Chapter VII

1265 Words
Kinabukasan, Lunes ng umaga, nagkukumahog ng nag-ayos si Ruanne, may natanggap kasi syang interview sa isang kilalang business corporation. Tuwang- tuwa at the same time ay kinakabahan sya dahil baka hindi nya kayanin ang mga itatanong sa kanya. Una nyang inayos ang mga papeles sa isang brown envelope at isinilid ito sa isa pang plastic envelope. Sinunod nyang ayusin ang kanyang suot na business suit, nabili nya ito noong minsang pumunta sila sa Divisoria ni Dino, mas mura hamak na mura kasi doon ang mga bilihin, saka nya nilagyan ng kaunting make- up ang mukha at dumertso nang nagpaalam sa kanyang Lolo at mga kapatid. “Ate, dalhan mo kami ng pasalubong ha.” Bilin pa ni Jessa saka humalik sa kanya. “Promise, basta kayo ang maging lucky charm ko. Sana ay makapasok na sa work si ate, okay?” nakangiti nyang wika ditto. “Apo, heto ang tinapay, magbaon ka at tubig na rin para dika mauhaw. Wag kang magpapagutom ha.” Bilin ng lola nya sa kanya. “Sige po, Lola, alis na po ako. Kayo rin po, ingatan nyong sarili nyo dito.” Masayang paalam nya sa mga ito. Sa laabs ng bahay ay masaya siyang naglakad patungo sa labasan. Dito ay naparaanan nya ang amang nasa labas ng gate at may kausap. Hindi nya ito pinansin. “Nakagraduate ka lang, ganyan na kataas ang tingin mo sa sarili mo, paano pa kaya kung yumaman ka na, baka hindi ko na makitang nakatapak ang mga paa mo sa lupa.” Galit na sabi nito sa kanya. Matalim ang ipinukol na tingin ni Ruanne sa ama saka bumuntunghininga. Ayaw nyang patulan ang mga patutsada nito dahil baka masira lang ang araw nya. Dumere-deretso nalang sya hanggang sa marating ang labasan. Habang naghihitay ng taxi ay di mapigilan ni Ruanne ang sumama ang pakiramdam dahil sa sinabi ng ama. Naiinis sya sa pagwawalangbahala nito sa kanila at  ngayon ay ito pa ang may ganang magalit sa kanya matapos sya nitong nakawan ng pera para sa tunay nitong pamilya. Nagpapasalamat nalang talaga sya at mahaba ang pisi ng pasensya at pagtitimpi nya sa araw na iyon dahil gusto nyang maging presentable sa magiging interview. Humugot si Ruanne ng malalim na paghinga para maibsan ang pumapaimbabaw na galit at inis sa ama saka sumakay sa taxing ipinara nya. Sa loob niyon ay inayos nya muli ang mukha, sa salamin ay sinulyapan ang mga labing may mapulang lipstick at mukhang nilagyan ng kaunting face powder. Hindi naman talaga kasi sya mahilig sa pag-aayos, kung hindi lang talaga sa trabaho ay hindi sya magmemake –up. “Ma’am, maganda na po kayo, natural at simple ang inyong ganda pero masarap tingnan ang inyong mga mata.” sabi ng taxi driver na medyo tumikhim pa at ngumiti sa kanya habang panakaw na sumulyap mula sa rearview mirror. “Salaamt po, Manong.” Tipid nyang wika dito. May katandaan na ag driver pero mukhang mabait at magalang pa. Wala sa loob na napangiti si Ruanne, sana lang talagang ready sya for that day. At least alam nya sa sarili nyang maganda sya at may konting ipagmamalaki. Matapos ang isang oras ay nasa harap na sya ng MGV Building, huminga muna sya ng malalim bago naglakad papasok sa loob ng building, pinilit nyang kumuha ng lakas sa kalooban nya. Sa entrance ay hinanapan sya ng Id at appointment schedule para sa interview. Nang maibigay nya ito sa receptionist ay saka sya nito sinabihang umakyat sa eight floor kung saan naroon ang HR office. Sumakay sya ng elevator kasama ang iba pang sa tingin nya ay mga applicants ding katulad nya. Ilang sandali pa ay nakipagsabayan sya sa mga itong huminto at humanap ng pwesto sa labas ng HR office kung saan may mga upuan doon, nakalaan para sa mga bisita. Umupo sya katabi ang isa lalaking may kaguwapuhan na panay ang sulyap sa dalaga. “Uhuum, Miss, I’m Shane Nicolas. Are you an applicant also?” malawak ang ngiti nito na nakikipagkamay. “Hah? Ah, eh, oo, nagbabakasakali rin ako. By the way, I’m Ruanne.” Alanganin ang ngiti nya dito. Medyo nadistract nito ang pagpapractice nya sa isip ng sasabihin, pero hindi nya tinanggap ang pakikipagkamay nito. Tiningnan nya lamang itong parang napahiya nang muling kunin ang kamay. “Just relax and take a deep breath. Sa ganda mong yan, for sure mapapasok ka.” Nakangiti parin ito habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Naconscious si Ruanne kaya hindi nya nalang ito pinansin. Matapos ang ilang sandali tinawag na sya para sa interview. “Goodluck, Ruanne. I know you can make it.” Sabi pa nito sabay kindat sa kanya. Mas lalo tuloy syang nakamdam ng kaba dahil sa malalgkit na tingin nito. Sinulyapan nya ito, at aminado sya na guwapo ito at paniguradong marami ang humahanga sa lalaki. “Salamat.” Tipid nyang sagot bago tuluyang pumasok sa opisina ng HR. Matapos ang ilang sandali ay malawak ang ngiti ni Ruanne nang lumabas sa HR office. Syempre naman, sobrang saya nya kasi naapprove ang application as admin staff at bukas din ay magsisimula na sya. Sa labas ay nakatitig na sinalubong siya ni Shane. Lumapit sya dito at nagpasalamat sa binigay nitong lakas ng loob. “Well, Congrats! Baka naman pwede nang makipagkamay sa magandang dalagang tulad mo.” Inilahad muli nito ang kamay sa kanya. Inabot naman ni Ruanne ito at nakipagkamay. Mabilis lamang iyon dahil naramdaman nya ang pagpisil nito sa kanyang kamay. “Thank you for the encouragement, mukhang ikaw ang lucky charm ko.” Ngiti nya dito. “So, can we call for a celebration? Treat ko, pareho naman tayong nahire eh.” Sabi pa nito na di nawawala ang ngiti at malagkit na titig sa kanya. “Well, sige pero KKB nalang pwede kasi wala pa tayong sweldong pareho.” Ani Ruanne. “Nahiya naman ako. Hindi ako sanay na hindi ako ang nagbabayad pag may kasamang babae.” Explain nito. “Hindi ako sasama pag ganyan ka. Sa sweldo, papaya ako, pero ngayon, KKB nalang muna, pwede ba?” giit pa ng dalaga. “Okay, panalo ka na. Magandang binibini.” Nagkakamot sa ulong sabi pa nito. Magkasabay nilang nilisan ang MGV building na may saya pareho sa kanilang mukha, saka dumiretso sila sa isang kilalang fast food chain. Nangyarii nga ang gusto ni Ruanne, hindi sya nagpalibre sa binata, bagkus ay pareho silang pumila at umorder ng kakainin, saka dumiretso sila sa isang table na pangdalawahan. Doon sila nagsimulang kumain habang nagkukwentuhan. Panaka- naka ay nakikita ni Ruanne na may mga babaeng iba ang tingin sa kasama. “Shane, baka mamaya ay sabunutan na ako ng mga girls dito, mukhang namagnetize mo sila.” Mahinang wika nya habang sumusubo ng french fries. “Grabe ka naman, just relax saka my eyes are fixed on you.” Sabi naman nito while munching on with the burger. “Oy, Shane, let’s get straight to the point, okay. Nakikipagkaibigan ako sayo at ayoko ng boyfriend.” Diretsahang sabi nya ditto nang maramdaman nya ang kamay nitong humaplos sa isa nyang kamay. “Wow, hindi pa nakakafirst move, basted na agad. Grabe ka naman, Ruanne, baka naman gusto mo muna akong manligaw sayo.” Natatawang sabi nito na hindi parin naalis ang amusement sa mga matang nakatitig sa dalaga. Nailang si Ruanne, pero nakabawi agad kaya hinampas nya ito sa kamay. “Shane, kung gusto mong maging magkaibigan tayo, please don’t cross the line. I’m not ready for any relationships. Ang focus ko ngayon ay makapagtrabaho para sa pamilya ko.” May himig seryoso na sa boses ng dalaga saka sumipsip sa straw ng softdrink na inorder nya. Tinaas ng binata ang dalawang kamay saka alanganing ngumiti sa kanya, “Okay, I’ll just wait for the right time when your heart is ready to love. Payag na ako sa friendship zone, just for the mean time.” Matapos iyon ay naging mas open na sila sa isa’t isa, marami silang napagkwentuhan tungkol sa mga buhay nila bago sya nito hinatid sa kanila. May sasakyan kasi ang lalaki at nagpumilit dahil magkaibigan na daw sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD