahil sa hindi magandang kutob na nararamdaman niya.
Nagulat na lamang siya at napatingin sa gilid niya nang may biglang humintong puting kotse. Nakaramdam siya ng sobrang pagkatakot dahil dito lalo pa at napakadilim na roon. Binilisan niya ang paglalakad at nang lumingon siyang muli sa kotse ay bumukas ang pintuan nito sa may driver side at may bumabang isang matipunong lalaki na parang babagsak na sa sobrang kalasingan.
Pagkakita niya sa lalaking ito ay nakaramdam siya ng pagbilis na t***k ng kanyang puso dahil sa taglay na kakisigan nito ngunit nawala rin ito agad nang magsalubong ang kanilang mga mata.
Nagulat at natakot na naman siya ng naglakad ito ng mabilis papunta sa direksyon niya. Tumakbo na siya sa sobrang takot ngunit napatili siya ng haltakin nito ang palapulsuhan niya at mapangahas na halik ang iginawad sa kanya na aakalain mong mapupunit na ang mga labi niya.
Hindi siya agad makapalag dahil sa gulat at panginginig sa takot. Ito ang kauna-unahang beses na may humalik sa kanyang mga labi kaya para siyang nawala sa sarili.
Napadakong muli ang kanyang mga tingin sa mga mata nito na sobrang pula na animo'y nakainom ng droga kaya agad niya itong naitulak.
Alam niya kasi na wala na ito sa sarili kaya ganito ito umasta at isa pa mamaya ay masama itong tao at handa na lang siyang patayin at itapon kung saan.
Sa ganoong pag-iisip ay nagmamadaling lumayo siya rito ngunit nahawakan lang nito ang kanyang braso. Nagpumilit itong magpumiglas at napatili sa sobrang takot. Mahigpit nitong hinapit ang beywang ni Thalia at hindi maiwasan ng babae na lukubin ng sobrang takot sa mga nangyayari.
Napasigaw ito at humingi ng tulong ngunit wala siyang makitang tao na maaaring makatulong sa kanya. Lalo siyang nakaramdam ng kaba lalo na nang buhatin siya nito na parang sako pasakay sa kotse. Nagpapadyak siya at pinaghahampas ito sa likod ngunit parang hindi ito natinag at mariin lang siyang binuhat.
Nang maisakay na siya nito sa loob, akmang bubuksan niya muli ang pinto para makalabas na siya nang hatakin siya ng lalaki dahilan para napasubsob siya dito. Pinaharurot ng lalaking estranghero ang kotse ng sobrang bilis na halatang wala na sa kanyang sarili.
Lalong bumilis ang t***k ng puso niya sa mga nangyayari sa paligid niya kaya pigil hininga siya nakatingin ng diretso sa daan.
"P-please p-po.. d-dahan d-dahan lang ang pagmamaneho. P-pakawalan niyo na po ako.." pautal-utal niyang pahayag sa lalaki at ramdam niya ang panginginig ng buo niyang kalamnan.
"Remember this time, you're mine, only mine." ma-awtoridad na sabi ng lalaki kung kaya't napatingin siya dito ng mabilis.
Napaiyak na lang siya at napapikit ng madiin dahil alam niyang wala na siyang kawala dito. Huwag niyo po akong pababayaan. ang tanging nasabi niya na lang sa kanyang isipan at tahimik na nag-dasal.
Lalo siya napahagulgol ng himas-himasin ng estrangherong lalaki ang kanyang hita.
"please po h-hayaan niyo na po a-akong makababa." pahikbi-hikbing pagmamakaawa ni Thalia na halos pabulong na lamang. Napakagat siya sa labi niya upang pigilan ang paglakas ng iyak.
Ngumiti lamang ang lalaki ng mala-demonyo sa kanya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ayoko na dito, tulungan niyo ako.