Pareho sila ng department na napuntahan kung kaya’t araw- araw na silang magkasama, tuwing kakain at tuwing uuwi. Nahihiya man sya dito ay hindi nya magawang tumanggi tuwing ihahatid sya nito. Naging palagay ang loob nya kay Shane at itinuring na isang malapit na kaibigan.
“Ruanne, sure ka bang friends lang kayo nyang si Shane? Halos lagi kayong magkasama eh.” Bulong ni Laila sa kanya habang may iniaabot na folder sa kanya.
“Ikaw naman, malisyosa ka ano. Siguro type mo si Shane kaya ka ganyan.” Biro nya sa dalaga.
Maganda at maayos sa sarili si Laila na mas naunang nahire sa kanila, ang pagkakaalam nya ay isang taon na ito sa trabahong iyon.
“Hindi no, mas type ko yung CEO at presidente natin, super duper guwapo. Nasa kanya na yata lahat ng M.” kinikilig na kwento nito.
“At ano naman ang mga M na yan, aber?” natutuwa si Ruanne kay Laila na parang teenager kung magkwento.
“Marami syang M talaga, like masipag, mayaman, macho, maABs, makisig, masarap siguro sa kama, in short mayummy.” Kinikilig pa ito sa huling tinuran.
“Hoy, Laila, hinay-hinay nga, baka mahipan ka ng hangin dyan.” Tawa nya habang hinahampas ito.
“Ay naku, sabi ko sayo pag nakita mo yun, maiinlove ka dun, kaso may bad side din mga M’s nya.”
“Katulad ng ano?” curious nyang tanong ditto.
“Masungit, malamig as in as cold as an ice, maangas at palagi pang nakasigaw pag ayaw yung gawa mo.” Nakasimangot na kwento pa nito.
“Ganun naman pala, bakit gusto mo pa.” kibit balikat na balik tanong nya sa dalaga.
“Kasi nga mayummy, saka okay lang sigawan nun basta isang gabi lang. okay na sa akin.” Sabay tawa nito.
Naiiling na natawa narin si Ruanne sa kwento nito. Nasa ganung usapan sila ng biglang lumapit si Shane sa dalawa.
“Sino ba ang pinag-uusapan nyo? Ako na naman ba?” sabi nito na nakakunot nuo.
“Feeling ka naman dyan, Shane, hindi lang ikaw ang guwapo sa department natin ano.” Sungit na sagot ni Laila saka nagpaalam na kay Ruanne para bumalik sa pwesto nila.
“May gusto ba sa akin yang Laila na yan, what do you think, Ruanne?” nakangising wika nito.
“Mayabang ka rin talaga, Mister Nicolas. Mabuti pa, tapusin mo na yan para maaga tayong makauwi mamayang hapon.” Sinamaan nya ng tingin ang binata.
“Yes, boss, alam mo namang tiklop ako bast sayo.” Sabi pa nito.
Inirapan nalang ni Ruanne ang kaibigan at di na pinatulan ang patutsada nito. Masyadong bilib ang isang ito sa kanyang sarili, naisip ni Ruanne, pero hindi nya din naman ito masisisi dahil sa angkin nitong kaguwapuahn na kahit sya ay kamuntik ng magkagusto dito ng todo,dangan nga lang ay wala pa sa isip nya ang mga bagay na iyon at mas gustong pagtuuan ang paghahanapbuhay para sa mabilisan nilang pag-alis sa lugar na iyon. Kung tutuusing hindi naman mahirap mahalin ang lalaki lalo pa’t malambing, masipag at maalaga ito sa kanya, kaya lang hindi naman natuturuan ang puso, lalo pa at iyon ang magiging unang realsyong papasukin nya kung sakali kaya’t ayaw nyang magmadali, mas gusto nyang makilala ito bilang kaibigan at para mas mapagtanto ang nararamdaman upang hindi sya magkamali at masaktan sa bandang huli.
Nasa ganoong pagmumuni- muni sya naang lumapit si Shane sa kanya at kinurot ang kanyang pisngi nanaging dahilan ang pagpula nito.
“Ano ba! Kainis ito. Magtrabaho ka na nga lang.” pinalis nya ang kamay nito at inis na tinalikuran.
“Sorry na, Ruanne. Ang ganda- ganda mo kasi. Sayang lang at matagal mo pa yatang mapapansin ang kaguwapuhan ko.” Nagkakamot sa ulong hingi ng paumanhin nito habang sa kanya ay nakatunghay parin.
“Ilang buwan pa lang tayong magkakilala ano, saka sabi ko nga di para sa akin ang kapogian mo, baka kay Laila pwede pa.” sabay hagikgik nya at tumingin pa sa direksyon ng dalaga na busy sa pagsosort out ng mga papeles.
“Ikaw, Ruanne, ha, nakakapikon ka na. Kakainin mo rin yang sinabi mo. You will fall for me, too, young lady.” Maangas na sabi nito saka nagsign ng heart shape sa ibabaw ng dibdib.
Pinaningkitan na ni Ruanne ng mga mata si Shane nang mapagtantong hindi na naman sya nito titigilan sa inaalok na pag-ibig.
“Magtigil ka, Mr. Nicolas! Umayos ka na at magtrabaho.” Saka nanahimik na si Ruanne na tumunghay sa mga gawain nya.
Sigurado kasi syang pag hindi nya ito sinungitan ay tuloy- tuloy na naman ang pagpapalipad- hangin nito kahit alam naman ng binate ang prayoridad nya sa buhay. Hindi katulad nya, si Shane ay galing sa may kayang pamilya at kaya naman ng bumuhay ng pamilya. Ilan taon din kasi ang agwat nito sa kanya, pero sabi nito ay stable na ang income nya dahil may maliit na negosyo itong pinapatakbo habang nagtatrabaho sa kumpanyang iyon. Minsan naitanong nya ditto kung bakit gusto nitong mangamuhan gayong may negosyo naman pala ito. Ang tanging sagot ng lalaki ay para maranasan nitong maging isang empleyado at hindi negosyante. Saka maliit pa naman ang sinasabi nitong shop at namamanage nya sa tulong ng kapatid at sa CCTV na nakakabit sa lahat ng lugar ng shop nito na nakikita nito sa cellphone nya. Sabi pa nito sa kanya na titigil lang ito kapag medyo maayos na ang income sa shop nila at pag sinagot nya na sa panliligaw. Kung tutuusin, hindi na sya talo kung sagutin nya man ang binate dahil sa guwapo ito ay talagang masipag at responsible pa, ngunit sadya yatang hindi natuturuan ang puso, hindi nya pa makuhang mahalin ito, marahil kapag tapos na ang kanyang mga problema o kaya kapag mas nakilala nya nang mabuti ang binate, sa ngayon mas pagtutuunan nya ng oras ang pagtatrabaho para sa kanyang lola at mga kapatid.