Chapter X

2623 Words
Araw ng Sabado, sinadya ni Ruanne ang baklang kaibigan na tuwing weekends nya nalang nakakwentuhan. Nang mga oras na iyon ay gusto nyang magpatulong kay Dino na ayusan sya para sa party at pahiramin narin ng cocktail gown dahil wala naman sya ng mga ganun, hindi katulad ng kaibigan na nagpaparenta rin ng mga gowns at barong para sa mga ganoong pagkakataon. Gusto nyang kahit papaano ay magmukha syang presentable at maganda sa gabing iyon kahit ayaw nya sanang pumunta dahil hindi mahilig ang dalaga sa ganoong klaseng pagtitipon, kaya lang ayaw nyang magmukhang KJ at isiping nagpapahard to get pa kay Shane na aaktong kanyang partner sa araw na iyon. “Besh, pagandahin mo naman ako, please. Kailangan ko ang magic ng mga kamay mo para gumada kahit sa gabing yun lang.” nakalabing sabi nya ditto na parang naglalambing. “Sus, tumigil ka nga. Alam mo namang maganda ka na kahit dika pa lagyan ng make- up.” Saway nito sa kanya habang inaasikaso ang isang customer na nagpapagupit. “Kaya love kita eh, ang laki ng sampalataya mo sa akin. Pero pwede bang samahan mo na ng cocktail gown, wala kasi akong isusuot eh.” Lambing nya pa habang pinapaganda ang kanyang mga mata. “Naku- naku, ikaw talaga, Ruanne, ang galing mong mambola. Sige- sige at maghintay ka’t ako na ang aayos dyan sa mukha mo, alam mo namang di kita matitiis ano. San ba ang lakad mo?” sabay tanong nito matapos sumang-ayon sa kanya. “Sa Welcome party ng boss namin. Ewan ko ba, isang buwan lang naman nawala may pawelcome- welcome party pang nalalaman.” Wala sa loob nyang sabi. “Bakit? Ikaw ba ang gagastos kaya naiinis ka?” nakakunot noong tanong nito sa kanya. “Eh, hindi lang kasi, grabe naman, gagastos sila para lang sa pagdating nito samantalang hindi naman matagal na nawala, diba sayang ang pera?” sagot pa nya na may halong inis sa boses. “Hay, tumigil ka na nga, binibining marikit. Maghintay ka nalang dyan at tatapusin ko lang ito. May naisip na akong isusuot mo.” Saway nito sa kanya sabay ngiti ng makahulugan. Hindi nga nagtagal ay sinunod na sya ng kaibigan para ayusan dahil hapon na at malapit naring dumating si Shane para sunduin sya. Ito kasi ang nagpresinta na susunduin sya papunta sa hotel na pagdarausan ng nasabing patitipon. Noong una ay ayawa nya, pero no choice sya dahil wala rin syang masasakyan papauwi pagkatapos ng party. “Wow, ang ganda mo talaga, girl. I really like your pouted red lips, at matang mahuhulog ang sinumang Adan pag tiningnan ka.” Kilig na sabi nito habang pinagaganda nag mukha nya. “Hump, bola. Sige na tapusin mo na yan dahil malapit ng dumating si Shane.” Pagpapaapura nya sa kaibigan. “Oy, ikaw ha, lagi mo nalang bukambibig yang Shane na yan. Boyfriend mo na bayun?” sabi nito ng may panunuri sa mga mata. “Chill lang. Wala, hindi pa kami, nanunuyo parin sya pero para kasing awkward eh, hindi ko kasi mafeel ang sarili kong mahalin sya. Siguro dahil mas naging panatag akong magkaibigan nalang kami, but I’m not cloasing my heart for him, mabait naman kasi yung tao, hindi mahirap mahalin.” “Go lang girl. Anyway, wala ka pa namang naging boyfriend diba? Pero sana be careful kasi ang daming manloloko dyan, kunwari mabait pero mga pafall lang pala.” May bitterness sa boses nito. “Nagbreak na naman ba kayo ng boyfriend mo kaya ka ganyan, Dino? Bat di mo sinasabi sa akin?” “Oo, binreak ko na kasi panay hingi ng datung. Ano ako mamasang. Hahanap nalang ako ng medyo matino at responsible.” Sabi pa nito na medyo ngumiwi ang mukha nang maalala ang break up nila ang ex nya. “Hayaan mo, besh. Makakahanap ka rin ng matino dahil malaki ang iyong puso at masarap kang magmahal.” Pagbibigay nito ng encouragement sa matalik na kaibigan. Matapos ang ilang oras ay napakaganda na ni Ruanne na humarap kay Shane. Nakita ng dalaga ang pangingislap ng mga mata ng binate. Sino ba naman kasing hindi hahanga sa kanya, maganda kahit walang make- up si Ruanne kaya’t nilapatan lang ng simpleng make- up ito ni Dino. Pinahiram din sya ng royal blue cocktail gown na labas ang mga balikat nya, at humakab sa kurba nyang katwan. Tinernuhan din ito ng fancing kuwintas na nagpatingkad sa kagandahan ni Ruanne. “You’re so beautiful tonight, my princess.” Wikang bati sa kanya ni Shane na ang mga mata ay hindi naalis sa kanya. “Tigilan mo nga ako, Shane. Bolero ka talaga. Halika na at baka matraffic pa tayo.” Nakangiting sabi nay ditto. “Yes, my princess, let’s go.” Saka iginiya sya nito sa kotseng dala nito. Inalalayan sya nito hanggang sa makapasok sa sasakyan. “Hoy, Shane, wag mong ubusin yang kaibigan ko ha. Ibalik mo ng maaga.” Habol na bilin ni Dino. Nagkatinginan sila ni Shane saka sabay na tumawa. That’s the perk of having a good friend, mapagmahal at malalahanin si Dino. Kung hindi lang siguro naging bakla ito, malamang naging sila. Marami nang taong nasa entrance ng hotel nang makarating sila sa venue. Maganda at very organize ang nasabing party. Isinama sya ni Shane sa isang table kung saan naroon si Lulu at ang kadate nito na ka- office mate din nila. Masaya silang nagkukuwentuhan nang biglang umalingawngaw ang boses ng emcee at ipakilala ang mga matataas ang posisyon sa kumpanya, matapos lang ang ilang sandali ay tinawag naman nito ang may-ari at president ng nasabing kompanya. Hindi magkamayaw ang palakpak habang tumatayo sila. Natapos lang iyon ng umakyat na ito sa stage. Lahat yata ng kababaihan ay di maiwasang tumingin sa lalaking ang mukha ay isang Adonis, matangkad at ang maga mata ay tila may hatid na ligaya sa bawat ngitian nito. Binundol nang malakas na kaba ang puso ni Ruanne habanag nakatingin sa stage kung saan naroon ang lalaki. Hindi sya maaring magkamali, ito yung lalaking naakulayaw nya, wala man itong balbas o bigote, pero ang mga pares ng mata nito ay hinding- hindi nya makakalimutan. Hindi na sya mapakali sa kinauupuan pagkatapos, parang gusto nya nang umalis upang hindi na sya nito makita pa. “Are you okay, Ruanne? You looked tense?” alalang tanong ni Shane sa kanya. “Hah? No. May iniisip lang ako.” Pilit ang ngiting ibinigay nya sa binata saka nagkunwaring nag-eenjoy sa party gayong abot- abo tang kaba nya, dalangin nya na hindi sya nito makilala. Isinama sya nina Lulu at Shane para maglibot- libot at makisalamuha sa mga taong kausap naroon, pinaunlakan naman ng dalaga ang paanyaya ng dalawa para hindi sya mabagot at para maiwasan narin ang kakaisip sa lalaki na bigla ring nawala matapos itong maging busy upang asikasuhin ang mga bisita nito. Sa hall ng hotel ay sumama sya sa iba pang kaofficemate na nagpopost sa isang photo booth para sa isang memorable photo nang biglang may humila sa kanya, nagkahiwalay tuloy sila nina Lulu at Shane. Nagulat pa sya sa biglang paghablot ng braso nya at paghila sa kanya sa may kadilimang bahagi ng hall ng hotel. “Sino ka bang--?” nawian sa ere ang sasbihin nya nang makita nya ng mabuti ang taong humatak sa kanya papalayo sa mga katrabaho. “Did you miss me, Darling?” malamyos ngunit matiim ang bigkas ng baritonong boses na iyon? “Sir Paco? B-bakit po?” nauutal nyang sabi habang nakatitig sa guwapo ngunit misteryoso nitong anyo. “Sweetie, don’t try to be ignorant. Uhummm, I really miss your lips.” Bulong nito na inilapit pa nang husto ang mukha sa kanyang kanang tenga. Halos manindig ang mga baalhibo ni Ruanne sa dakong iyon, kakaibang sensasyon ang dala nito sa kanyang balat. Ngunit hindi sya nagpadala dito saka nya iniiwas ang mukha para hindi makalapit ng tuluyan sa lalaki. “Sir, hindi ko po alam ang sinasabi nyo. Pupunta na po ako sa mga kaibigan ko baka hinahanap na nila ako.” Pag-aalibi ni Ruanne para makatakas sa binata ngunit tila yata bingi ito sa kanyang pakiusap. “Lady, don’t try my patience here, okay. Let’s go somewhere, we will talk.” Malamyos pero matigas ang pagkakasabi nito sa kanya. “Wala po tayong dapat pag-usapan. Aalis na po ako, Sir.” Madiin namang sabi ni Ruanne, kailangang nyang maging firm sa sarili nya bago pa mahulog sa bitag ng lalaki. “Go and do it, honey. You don’t know what I can do.” Tiim- bagang na sabi nito sa kanya. Naiinis si Paco dahil mukhang hindi man lang sya nito naalala samantalang sya ay halos araw- araw itong naiisip at laging bumabalik sa balintataw ng binata ang magandang anyo ng dalaga. Hindi pinansin ng dalaga ang sasabihin pang iba ng lalaki, ang gusto nya ay makatakas sa paningin nito dahil kung hindi nya iyon gagawin, baka tuluyan na syang bumigay sa binata. Ramdam nya kasi sa sarili na malapit na syang ipagkanulo ng sariling damdamin. Kanina lang nang makita nya ito ay halos tumalon ang puso nya at napagtanto na ito ang bumihag sa puso nya. Nang nasa karamihan na sya ay nakarinig sila ng muling pagsasalita ng emcee. Nais nito na ang lahat ay bumalik sa kanilang upuan bago magkasayahan muli. Tumalima naman ang lahat at saka muling nakinig sa announcement ng emcee. “Ladies and gentlemen, I am giving the floor to our very own President and CEO, Sir Ralph Paco Velasquez. I think he is going to announce something special for this evening. Let’s give a round of appluse.” At nagpalakpakan nga muli ang mga tao doon. Tumayo muli ang binata saka tiningnan ang paligid, dumako ito sa kinauupuan nina Ruanne. Matiim itong nakatitig sa kanya na ikinabilis ng t***k ng puso ng dalaga. Si Lulu naman ay kilig na kilig, akala nya ay sya ang tinititigan nito. “Well, good evening again. I don’t want to cut your enjoyment, but I think you will also be glad with my 2 announcement. First, I’m proposing to our Finanacial Head Department about adding some incentives to your salaries and daily allowances..” ngiti nito sa mga naroon nang biglang umalingawngaw ang masigabong palakpakan. “I think it’s time for the company to give all of you a little bonuses so that you can bring home enough salaries for hour families.” Dagdag pa nito na ikinatuwa ng marami doon. “My second announcement is that I’m going to get married.” Nakangiti paring wika nito sa mga naroroon. Ang karamihan ng mga kababaihan ay nalungkot ang mukha, ang iba naman ay masaya. Paano naman kasi halos lahat ng kadalagahan ay nangangarap makaulayaw ito, lalo na si Lulu. Sa gilid naman ni Lulu ay tahimik na nalungkot at nadismaya si Ruanne, kanina lamang ay halos halikan at yakapin na sya nito, tapos yun pala ay ikakasahal na ang damuho, buti na lamang ay hindi sya bumigay. Kung hindi pala ay magmumukha syang tanga dahil tatawanan lang sya nito. Gayunpaman ay nagpalakpakan parin ang mga ito para sa kanilang boss. “Well, I’d like to call the woman who made me insane all night and day.” Medyo natatawang sabi nito Nagkabulungan at nag-aabang ang lahat. Ibig sabihin ay naroon lamang ang fiancée nito. “Let me call on the stage, Ms. Ruanne Pineda.” Nakangising sabi nito nang dumako ang mga mata sa kanya, saka ang spotlight ay napunta sa kinaroroonan nila. Halos mamula ang mukha ng dalaga, hindi nya inaasahan ang lahat ng ito. Ang lahat ng mata ay nakadako sa kanya habang may lumalapit na waiter at may hawak na bouquet of flowers saka inilahad nito ang kamay sa kanya habang ito ay nakangiti. “Shall we go, Ma’am? Your fiancé is waiting for you at the stage.” Sabi pa nito na ang tingin ay hindi inaalis sa kanya. Hindi nya malaman ang gagawin, nagpalipat-lipat ang mga mata nya kina Lulu at Shane na parehong nagtataka sa mga rebelasyong wala man lang sinabi ang dalaga. Gusto nyang umalis at maglahong parang bula sa mga oras na iyon, pero paano nya gagawin kung ang lahat ay sa kanya nakatingin. Wala syang nagawa kung hindi kunin ang mga bulaklak at humawak sa palad ng waiter na naghihintay sa kanya. Iginiya sya nito sa gitna at iniabot ang kamay nya kay Paco na naghihintay sa taas ng stage. Malaki ang pagkakangiti nito at tila sya ay naisahan. Ito siguro ang sinasabi nya kanina, tuloy nagsisisi sya, kung sana pinagbigyan nya ito kanina, siguro ay hindi ito gagawa ng ganoong eksena. Halos nanginginig ang buo nyang kalamnan dahil sa lamig na nanonoot sa kanyang balat, at dahil sa tila pagkapahiya sa mga taong naroroon. Nang nasa stage na sya ay masuyo syang inilalayan ng binata at hinapit sa kanyang baywang na hindi iniaalis ang malagkit na titig nito sa kanya. Nagpalakpakan naman ang mag naroroon at binate pa sila ng congratualations, pinatunog pa ng mga ito ang kanilang mga baso at kopita upang humingi ng halik mula sa dalawa. Hindi naman nabigo ang mga ito nang unti- unting ilapit ni Paco ang mga labi sa labi ng dalaga at masuyo sya nitong hinagkan. Naging matagal iyo na halos ikapugto ng hininga nilang dalawa. Lasang- lasa ni Ruane ang mint at alak mula sa bibig ng lalaki. Pulang- pula ang kanyang mga pisngi matapos ang matagal na halik na iyon. Matapos iyon ay inalalyan na sya nitong bumaba sa stage at hindi na pinakawalan pa ang kanyang kamay habang nasa likod sya at ang iba naman ay kumakamay sa kanila. “Let’s sit, darling. I think you get tired.” Masuyo ngunit may pilyong ngiti sa labi nito na nagsasabing nanalo sya. Sinimangutan nya ang lalaki at inis sya sa ginawa nitong hakbang. Wala naman talaga silang relasyon, bukod pa doon, minsan lang sila nagkaroon ng ugnayan, yun ay noong inangkin sya nito sa isang hotel nang mga paanhong kailangan nya ng pambayad ng matrikula. Hindi naman sya pinansin ng lalaki at tumabi lang sa kanya saka pinisil pa ang kanyang kamay na hindi nito inaalis sa pagkakahawak. Hindi naman na pumalag ang dalaga dahil aprang wala din naman syang magagawa, nasa public place sila at kung gagawa sya ng eksena ay baka ito pa ang mapasama. Ayaw nyang kamuhian sya nito kaya’t nagpatianod nalang sya sa gusto nito. Matapos ang party ay pinuntahan sya ni Shane habang abala si Paco sa pagpapaalam sa mga taong dumalo sa party na iyon, sya naman ay matamang nakatingin lang sa mga ito. “Ruanne, let’s go, ihahatid na kita.” Sabi nito nang makalapit sa kanya. Paco heard that even he was talking to few people. Hinarap nya si Shane at matiim na tinitigan ito. “You see, she’s my fiancée, so better back off. I’ll be the one to bring her home.” Maawtoridad na bigkas nito. “Ah, sir, ako po kasi ang kasama nya kanina kaya baka hanapin sya sa kanila kung hindi ko ihahatid agad.” Matigas ding wika ni Shane pero puno parin ng respeto sa kausap. “Don’t you get it, man? I sadi I’ll take her home.” His voice with finality. Si Ruanne na ang gumawa ng paraan upang matapos na ang diskusyon sa pagitan ng dalawa. Ayaw nya nang pahabain pa ang tensyong namamagitan sa mga ito. “Sige na, Shane. Akon a ang bahala dito. Sya na ang maghahatid sa akin. Don’t worry everything is fine.” Sabi nya sa binatang kaibigan na halata ang pag-aalala sa mukha nito. “Tawagan mo nalang ako pag nakauwi ka na, okay. I’ll go ahead hinihintay na ako ni Lulu sa labas.” Ago ito lumabas ay tumingin muna kay Paco at diretso ng tinalunton ang patungong exit hall. “Kung makaastaay boyfriend mo yung mokong na yun ah, baka gusto nyang mawalan sya ng trabaho.” Inis na wika ni Paco habang iginigiya sya nito sa mamahaling sasakyan. “Wow, nasabi mo talaga yan. Sino ba dito ang pretending na fiancé ko? Ikaw ba o si Shane?” nakangusong sabi ni Ruanne na hindi nagustuhan ang pananalita ng binata. “You’re testing my patience, sweetheart. Sinubukan mo ako kaya binigay ko kung anong gusto kong mangyari.” Nakangisi nitong sabi. Hindi na nagsalita si Ruanne at humalukipkip nalang sa tabi ng binata na nagdadrive na ng mga oras na iyon. Tinulugan na laman nya ito dahil pagod narin ang katawan nya. Pinasibad naman ng lalaki ang sasakyan ng makitang nakatulog na ang kayang prinsesa. “Akin ka, and no one will take you away from me, my lady.” Bulong pa nito habang nagdadrive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD