Lunes ng umaga, habang nagsisimula na ang araw nila bilang mga empleyado kung saan pinagtutuunan mabuti ni Ruanne ang pagsasaayos ng mga files na kailangan nyang tapusin nang biglang pumasok ang head department nila na si Ms. Zenny sa kanilang opisina na nakangiti. Maganda at sexy ito, halatang alagang- alaga sa glutathione at lotion. Humarap ito sa kanila saka may inanunsyo.
“Good morning, guys. I just want to get a little of your time. On Saturday evening, we are invited to attend the welcome party for our very own President and CEO of this company, so I hope all of you will come and enjoy. Perhaps you have to give yourself a glam, okay. Thank you and you may now go back to your work.” Ngiting sabi nito.
Nagpalakpakan ang mga empleyado sa kanilang department dahil gusto din ng mga itong makihalubilo sa altasyosyedad kung saan naroron ang mga mayayamang angkan. Sa gilid naman ni Ruanne ay parang binubudburan si Lulu ng asin sa di maipaliwanag na kasabikan. Imagine, makikita na naman nya ang boss nila na ubod ng guwapo.
“Hays, excited na ako, Ruanne. I wish I could see him now. After a month eh makikita ko uli ang prince charming ko.” Tila nangangarap si Lulu habang hawak at niyayakap ang folder sa mga kamay nito.
Napapailing nalang si Ruanne sa tinuran ng dalaga, natutuwa siya ditto tuwing binabanggit ang kabaliwan sa kanilang boss, ngunit hindi nya naman masangayunan ito dahil hindi pa nga nya nakikita ang lalaki sapagkat sa pagkakaalam nya ay halos isang buwan din itong nawala dahil sa trabaho at negosyo na kailangan nitong asikasuhin sa ibang bansa. Pinagsalikop nya nalang ang mga kamay at pilit iniisip ang itsura nito sa kanyang balintataw, ngunit iba ang sumagi sa kanyang isipan. Muli na namang nagpakita sa kanya ang mga mata ng lalaking nakaulayaw nya mahigit isang buwan na rin ang nakakalipas. Paano ba mawawala sa kanyang isipan ang misteryoso nitong anyo, guwapo, pero nakakatakot ang nag-aapoy na mga mata, isama pa ang balbas at bigote nito na sadya yatang itinago ang tunay na pagkatao ng lalaki. Naalala nya tuloy kung paano siya nito dinala sa langit ng ilang beses bago sya nito lubayan. Halos hapong-hapo ang kanyang katawan dahil sa galing at hilig nito sa kama. Naiinis sya sa ganoong alalahanin kaya agad nyang sinawata ang sarili at bumalik na lamang sa ginagawa.
Sa canteen, habang snack ay panay parin ang kilig at saya ng kaibigan dahil sa nalalapit na party para sa kanilang boss. Halos mapatulala ito sa saya habang pinagpapantasyahan ang lalaki.
“Hoy, Lulu, tumigil ka na nga dyan at baka mahipan ka pa ng hangin. Hintayin mo nalang yung Sabado saka ibuhos mo ang lahat ng kilig mo.” Natatawang wika nya ditto.
“Ang KJ nito, alam mo naman kung gaano ko pinapantasya yun. Saba ko nga sayo isang gabi lang pwede na akong mamatay eh.” Nakangiti parin at tila nagdedaydream ang kaibigan.
“Kayong mga babae, ang hilig nyo sa guwapo, eh nandito naman ako, bat maghahanap pa kayo ng iba.” Maangas na singit ni Shane sa usapan nila.
Ikinasimangot iyon ni Lulu at tinaasan pa ng kilay ang lalaki. Si Ruanne naman ay napapahagikgik sa itsura ni Lulu.
“Hoy, Mr. Nicolas, tigilan mo nga yang kayabangan mo, baka ikaw ang mahipan ng hangin. Grabe.” Nakangusong angil ni Lulu sa binate.
“Nagsasabi lang ako ng totoo. Baka pag natkman mo ang abs ko ay makalimutan mo kung sino ka, Lulu.” Pagmamayabang pa nito sabay hawak sa kanyang abs.
“Langya, feeling mo papatusin kita, eh ito lang namang si Ruanne ang naloloko mo ano.” Inis na turan nito.
“Ooops, guys, that’s enough, baka magkapikunan pa kayo nyan. Let’s go back to the office at baka malate pa tayo.” Awat nya sa dalawa na mukhang nagkakainisan na.
Nauna ng tumayo si Ruanne at kinuha ang bag sa upuan bago sumunod ang dalawa sa kanya na kung magkatitigan ay akala mo lalapain ang isa’t isa. Natatawa sya na naiinis sa kinikilos ng dalawa na animo’y mga bata kung magtalo. Naglakad na sila patungo sa pasilyong nagdudugtong sa canteen na iyon papasok sa building na kanilang pangtatrabahuan. Panay pa rin ang patutsadahan ng dalawa na hindi nya nalang pinansin at nauna ng naglakad patungong elevator. Habang naglalakad, may napansin syang pares ng mga matang nakasulyap sa kanya, tiningnan nya ito ngunit biglang nawala sa kinatatayuan nito. Nagkibit balikat nalang sya, naisip nyang baka napagkamalan lang sya nito.