Lumipas ang mga araw at linggo, heto syang muli sa salon ng kaibigan. Inaayusan sya nito para sa kanyang graduation. She was really happy, walang pagsidlan ang kasiyahan nya lalo pa at may mga recommendation syang nataggap recently tungkol sa mga pwede nyang pag-aplayan ng trabaho.
“Excited na excited ka besh, wag mo lang akong kakalimutan pag mayaman ka na ha.” Masayang- masayang sabi ni Dino habang nilalagyan sya nito ng make-up.
“Grabe ka naman dyan sa sinasabi mo. Dino, hinding- hindi kita makakalimutan bestie, kahit lumipat pa kami ng bahay.” Masaya na malungkot ang mukha nya habang inaayusan nito.
“O, sya, wag ng magdrama, baka humulas ang kagandahan. Don’t worry, besh, lagi akong dadalaw sa inyo kung sakali, oka?” Dino gave her a sweet smile as an assurance.
“Thank you, besh.” Saka yumakap sya dito.
After an hour or so, lumabas na sila ng salon para makahanap ng taxi. Ang kasama nya lang talaga ay si Dino dahil hindi naman pwedeng iwan ng kanyang lola ang mga kapatid at walang magbabantay sa mga ito. Para sa kanya, sapat na ang makatapos para makaahon sila ng mga kapatid sa kahirapan. Gusto nya kasing bigyan ng maayos na buhay ang kanyang lola at mga kapatid, nais nya ring umalis na sa lugar na iyon kung saan nararamdaman nya ang hapdi at sakit na hindi maituring na kapamilya ng sarling ama. Okay lang sa kanya kahit ilang beses nya pang suungin ang maraming problema basta kasama nya ang kambal at ang lolang nagtaguyod na sa kanila. Alam nyang hindi magiging madali ang lahat, pero kakayanin nyang magsimula at humakbang patungo sa tagumpay na ninanais nya.
Masaya at naluluha sya ng tanggapin ang diploma, walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama habang inaabot ang nakarolyong papel na puti.Marami syang pinagdaanang hirap bago nakamit ang bagay na iyon, katulad nalang ng pagbebenta ng sariling katawan makapagbayad lang sa ewkelahan, maktakas lang sa kahirapan.
Sandaling huminto ang kanyang mundo, sumungaw ang luha sa kanyang mga mata nang maalala ang nangyari, at wala na syang magagawa pa sa nakaraan, ngunit may kaya syang gawin para sa kinabukasan. Mali man ang naging daan para makamit nya ang puting papel na iyon, hindi sya nagsisisi, sapagkat dahil doon mas tumapang ang kanyang kalooban na harapin ang darating pang mgha pagsubok.
Napukaw ang kanyang pagbabaliktanaw nang yakapin sya ni Dino na naluluha pa.
“Congratulations, Ruanne! Sa wakas nasa step two kana.” Naiiyak na wika nito.
“Oo nga, step two na ako, I have to prepare myself, besh, for the interview and possible job application.” Nakangiting sabi nya naman ditto habang pinaglalaruan ang diploma sa kanyang kamay.
“Oh, bukas na natin isipin yan. Treat kita ngayun, saan gusto mo?” yaya ni Dino habang palabas na sila ng eskwelahan.
“Sure ka ba dyan, besh? Baka kasi mashort ka sa budget mo ngayung week.” Alanganing sagot ni Ruanne.
“Ikaw naman, minsan lang toh ano, saka tinabi ko talaga ito para sa iyo. Gusto ko kahit paano maitreat kita, saka wag kang mag-alala. Alam mo bang kumita ako ng malaki- laki noong isang gabi kasi ang daming nagpaayos dun sa Reyna Elena, kaya no worries na, okay. Tara na.” saka sya nito hinila at pumara ng taxi.
Wala nang nagawa si Ruanne, nagpatianod nalang sya sa kagustuhan ng kaibigan. Sa isip nya ay isang araw makakganti din sya sa lahat ng mga nagawa nito.