Thalia's POV Tatlong araw na ang nakakaraan simula ng magtagpo kaming muli ni Kristof at hindi maipagkakailang yun na ata ang pinakamasayang araw na nangyari sa akin. "Hey, beautiful." napalingon ako sa bungad ng kitchen at nakita ko doon si Vladimir na prenteng nakasandal sa pintuan. Umingos ako sa kanya pero napangiti din sa dahil sa itsura niya. Mukha siyang puyat at parang di maipinta ang itsura. "Umupo ka na nga doon. Ang aga mo ata nagising ngayon ha?" tanong ko dito at pinagpatuloy ang pag-sasangag. Dito siya natulog sa condo ni Lucia tutal ay mayroon naman itong dalawang kwarto. Pinagamit daw sa kanya ni Lucia ang guest room samantalang kami naman ang gumagamit ng kwarto ni Lucia. "Alam ko kasing may meeting kayo ng kumag eh. Ipapasyal ko na lang ang napaka-cute mong anak na

