Thalia's POV "Thalia, is there a chance that we could still fix our relationship?" Napatulala ako sa tanong niya at ilang beses napalunok. Ramdam ko din ang malakas na kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya dahil sa mga oras na ito, parang tuluyan ng na-blanko ang utak ko. Bumuntong hininga siya at kita ko ang pekeng ngiti na nakapaskil sa mukha niya. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at disappointment bago napakamot sa batok. "You don't have to answer me right now. Kaya ko naman maghintay at kung dumating man sa punto na wala na talaga..." napalunok siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Nag-aalangan man ako pero mas pinili ko pa din abutin iyong kamay niya at marahang pinisil iyon. "Thank you sa pag-intindi." Namayani muli ang katahimikan sa paligid

