Sa pagdaan ng mga araw pilit namin na magpakatatag. Tatanggapin ang nangyayari dahil ito na, wala na kaming magagawa. Masakit man isipin pero wala na kaming magagawa.
"Ang kapal din naman ng mukha mo na pumunta dito."
Malamig na sabi sa harap namin.
Ito ang bungad sa kapatid ni Papa sa amin. Hindi pa kami tuluyan na makapasok sa simbahan, ito pa talaga ang aming maririnig. Nilunok ko ang bukol sa lalamunan habang binigyang pansin ang nagsalita. Puno ng galit ang aking mga mata nakakatig sa kapatid ni Papa, si Tita Alice.
Kasama ko si Tita Cordellia at ang kapatid kung si Francine at dalawang body guards na pinasama sa amin Tito na hindi naman talaga kailangan pa. Kinausap ko si Tita kanina na ayos lang naman na wala ng body guards. Because It would exeggerate sa the situation. But she insisted too. Wala namang reklamo si Mama dito, given her condition that she is not too well.
Tamad na tinignan ni Mama si Tita Alice at humakbang patungo sa loob na tila ba walang narinig. Nakita ko pamumuong galit sa sulok ng kanyang mga mata na nanatili sa kung saan nakatayo kanina si Mama sa harap.
Umawang ang kanyang mga labi at sinundan ngayon ng tingin si Mama sa loob na humagulhol na sa iyak habang naglalakad sa kung nasaan ngayon si Papa.
Huling araw ito at gustong pumunta ni Mama at makita si Papa. Ito lang ang pangalawang punta ko at ngayon kasama si Mama. Humigpit ang hawak ng kapatid ko sa aking damit at napatingin ako sa kanya na ngayon napunta na ang atensiyon kay Tita Cordellia na pinigilang si Tita Alice na puntahan si Mama.
I heard my mother cried last night. She blamed herself for what happened. Nasasaktan ako para sa aking Ina. Gusto ko na ako nalang ang bumitbit sa sakit ngayon na nararamdaman niya. Isa pa itong kapatid ko.
"Alice please." bulong ni Tita Cordellia matapos na pigilan ito.
Pinuntahan ng kapatid ko si Mama at ako naman ay nandito kay Tita at samahan narin siya sa pakikipag usap kay Tita Alice. Kailanman mabait si Tita Alice sa amin pero ngayon lang siya ganito ka galit sa amin na kahit pagmano ko sa kanya hindi niya pinansin ang gawi ko.
Hinarangan niya ang daan papasok. Mahigpit kung hinawakan ang braso ni Tita.
"Tita Alice please..." sabi ko sa kanya.
Pero ang tingin niya ay hindi nagbago. Na pati ako ay natatakot sa kanya ngayon. Ibang relatives na sa side ni Papa na noon masaya kami ngayon lang parang hindi kami kilala ng mga ito.
Sa amin ba talaga ang may kasalanan? Eh kaming lahat naman ay nawalan ah? Bakit pakiramdam ko sa amin ang kasalanan kung tutuusin pariho kaming nawalan ng mahal sa buhay.
Mabilis na umalis si Tita Alice at sinundan si Mama na ngayon mabilis na hinawakan ang braso na sa sobrang bilis ay napaharap si Mama sa kanya. Sa mahinang katawan ni Mama nadala ito sa pwersang ginawa ni Tita.
"Hindi mo man lang ba sinisi ang sarili mo dito, Vera? Kung sana hindi makitid iyang utak mo hindi pa sana nangyari ito!" si Tita Alice.
Maliit ang boses pero sinabi sa paraan ng madidiin. Binulungan siya nito sa asawa niya upang tumigil pero binalewala niya lang ito.
Tita Alice is very adamant on letting us leave.
"Pwede ba? Kahit ngayon lang po, pagbigyan mo naman kami. Pamilya po din kami. Asawa niya po at anak kami ng ililibing bukas. Kaya please."
Tita Alice smirked full of sarcasm. Not buying my reasons.
"Sa tingin mo ba Alice ginusto ko ito? Edi sana hinayaan ko nalang ang kapatid mo sa mga kabalastugang ginawa niya!"
Napatingin ako kay Mama ngayon na nagsalita. Tinitingnan na kami ng mga tao dito. Nasa harap kami at sentro ng atensiyon ng karamihan.
"Kahit na kita na sa dalawang mata ko ang totoo! Sa tingin mo ba na masaya ako? Ha? Hindi mo alam ang pinagdadaan ko at sa mga anak ko. Wala kang karapatan na pagbawalan na makita ang kanilang ama." Tinuro-turo ni Mama si Tita.
Puno ng galit ang mga matang hindi nilubayan ng tingin si Tita. Kumurap ito at napaawang ang bibig na kasamang hilaw na ngiti. Bago pumunta ang tingin sa akin napayuko ako hindi siya matingnan except sa kapatid ko na galit na makatingin ngayon sa kay Tita Alice.
"Now get out of the way!"
Mama blurted out that the hallway turns silent at that moment.
Hindi nakapagsalita si Tita Alice at mas lalong nahiya at walang imik ng makita kami ng magulang ni Papa at pinapasok kami sa loob. Inilalayan nito si Mama at sinamahan na pumunta na kung nasaan na ngayon si Papa.
Niyakap ako ni Tita dahil tumulo na naman ang mga luha ko dahil sa naghalu-halung naramdaman, naririnig ko ang iyak ni Fran sa kung nasaan ngayon si Mama kasama si Lola.
Tita went shocked, even me. Naglakad si Mama kaya napasabay ako dahil hawak ko siya. Sumunod sa amin si Tita Cordilla kasama si Francine.
That very moment, my Mother cried so hard. Tita was with her. Sumakit ang dibdib ko habang niyakap ang aking kapatid.
What if we just simply choose to ignored the situations and just carry on without hurting everyone's feeling?
Kung hinayaan nalang kaya namin ang mga ginagawa ni Papa siguro hindi aabot sa ganito. At magkasama pa kami ng buo. Pero sabihin natin na ganyan, maging pareho parin kaya ang saya? Nitong mga panahon na nagdaan totoong saya parin kaya ang mangyayari kahit malaman ni Mama na may kabit si Papa at hayaan nalang ito para wala ng gulo at para hindi aabot sa ganitong punto ng buhay?
But it is not the same anymore when you know betrayal is already on the table. You choose to fight for the sake of others.
My mother choose to fight for us because she doesn't want us to live unhappy. Even if thats mean its hurts her part, ginawa niya parin. Pwede niya naman na hayaan nalang na ganon si Papa na may ibang babae and just pretend that nothing happens para hindi masira ang pamilya namin. Because after all we valued family so much.
Its hurts seeing your Mother cried, really.
I still remember one night when we talked outside waiting for my Father to come home. She always do this all the time na hihintayin na maka-uwi si Papa. Kaya minsan sinasamahan ko siya. At syempre nag-uusap narin kami. Tinatanong kung kumusta ang araw namin sa school.
Even if thay small moments, smooth sailing of our exchanges of words are one of my very most treasured memrories.
"Alam mo ba kahit may hindi kaming pinagkakaintindihan ng Papa mo, mahal na mahal ko 'yon."
May kasamang matamis na ngiti. Pero iyong mata niya ay malungkot at mapupungay. Pero hindi ko pinag-alala iyon sa araw na iyon. Kasi ang akin, kung paano niya sinabi iyon na puno ng sincerity sa boses niya.
Napangiti akong napatingin sa kanya at bahagyang niyakap siya na may sinamahan ng halik sa pisngu niya.
That time she told me about their love story. How did they become friends to lovers. I stood with her listening. She really love him so dearly. I can feel it the way she narrated every bits of their love stories.
The way she told me about their pasts every words that came out is full of sweetness. She treasured every bits of their memories together.
"Piliin mo 'yong taong pipiliin ka ng una. Pinili ka kasi mahal ka niya. Don't settle for less, Lou. Tandaan mo 'yan." she said.
Those were the words that stuck not only in my mind but also in my heart. When my mother told me about this I feel like something in my heart felt the soft slight rush of something unexplainable. Na nasabi ko sa aking sarili na makakahanap rin ako ng lalaking mabuti ang atensiyon sa akin.
And that once I'll find it in the future, I will hold on that tight. And give my all.
Lunes at mamayang hapon na ang libing ni Papa. Walang gana akong pumunta sa kusina para sa tanghalian namin. Buti naman at nakapagluto na ang kasambahay. Dito daw kami kakain sa baba sabi ni Mama.
Medyo nagulat naman ako doon. Pero siguro baka gusto niya na dito para naman makalabas o ma explore niya ang ibang sulok ng bahay na kailanman hindi niya pa nakita simula nung dumating kami dito.
These past few days she is somehow okay. Hindi gaya ng dati na tahimik. Ngayon, kinakausap niya na kami ni Francine at minsan ni Tita kapag pumunta siya sa kwarto. I can say that somehow hindi na malala ang kondisyon ni Mama hindi katulad noong una na halos hindi siya umiimik at hindi kumakain.
The table is all set may mga pagkain na hinintay ko na lang na bumaba si Mama dito, while Francine is already devouring her food. Pinagsabihan ko siya na hintayin si Mama para sabay na kaming lahat na kumain pero hindi man lang kumukunsidera sa sinabi ko at sinunod ang gusto.
"Umuwi kayo' ng maaga huwag matigas ang ulo. At ikaw naman Lucas bakit mo pa kasi sinasama si Travis baka anong kalokohan na naman iyang pinangagawa niyan." ani Tita sabi niya sa kabilang linya.
Naririnig ko ang mga yapak niya patungo rito. Naabutan niya ako sa may hagdan at nagbago ang expressyon at niyakap ako at huminto sa harap ko nasa kabilang tenga pa ang kamay nito dahil sa kausap nito sa kabilang linya.
Ito siguro ang tinutukoy ni Travis na may pupuntahan silang dalawa ni Kuya Lucas. Hindi niya sinabi kung nga lang iyon.
These days Travis has been good to me. That fast! Akala ko nga mananatiling ganoon lang ang pagpapakilala namin sa isa't isa. Kaya medyo nagulat ako kasi, kung tutuusin napaka friendly niya na pinapansin na niya ako matapos ang pagtulong niya sa akin nung tinulungan niya ako sa pagkain ni Mama.
Its not that hindi ko gusto pero he seems nice naman pala. Kalaunan mabait naman siya sa akin at sa kay Francine.
Minsan nga naisip ko, bigla bigla nalang ang pagiging palakaibigan niya sa akin. It feels so weird at first. Pero si Tita na nga mismo ang nagsabi sa akin, noong sinabi ko sa kanya ang tungkol sa unang araw na dumating ang anak niya. Na ganyan talaga siya sa mga nakikilala niya. Pero mabait naman kalaunan.
"Sana maging okay na siya,"
Hinatid niya dito ang tray na may lamang pagkain, pang apat na pagkakataon na 'yon. Bawat hatid niya ng pagkain, ay nanatili muna siya sa loob at nag uusap kami.
Umaalis lang kapag gumising na si Mama and greeted her before leaving.
Hindi ako nakababa kasi hindi ko namalayan ang oras at masyado akong nalibang sa aking binabasa.
Umahon ako at tinggap ang tray pero inilag niya iyon sa akin at siya na mismo ang naglagay sa table. Bumababa siya ulit para kunin ang tubig, sinabi ko na ako nalang pero matigas ang ulo ayaw paawat.
At tsaka maliit na bagay lang naman daw iyon sabi niya kaya hinayaan ko na. Mukha din naman kasi ayaw papatalo, kaya hindi nalang ako nakipagtalo sa kanya.
"She's better now, unlike before kaya masisiguro ko na maging maayos na siya."
Titig siya akin habang nagsasalita ako kahit naman nakatingin ako ni Mama nararamdaman ko ang titig niya sa gilid.
Lumingon ako sa kanya at lumihis ang titig niya sa bintana. As if takot na maabutan ko siya sa ginawa. I bite my tongue at nagpipigil sa nararamdaman. Nakakagaan lang kasi sa pakiramdam kasi mabait siya sa akin at sa kapatid.
"At syempre para hindi ka na pumunta dito no. Nakakahiya naman sayo. Si Francine naman talaga ang gumagawa diyan. Ito talaga ang kapatid ko kahit kailan ang tamad."
Pinuntahan na sa gilid si Mama. Sinundan niya ako ng tingin dahil naramdaman ko ang tingin nito sa akin at naba-bother na ako. Kaming tatlo lang dito at si Mama tulog. Tapos ang tingin niya pa sa akin, nakaka-ilang. Hindi ako sanay.
He chuckled after listening to my rant. Titig na titig siya at sinusuri kung hanggang saan ang kaya kung gawin. Kung hanggang saan itong pagpuputak ko.
At naulit pa' din ang panahon na iyon. This time naabutan niya akung nagbabasa, na naman. Sa library galing 'to at si Francine ang nagbigay. Hindi iyon sikat na libro. Pero pampalipas oras narin. Kaya okay sa akin. Walang ibang libangan naman. Ayoko naman na lumabas dahul mainit at wala naman akong kasama gumala.
"You know what everytime I see a girls reading a book they somehow seems mysterious." He said. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
Naibaba ko ang aking librong binasa pagkatapos sa sinabi niya. Humalukipkip siya sa aking harap. Nakaupo ako, kaya nakatingala ako sa kanya.
"Sa tingin mo misteryoso ako?"
He shrugged. "Uh, sort of secretive?"
"You can't blame me." I sighed. "Walang magawa dito sa bahay. Si Mama hindi ko nakakausap kasi palaging tulog. Si Francine naman..." Napadpad sa ibang sulok ang tingin ko.
Hindi ko na pinagpatuloy. Kasi ayaw ko rin naman sa kanya kasi masyadong bata at hindi kami magkakasundo minsan.
"Don't you have friends?" In his curious look.
"Meron naman, pero hindi ganon karami." I said honestly.
"Diba noong nakaraan may pumunta dito? Sino ba 'yon?"
Nakita niya kami ni Maddie? Napaangat ako sa kanya ulit ng tingin. Ngayon, interesado amg boses sa pagtatanong.
"Si Maddie? Busy 'yon at tatawag rin naman sa akin kapag pupunta dito. O baka pupunta sila dito kasama Mom niya."
He shook his head as if my answers satisfied him.
That was our last conversations.
That late afternoon the sun already set. Everyone is going home after said their last goodbyes to the family.
Nakatayo ako habang si Mama ay umupo habang tinitignan ang lapida sa harap. Umupo naman si Tita para aluin ang kaibigan. Ang kapatid naman ay nakayakap sa aking gilid.
Everything now is not perfect anymore. Not the way it was. Already broken, and nobody can ever mended it back to its form, forever. There's always a missing piece. And that missing piece is my father. And my family will never be complete and perfect, again.
It feels like this is the ending. Would it be better if we can call it quits? In the darkness that lures us into the dark pit?
Being tired is okay, being sad is okay because we're just human we feel emotions. Now I ask you this.
Do we call it a living if we live every single day weighing in pain?