Sa sobrang pagod ay hindi na naramdaman pa ni Ruanne na kinarga sya ni Paco patungo sa kuwarto ng condo nito. He managed to put her into his bed without letting her woke up. Ayaw nyang abalahin pa ito sa pagtulog kahit pa sabik na sabik ang kanyang mga kamay na yakapin at ikulong ito sa kanyang mga bisig. Mahal nya ang dalaga at gusto nyang ipadama ang respeto ditto kahit pa nga may nangyari na sa kanila. Hinding- hindi nya sasamantalahin ang pagkakataong iyon para sa sariling pangangailangan. Gusto nya kasing hayaan na ito ang magbigay sa kanya ng sarili ng hindi pinipilit o anupaman. Nagkasya na lamang syang dampian ito ng halik sa noo saka tumabi dito ng buong ingat at natulog narin dahil sa pagod na dulot ng ginanap na party.
Kinabukasan ay napabalikwas si Ruanne ng gising nang mapagtantong wala sya sa kanyang silis at hindi ang mga kapatid ang katabi nya kung hindi si Paco na nakayakap pa sa kanya. Unti- unti ay pinagmasdan nya ang natutulog na binata, napakaguwapo nito kahit na natutulog, ang sarap halikan ng mapupulang labi, pero sinawat nya rin ang sarili at tiningnan ang kabuuan ng kuwarto. Malaki ito pero minimal lang ang mga gamit, kasya nga sa kuwarto nito ang buong bahay nila. Dahan- dahan nyang inalis ang bisig nitong nakayakap sa kanya at nang makita nyang hindi sya nito ginalaw o pinalitan ng damit ay saka lamang nya napagtanto kung gaano kamaginoo ang binata. Nakakatuwang isipin na kahit pa may nangyari na sa kanila ay iginalang parin nito ang kanyang p********e.
Naligo muna si Ruanne at kumuha ng pamalit sa mga damit ni Paco, sinuot nya ang oversized nitong t-shirt at boxer shorts saka dumretso na sa kusina. Walang tao doon so ibig sabihin ay silang dalawa lamang. Marahil ay hindi pumasok ang katulong nito ng aarw na iyon dahil Linggo. Pumunta sya sa ref at binuksan ito, nakita nyang marami namang pagkain kaya’t nagluto na lamang sya ng ham, bacon, egg at toasted loaf bread. Kumpleto kasi sa kagamitan ang kusina ng binata, bukod sa elegante ang pagkakagawa nito ay ang sarap magluto doon, hindi katulad sa bahay nila na gasul lang meron sila at walang masyadong gamit dahil sa kahirapan.
Napapitlag si Ruanne nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran nya.
“Ay pusang gala. Ano ba, nakakagulat ka.” Sabi nya sa lalaki na kahit kagigising ay mala Adonis parin ang dating Ngayun nag ay nakaboxer shorts na ito at mukhang kaliligo.
“Uhuumm. Mukhang ang sarap ng niluluto ng asawa ko ah.” Sabi nito sabay kintal ng halik sa kanyang leeg na nagpabilis ng t***k ng puso nya.
“Ano ba, ang aga mong nambobola. Saka asawa agad eh hindi pa nga tayo magboyfriend.” Sawata nya sa lalaki na pinanlakihan nya pa ng mga mata.
“Darling, we’re engaged right? Do I have to court you stiil even if I already made love to you?” nakangising tanong nito sa kanya.
“Ibang usapan iyon. Binayaran mo ako noon at ngayon naman tinakot mo ako para maging fiancée mo. Gusto kong ligawan mo muna ako bago ako sumunod dyan sa kasal na gusto mo.” Simangot nya habang itinaas pa ang nguso.
“Okay, as you wish, my sweetie pie. Wag mo nalang babanggitin yang walang kwentang pera na yan.” Medyo uminit nag ulo nito sa tinuran nya.
“Pero totoo naman yun, Paco, diba? We’d met because I needed money and you needed someone to allure you. Hindi na kailanman mababago yun.” Malungkot ang tinig ng dalaga habang binabanggit ang kanilang nakaraan.
“Psss. Stop there, sweetheart. That may be God’s way for me to meet you and what happened to us is what I always cherish. I,m happy that I am finally holidng and hgging you like this.” Sabi pa nito saka sya niyakap ng mahigpit.
Wala nang nagawa ang dalaga at nagpatianod na sa yakap at halik ng lalaki, pero bago pa man sila makalimot ay bahagyang itinulak nya ang lalaki nang maramdaman ang kakaibang init sa katawan nito at ang matigas na bagay na bumubundol sa kanyang puwitan.
“Tama na nga yan. Halika na at tikman mo ang niluto ko saka ihatid mo na ako dahil nag-aalala na sina Lola sa akin.” Saway nya sa lalaki na pilit paring hinahagkan ang leeg at tenag nya.
“Ikaw nag gutso kong almusal, sweetie.” Lambing pa nito.
“Paco, pwede ba, kung talagang gutso mong magtagal tayo saka na natin gawin ang gusto mo, okay?’ sabi pa nya.
“Yes, me dear. Ikaw ang masusunod kahit masakit na sa puson ko. Teka punta muna ako ng CR, hindi ko na kaya eh.” Nagkakamot na sagot nito.
Natatawang naiwan si Ruanne. Kung tutuusin, pwede nya ng ibigay ang gusto nito kaya lang nag-aalanagn pa sya dahil baka masaktan lang sya. Hindi nya pa lubos na kilala ang binata at kagabi lamang ito muling nagpakita sa kanya. Gayunman, gusto nyang bigyan ng pagkakataon ang sarili na magmahal lalo pa sa taong napag- alayan nya nang sarili. Maaring maraming maging hadlang sa kanilang pagmamahalan, natitiyak nyang susubukan nya itong paligayahin sa paraang kaya nyang gawin.