Chapter V

923 Words
Dumiretso si Ruanne sa salon ng kaibigan, doon ay naligo sya at nagpalit ng damit. Matapos iyon ay inalok sya nito na kumain na muna bago umuwi sa kanila. Pinagmamasdan lang sya ni Dino habang kumakain, para kasi syang hinahabol ng sampong kabayo sa pagsubo. “Friend, dahan- dahan, baka ka mabulunan. Mukhang napagod at nagutom ka ng husto ah.” Pagpapaalala nito sa kanya. Lumagok muna sya ng tubig saka nagsalita, “Sorry ha, nagutom talaga ako.” “So anong plano mo nyan?” pag-iiba nito ng tema. “Malaki din tong pera na ito. Magpofocus muna ako sa review para makagraduate at ng makalayo na sa paningin ng tatay ko.” Mahabang paglilitanya nya ng mga plano sa buhay. “Don’t you have any regrets sa pinasok mo?” pag-aarok nito sa isip nya. Bumuntunghinga si Ruanne saka tumingin sa labas ng bintana kung saan natatanaw nya ang iba’t- ibang taong nagdaraan. “Tapos na ang lahat para pagsisihan ko pa and besides this is the only choice I got for this moment.” Paliwanag nya saka muling ibinaling ang sarili sa pagkain. Naawang- nalulungkot si Dino sa sinapit ng kaibigan pero wala din syang magawa dahil kahit sya walang ganong kalaking pera at that moment. Hinayaan nya nalang tapusin ng kaibigan ang pagkain saka pinauwi nya na ito para magpahinga. Sa bahay ay nadatnan ni Ruanne na nag-aaral ng lesson ang kambal habang ang lola nya ay nanonood ng TV. Nang Makita sya ng kambal ay sinalubong sya ng mga ito at humaliks kanyang pisngi. “Ate, bakit hindi ka ditto natulog kagabi? Si Lola tuloy ang katabi ko.” Tanong ni Jessa nang makaupo na sya sa kawayang sala set sa maliit nilang tirahan. “May inasikaso lang ako, Jessa. Wag ka ng matanong at sige matutulog muna ako at pagod ako.” Sabi nya sa kapatid. “Eh, ate may project kami sa school, kailangan ko ng 200 pesos para sa contribution.” Buntot na wika naman ni Jessie. “Okay, mamaya ko nalang ibibigay ha. Sige, matutulog muna ako.” Sagot nya saka tuloy- tuloy na syang pumasok sa kanyang kwarto at ibinagsak ang kanyang hapong katawan sa katre. Dahil sa pagod ay madali syang nakatulog. Hapon na nang magising sya at sumabay sa hapunan saka muli syang bumalik sa kwarto para naman iready ang sarili sa trabaho. Kahit nakatanggap sya ng halagang 50K sa lalaki ay kailangan nya parin magtrabah para sa mga kapatid. Pansamantala ay inilagak nya muna sa bangko ang pera at iwiwidraw nalang pag kailaangan nya ng magbayad para sa school tution fees nya. Natatakot kasi syang baka mukha na naman ng kung sino kung iiwan nya lang sa bahay. Miyerkules ng umaga ay kasama na  sya sa mga estudyanteng nakapila para sa pagbabayad ng tuition at pagkuha narin ng permit to take exam. Masayane-masaya sya at sa wakas ay makakagraduate narin sya kahit pa ang naging kapalit nun ay ang pagkadurog ng kanyang iniingatang p********e. May pagsisisi man sa isip nya at pinipilit nya nalang aliwin ang sarili dahil makakasama sya sa darating na graduation. Nang sya na ang magbabayad ay nagulat pa sya ng sabihin ng cashier na fully paid na ang utang nya at saka binigyan pa sya ng resibo saka ang permit to take exam. “Sigurado po ba kayo, Ma’am? Baka ho nagkaroon lang ng error sa machine, hindi pa ho kasi ako nagbabayad eh, nagyun pa palang po.” Paniniguro nya sa sinabi ng babae. “Miss, kahapon kasi may pumunta ditong babae saka binayaran ng cash yung mga utang mo. Hindi rin naman ng nagpakilala kaya hindi ko na inusisa, basta ang sabi ay kaibigan mo daw.” Pagpapaliwanag ng cashier nila habang inalala kung sino ang nagbayad ng mga utang nya. Wala syan nagawa kundi kunin nalang ang resibo at ang permit nya saka dumiretso na sya papunta sa salon ng kaibigan. Habang sakay ng jeep ay malalim at palaisipan parin sa kanya kung sino ang nagbayad ng tuition nya ng buo. Hindi nya maisip kung sino ang babaeng tinutukoy ng cashier nila dahil wala naman syang kaibigang babae na malapit sa kanya bukod kay Dino ay wala na. “Gandara, anon a naman at parang hindi ka mapakali ah.?” Sabi ni Dino ng mapansing balisa sya. “Kasi, beshie may nangyaring diko maipaliwanag eh.” Kabado nyang simula. “Ano yun besh? Problema na naman ba?” pang-aarok ni Dino sa kanya. “Besh, may nagbayad ng tuition ko, sabi babae daw. Eh bukod sayo, wala nakong malapit na kaibigan.” Naninimbang na kwento ni Ruanne. “Besh, baka may stalker kang tomboy? Di kaya may nagkakagusto sayong matanda, ganun?” wika pa ni Dino. “Tantanan mo nga ako, Dino. Walang ganun noh. Hindi ako nakikipagkilala kahit kaninong matanda o tomboy.” Mahabang buntunghininga ang pinakawalan nya pagkatapos. “Baka naman, besh, yung naka one- night stand mo noong isang gabi? Di kaya?” “Malabong mangyari. Ang laki na ng binigay nya saka wala akong binigay na kahit na anong information ko. Tinakot pa nga nya ako, besh eh.” “Anong sabi?” curious na tanong ni Dino. “Wag daw akong magpapakita sa kanya, dahil pag nangyari yun, nakalimutan ko na, basta parang nagbabanta.” Kibit  balikat na sabi nalang ni Ruanne. “hay naku, besh. NO worries na nga. Be thankful na lang sa angel na yun kasi tinulungan ka nyang makasurvive diba.” Pagsawata ni Dino sa kanyang mga alalahanin. Tumango- tango nalang si Ruanne. Tama nga naman si Dino, whoever that person maybe, she did a very big favor for her. At least, she has enough money to use para makapagsimula sila after ng graduation nya. She wanted to leave the place where they were living now, gusto nya ng iwasan ang pamilya ng ama at mamuhay ng tahimik. Matapos ang pagmumuni- muni ay nagpasya ng umuwi si Ruanne dahil gumagabi na, baka hinahanap na sya ng lola nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD