Nasa kusina kami nagluluto kasama si Tita at si Francine na ngayon nasa gilid ni Tita at nilalaro ang sprinkles gamit ang plastic na kutsara. Sabado ngayon, at walang duty si Tita sa hospital at si Tito naman ay umalis kasi may gagawin sa ibang bayan. Hindi naman sana ako nandito dahil hindi ako magaling sa bake pero gusto kung matuto.
Si Tita, ay magaling sa mga ganito, minsan may nag o-order sa kaniya at kahiligan narin niya ang ganitong gawain kapag wala siyang duty sa hospital. Masaya siya na kasama kaming dalawa ngayon ng kapatid ko dahil wala siyang anak na babae at tanging kaming dalawa ang close niyang anak ng kaibigan niya maliban sa side ng asawa niya.
"Mga pasado alas nuebe siguro makarating sila. Ti-next ko si Lucas hindi naman nag re-reply."
Hanggang ngayon nahihiya parin ako ni Tita at sa kay Tito lalo na sa pamilya. Kasi totoo naman na nakakahiya dahil nakikituloy lang kami dito sa kanila at isa pa nandito pa si Mama at mismo sina Tita at Tito ang kumuha ng mag-aalaga kay Mama.
Sila ring dalawa ang magpapa skwela sa amin ngayon magbabalik ang pasukan. That alone, ay nakakahiya at libre pa kami dito sa bahay nila na naninirahan kasama ang kapatid at ang hindi mabuting kondisyon nu Mama.
Kahit man sinasabi nila na ayos lang, na ang trato nila sa amin ay parang pamilya narin pero may parte parin sa akin na makakaramdama ng ganoong bagay. Lalo na ako ang panganay na anak at alam ko ang responsibilidad ko. Alam ko rin kung ano ang mararamdaman nina Tita. Senstive pa naman akong tao at ayokong ano nalang ang iisipin ni Tita sa amin.
Pero nga diba Louisse sinabi na sayo na huwag ng mahiya? Pinalala mo lang talaga ang mga iniisip mo. Tumigil ka nga pwede?
Tumango si Tita habang busy ang mata sa ginagawa sa stainless na bowl.
"Tatawagan nalang kita kapag makarating na sila." sabi niya kay Tito sabay angat ng tingin.
Naka pambahay lang kaming suot habang si Tito ay pormal na suoy dahil sa lakad nito ngayong araw. Tinulungan ko ngayon si Tita at bilang assistant niya, bilang sa pag mi-mix ng mga ingredients para sa lulutuin na cupcake.
Hinalikan ni Tito si Tita sa noo at nag paalam na sa amin upang umalis na. Minsan sa ganito, naaalala ko si Papa kay Mama noon. Ganito rin sila dati. Napangiti ako sa aking naiisip. Tama nga talaga na magkaibigan sila noong high school at puro naman pala tapat sa isa't isa maliban nalang sa ama namin ni Francine.
Isang bahid na sakit na naman ang nararamdaman ko ng maisip ko na naman ang nangyayari. Napapikit ako na napalunok at mahinang huminga ng malalim sabay iling at maalis ang iniisip.
Nagpatuloy kami sa aming ginagawa. At pilit ko na inaayos ang sarili at magsalita na para maiba naman takbo ng isipan ko.
"Sino po ba ang bisita ninyo Tita?" sabi ko, kuryuso.
Napangiti siya at at nagkasundo ang aming tingin sa isa't isa. It was a genuine smile, automatikong napangiti ako at bumalik sa dati ang tingin ko sa kanya na nilalagay na sa malapad na lalagyan ang cupcake para ihanda na papasok sa oven, ako naman ay ang taga ayos.
"Uuwi ngayon sina Lucas at Travis. Bakasyon na kasi nila." si Tita. "Hindi ko nasabi sa inyo?"
Alam ko na may anak si Tita pero hindi ko pa nakikita sa personal. Kaya siguro naghahanda sila ngayon? Pansin ko rin na busy na nagluluto ang katulong.
O isa rin itong cupcake na lulutuin namin para sa darating na bisita?
"Paborito ng bunso ko itong cupcake." Napangiti siya ng husto.
"Ngayon po silang araw na uuwi? Hindi niyo po nasabi na uuwi pala sila." may kasamang tawa sa tanong una.
Matapos niyang pinaghalo lahat ng ingredients nilagay na sa lalagyan ang mga cupcake at pinasok na sa oven.
"Oo, ngayon kasi wala silang pasok. Minsan lang ang dalawa nakakauwi dito. Papakilala kita mamaya sa dalawa."
"Nahihiya po ako Tita-"
"Si Ate talaga puro hiya lang ang nalalaman." Parinig ng kapatid ko na ngayon may hawak ng cup ng ice cream sa kamay.
Tumango ako. Malaki ang kusina nila. May counter top. Ganito din naman sa amin pero hindi ganito ka rangya at bongga. Sabi sa akin ni Mama noon na mayaman na talaga ang pamilya ni Tita. Wala siyang mga relatives dito at lahat nasa ibang bansa na.
Nakarinig kami ng tunog ng sasakyan nila, matapos lumipas ang dalawang oras. At dali-dali naman na tinanggal ni Tita ang kanyang apron. At lumabas ang katulong nila para ipaalam na nandito na ang mga anak.
Naiwan kaming dalawa ni Francine. Narinig namin ang batian nila. At pumasok sa double doors sa entrance at nagtunggo dito diretso sa kusina.
Nanlamig ako sa hindi alam na dahilan. Busy man ang mata ko sa ibang bagay pero ang tanging nasa isip ko ay umakyat sa kwarto at magbihis para naman presentable 'di ba? Pero bakit naman ako magpapa-impress sa kanila? Tutal hindi naman nila ako kilala. Bahala na nga! Napaka feelingera mo na ngayon Lou ha!
At nakakahiya pa non kasi hindi ako nakapagbihis ng maayos. Si Francine ay walang hiyang kinain ang icing doon at ayon kumalat sa mukha niya.
Narinig namin ang boses nila na nag aangkin sa buong kusina. At walang pagdadalawang isip ay agad ako na napatingin sa direksyon nila. Nasa gitna si Tita sa dalawa niyang anak. Nang pinagmasdan ko matatangakad ang mga ito hindi ko na nga makilala kung sino at saan sa dalawa ang panganay at bunso dahil sa singtangkad ng dalawa.
Nag uusap pa sila tungkol sa biyahe at ng mahagip ang tingin ko ay tska lang naputol ang pag uusap niya sa anak. Simula palang kanina, nakita ko na kung paano na magreact. Nagkasundo ang aming tinginan doon sa lalaki naka right side ni Tita.
Lumapit ako dahil tinawag ako ni Tita. Wala naman na akong magawa dahil agad na dumiretso ang kapatid ko. Hinubad ko ang apron tsaka naglakad na papunta sa kanila.
Pinisil pisil ko ang aking daliri, nakayuko pa ako. Kahit may alam na ako na binibigyan na nila ako ng tingin at possibleng iniisip na ngayon kung bakit ako awkward na yumuyuko. Rinig ko ang friendly na boses ng kapatid ko.
And for the first time naiinis ako sa boses niya ngayon. One of the guys, tap the shoulder blades of my sister doon ako napaangat. Na imbes doon sa lalaki nakalagay ang sa balikat ng kapatid ko doon na sa katabi nito. Hindi ko maiwasan e' na hindi doon dahil sa paraan ng titig niya. Kinabahan ako. Na natatakot.
Hinawakan ni Tita ang kamay ko at hinarap sa dalawang anak niya.
"Lucas this is Lou, 'anak siya ng Tita Vera ninyo. Lou this is Lucas my eldest son." si Tita.
Humiwalay ang tingin ko sa lalaking hindi si Lucas. Si Lucas na siya ngayong palakaibigan sa aking kapatid.
Napaangat ito ng tingin sa akin matapos maipapakilala.
Ngumiti ako na nahihiya sa harap niya. Tapos binulabog pa ako ng kapatid ko at tumawa silang tatlo. Na kahit ako hindi makatingin dahil sa traydor kung kapatid.
Hanggang dito ba naman talaga Fran? I rolled my eyes. Tapos nagsalita naman ulit si Tita. Tapos binulungan pa ako na ito ang bunso niya.
Na wewierduhan ako ni Tita kasi kailangan ba na gawain 'yon? Si Tita talaga. Bakit iba ang pakiramdam ko ng sabihin niya sa akin 'yon?
"Travis this is Lou, Lou si Travis ang bunso ko." si Tita sa malawak na ngiti.
"Hi," I said awkwardly.
Ang tatangkad pala ng anak niya. Lumipat ang tingin ko sa kay Lucas dahil nagsalita ito. Nasa tabi na niya ang kapatid ko. What?!
"We heard what happened to your family. We're sorry for your loss." ani Lucas
Hilaw ang aking ngiti kasi naisip niya pa iyon. Bigla niya akong niyakap. Nagulat din ako doon. Kumalas siya sa yakap niya at nginitian niya ako.
"Don't worry. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako huwag ka ng mahiya parang pamilya narin naman kayo sa amin." He flash a friendly smile.
Hindi ko inasahan na ganoon ang sasabihin niya sa unang pagkikita namin. Given na, first time encounter palang namin ito tapos ito na ang sasabihin niya. Despite that, I'm so glad about what he said because it made me think na welcome kami sa pamamahay nila. Kahit man sinabi na iyon ni Titonat Tita sa amin, iba parin kapag mismo ang anak ang may sinabi.
"Ah, thanks."
Why do I feel so uncomfortable.
Travis seems not in the mood. My first thought of him. Arrogant. So cold and at parang walang kwentang kausap. Expressionless iyong mukha niya. Kaya hindi ko nalang binibigyang pansin. Tutal, kontento naman ako sa kapatid niya. Mabait pa kay Francine at sa akin.
Kaya na aapreciate ko si Lucas sa ginawa niya. And for the record. I'd prefer his older brother than this boy in front of me.
Pinakilala din ni Tita sa mga anak niya si Francine at nakakahiya pa kasi may icing pa sa gilid ng mukha. Umalis sila ng marinig sinTito na nasa sala. Doon ko lang nakitang ngumiti siya, ng makita niya ang kanyang ama.
Pagkatapos ng ilang sandali ay binilin ni Tita sa amin na hindi na tapusin ito at ang kasambahay na ang bahalang mag linis sa kalat. Umakyat ako sa taas at nagtungo sa silid ni mama. Tahimik at payapang natutulog si mama. Umupo ako sa gilid niya at tinignan siyang mapayapang natutulog.
Sa lahat ng mga nangyayari sa pamilya naaawa ako sa kanya. Imagine, ano kayang klaseng sakit ang nararanasan niya. Tumahimik ako at bigla nalang tumulo ang luha ko. Magandang kalooban ang meron ni mama, pero bakit ganito labis siyang nasasaktan.
Tahimik akong humikbi at hinalikan si Mama sa noo.
Pinatawag na kami ni Tita para kumain na. Sinabi ko sa kasambahay na baka pwede dito nalang para sabayan ko nalang si Mama sa tanghalian. Tumango ito at umalis ilang sandali bumalik na may dalang tray na may pagkain. Francine is out there kasabay sa pamilya.
Sabay kami ni Mama sa pagkain. Tahimik siya at ganon din ako.
Pagkatapos kung maligo at nagbihis ay nakatulog ako sa kwarto ni Mama at nagising lang ng marinig ko ang ingay ng aking cellphone.
"Hello," mahina kung sagot
"Hey Lou, asan ka? Andito ako sa labas ng gate niyo".
Sumilip ako sa bintana at nakita nga si Maddie doon. Umaahon ako sa pagkahiga para puntahan ang kaibigan. Tahimik ang buong bahay sa mga ganito oras. Siguro natutulog sila?
Binuksan ko ng gate ang kaibigan. At niyakap ako ng mahigpit.
"How are you holding up? I' heard what happened." concern niyang tanong.
Hinigpitan ko ang pagkayakap niya sa akin. I never thought that this kind of embrace is all I wanted somehow. O nadala lang kasi sa pait na pinagdadaanan. Wala siya non ng may nangyari sa pamilya. Out of town silang pamilya. Ti-next niya naman ako kaso hindi ko nirereplyan o sagutin ang tawag man lang.
Andito kami sa labas at humikbi ako sa balikat niya. Hinaplos niya ang aking likod na mas lalo lang akong naging emosyonal. Iyong para bang na pinahatid niya sa bawat haplos na magiging okay ang lahat, eventually.
Kumalas ako sa yakap ng kaibigan. Nanginginig ang aking balikat. "I'm sorry," sa hiyang naramdaman kahit papaano dahil sa nabasa na ang damit niya sa parte ng balikat.
"It's okay, ano ka ba. Ayan tuloy naiiyak na rin ako." pinunsan niya ang luha.
Pumasok kami sa silid ni Mama. At naupo naman si Maddie sa gilid niya, hinawakan niya ang kamay nito at hinaplos ito.
"Kumusta na 'po kayo Tita? Si Mommy hindi pa makapunta dito kasi may inaasikaso pa."
Her Mom is our principal sa pinapasukan namin na paaralan.
Inilagay ko sa lalagyan ang mga prutas na bigay niya.
Ngiti lang ang sagot ni Mama sa kanya. Since dito kami tumira hindi pa kami nagkakausap, ayaw lumabas sa kwarto. Kaya natatakot ako sa kanya ng sobra.
Isang oras pagkatapos ng umuwi ni Maddie ay bumaba ako para kunin ang pagkain para ni Mama.
Binigay sa akin ang pagkain ni Mama nasa kusina ako at hinawakan ang tray na puno ng pagkain namin dalawa ni mama. Hindi ko masabay ang pitsel sa pagkahawak. At tanging ang tray lang at kailangan dalawang kamay iyon dapat.
"Ako na." sabi sa papasok na boses at nagtunggo sa aking tabi.
Kukunin ko na sana dapat iyon. Muntik ng mahulog ang laman ng tray at laking pasalamat ko na may humawak doon. Si Travis iyon, kaya nagulat ako sa ginawa niya.
"Uh, hindi na' babalikan ko nalang. Thanks" tipid na ngumiti.
"Mas mapadali kung hindi kana bumaba ulit."
Kinuha niya ang tray sa aking kamay, hinayaan siya sa ginawa.
Hindi pa ako makapaniwala sa kanya kaya parang naestatwa ako habang natingin sa kanya.
Kung hindi kinuha galing sa akin ang pitsel doon ay baka nawalan na ako tuluyan ulirat dahil sa ginawa niyang pagtulong. Paano ba naman kasi siya? Pinilig ko ang ulo ko at kinuha na doon ang pitsel at umalis.
Nasa likod ko siya nakasunod patungo sa taas at sa kwarto. Natutulog si Mama kaya maingat niyang nilagay ang tray sa table.
"Salamat sa tulong."
Tinignan niya si Mama.
"Wala 'yon." he wave his hands for me to stop.
Hindi pa siya umalis. Nanatili siya doon. Tahimik siya kaya tahimik din ako.
"Kumusta na ang Mama mo?" sabi niya.
"Ayon parin' hindi ko pa siya nakakausap simula sa nangyari."
"Dito ka palagi kumakain?"
"Oo sinamahan ko. Ayaw niya rin kasi sa baba." sabi ko.
Lumapit ako sa kama ni papa at inayaos ang kanyang blanket. At hinaplos ang kanyang kamay. Nagtungo siya sa gilid malapit sa kama. Umalis lang siya ng nagising ko na si Mama para kumain.
Tumunog ang kanyang cellphone na dahilan na umalis bago pa magising si Mama.
Sinundan ko siya para' isara ang pinto na hindi niya na sirado.