Matapos nga ang pagkain ng almusal ay bumiyahe na sila pauwi ng bahay nina Ruanne. Habang nasa biyahe ay palihim na tinititigan ng dalaga ang binata. Napakasarap kasi nitong titigan, ang mukha ay hindi nakakasawa at ang hubog ng katawan ay talagang pagpapantasyahan ng mga kababaihan. Naalala nya tuloy nang mga panahong inagkin sya ng binata, halos mabaliw sya sa kasiyahang idinulot nito sa kanya kahit panadalian lamang, ang mga haplos nito at halik ay tila nakabakat na sa kanyang katawan kung kaya’t hindi nya makuhang magmahal ng iba. Hindi nya man inasahan na magkikita silang muli at aariin sya nitong kanyang nobya ay talagang abo tang kanyang kaba at saya. Sa sulok ng kanyang isip, iniuusal nya n asana hindi na matapos ang kaligayahang naradama.
“Babe, baka naman matunaw na ako nyan. Hindi ko pa nakikilala ang pamilya mo pero feeling ko ubos na ako pagdating sa inyo.” Biro nito ng mahuli ang kanyang mga titig. Kanina pa pala ito sumusulyap sa kanya gamit ang side mirror.
“Pwede ba, mister, wag masyadong assuming.” Lumabi sya dito para itago ang pagkapahiya. Kinakabahan at lalaong kumalabog ang puso nya sa tuwing tititigan sya ng binata.
‘Okay lang yan, mahal ko, sayong- sayo lang naman ako at hindi nay un magbabago.” Kinindatan pa sya nito bago muling tumingin sa daraan nila.
Nakarating nga sila ng maayos sa lugar nina Ruanne, ngunit dahil maliit ang eskinitang papunta sa kanilang bahay ay ipinarada na lamang nito ang sasakyan sa tapat ng salon ni Dino. Nagulat pa ang binata na iba ang kasama nya ng araw na iyon. Ipinakilala nya ito dito sa paraang alama nya.
“Ah, Dino, si Paco nga pala, ang boss namin ni Shane. Paco, ang best friend ko, si Dino.” Pagpapakilala nya sa dalawa.
“Pare, nice to meet you, by the way she forgot to say I’m her fiancé.” Nakangiting bati nito sa baklang kaibigan ni Ruanne na tila namagnetize sa kaguwapuhan ni Paco.
“What?!! OMG, hindi mo sinasabi na may ganito ka kaguwapong boyfriend, besh. Magtatampo na talaga ako saiyo nyan.” Nakatikwas ang ngusong sagot ni Dino nang makahuma sa pagkakatulala.
“Hah, ah eh, kasi, saka ko nalang ipapaliwanag. Wag kanang magtampo, okay? Basta lalabas tayo one of these days, ikukwento ko sa iyo.” Paniniyak nya pa sa kaibigan na tila hindi sya pansin kundi nakatitig parin kay Paco.
“Babe, shall we go? I want to meet your family.” Bulong ni Paco sa dalaga habang ang braso ay nakahapit sa baywang nito.
“Dino, besh. Pupuntahan kita uli mamaya, mag- usap tayo. Kelangan kasi naming umalis na. heto nga pala ang gown, mamaya na ang bayad, okay?” paalaam nya sa baklang kaibigan sabay abot ng paper bag na naglalaman ng gown.
Kinuha nito ang paper bag saka ngumit sa dalawa. Inihatid nya ng tingin ang dalawa habang akbay na Paco si Ruanne at binagtas ang eskenitang patungo sa kanilang bahay. Habang naglalakad ay pinagtitinginan sila ng mga tao, ng mga usyosero sa kanilang paligid. Nang matapat sila sa bahay ng ama ay nagisnan nila ang tiyahin nya, ang asawa ng kanyang ama, na nasa labas at nagdididlig ng halaman. Nakita sila nito at tinaasan ng kilay si Ruanne.
“Abay, nakabingwit ka yata ng matabang isda, Ruanne? Mukhang yayamanin yang kasama mo.” Parunggit nito sa kanila.
“Pwede ho ba, wag kayong magsimula dahil hindi ko pinapakialaman ang buhay ninyo.” Inis nyang sagot dito, “Halika na, Paco. Wag mo syang pansinin.”
“Kay yabang mo naman. Nakapagtrabaho ka lang ganyan ka na. Tandaan mo may utang na loob ka parin sa amin at sa tatay mo. Kung hindi sa pagpapatira namin sa bahay na yun ay baka sa bangketa kayo pulutin!” sigaw nito sa kanya nang akma na silang aalis.
Hindi nakapagtimpi si Paco at nilapitan ang ginang.
“You, whoever you are, don’t you dare treat my woman like that. Baka gusto mong kayo ang sa bangketa pulutin. I can buy this whole land and give it to her.” Inis na pagbabanta ni Paco sa ginang na nakaramdam ng takot at kaba.
Tinawag nito ang ama ni Ruanne, ngunit mabilis ng hinila ng dalaga ang binata dahil marami ng nakikiusyoso sa kanila. Hindi narin nila pinansin pa ang tawag ng kanyang ama na galit na galit sa kanya.
“Hindi mo n asana pinatulan ang isang iyon.” Wika nya sa binata habang hatak ito sa kamay.
“Who’s that woman anyway?” inis paring wika nito.
“Asawa ng tatay ko, anak kami sa labas at pinatitira sa bahay nila.” Saka dinala ang binata sa loob ng maliit nilang bahay. “Maupo ka muna dyan at tatawagin ko sina Lola.”
Nalukot ang mukha ni Paco nang makita kung gaano kaliit ang bahay na tinitirhan ng nobya. Nalungkot din sya dahil sa maling trato ng madrasta sa mga ito. Habang pinagmamasdan ang kabuuan nang maliit na kabahayang yari sa bato at kahoy, napansin ni Paco ang larawan ni Ruanne na nakasuot ng toga, graduation picture ito ng dalaga sa kolehiyo. Nakita nya ang kasiyahan sa magandang mukha nito na nagpatibok sa kanyang puso.
“I promise to get you out from here.” Bulong ng binata habang nakatitig sa larawan nito na puno ng pagmamahal.
Ilang sandali pa ng paghihintay ay lumabas mula sa kusina ang lola nito habang akay ni Ruanne. Kasunod rin nila sa likod ng mga ito ang kambal na sina Jessa at Jessie.
“Good morning po.” Masayang bati ni Paco sa matanda na nagmano pa.
“Magandang umaga din naman sa iyo.” Bati rin ng matanda bago tumingin kay Ruanne. “Sya ba ang sinasabi mong nobyo mo, Ruanne?”
“Ah, oo lola, si Paco, sya rin po ang boss ko sa trabaho.” Alanganin ang ngiti ng dalaga habang ipinapakilala ang binata. “Jessa at Jessie, ang kuya Paco nyo. Paco, ang mga kapatid ko.”
“Natutuwa po akong makilala kayo.” Sambit nito sa mababang boses.
“Ah, sige , maupo ka iho at nang makapag- usap tayo. Hindi ko kasi alam na may nobyo na pala itong si Ruanne. Akala ko nga ay si Shane ang tinutukoy nya at yun lang naman ang naglalakas- loob na pumarito.” Kwento ng matanda habang sila ay nag-uusap.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Ruanne ang pag-igting ng panga ng binata. Nagpapakita ng pagkadisgusto sa nalaman. Hindi na lamang pinansin ng dalaga ang seryosong mukha ng binata at mukha itong nagseselos sa tinuran ng lola nya. Niyaya nya na lamang itong magmeryenda na ipinahanda nito sa kambal, ngunit bago ito makakuha ng sagot ay biglang nagring ang phone nito at lumabas sandali para sagutin. Ilang sandaling hindi pa bumalik sa loob ang nobyo ay sinundan ito ng dalaga, naisip nyang baka nagtampo ito sa narinig sa lola nya kanina. Natagpuan nya sa labas ito na may kausap aprinsa telepono kaya nilapitan nya na ito at hinawakan sa kamay.
“Mamang pogi, ang busy mo naman. Halika na at kumain po sa loob.” Nakangiti nyang wika dito na ikinakilig naman ng lalaki.
Tinapos lang nito ang sinasabi sa kausap saka humarap sa kanya.
“Babe, I’ll get straight to the point.” Wika nito saka nagpakawala ng malalim na buntunghininga.
“Paco, kung yung tungkol kay Shane, magkaibigan lang kami, okay. So wag ka nang magalit dyan.” Nag-aalalang sabi nya sa nobyo.
“No, not that one. Alam ko namang I am more than enough for you.” Ngisi nito sa kanya.
“Concieted, hump.” Simangot na sabi ng dalaga saka hinablot ang kamay sa binata.
“Okay, patapusin mo muna ako.” Saka hinawakan muli sya sa dalawang kamay. “I found a place for you and your family. I want you and your family to get out of here. Hindi ako mapapalagay kung kahit isang gabi ay ditto ka parin matutulog.” Mahabang paliwanag nito habang ang mga mata ay malamyos na nakatitig sa dalaga.
“Hindi pa pwede, wala pa akong pera para dyan. Gustuhin ko man, wala akong pangdown.” Malungkot nyang sabi ditto. Totoo gusto nya naring umalis sa lugar na iyon para hindi na makita pa ang ama at ang pamilya nito na patuloy na humahamak sa pagkatao nila, dagdag pa ang hindi magandang environment doon. Marami kasing taong nakatira at dikit- dikit pa.
“I’ll take care of it. Basta sumama na kayo sa akin ngayon.” Seryoso parin nitong sabi.
“Naku, hindi, ayoko, Paco. Ano nalang iisipin ng mga tao sa akin, na hinuhuthutan ko ang boyfriend ko. I can’t accept it.” Matigas na tanggi nya sa alok nito.
“Okay, ganito nalang, I’ll pay the rent now, and then you will pay me back, okay? Gusto ko lang na makasiguro na safe ka at mga kapatid mo, lalo na ang lola mo, kailangan nya ring ng maginhawang lugar. Please, accept it and pay me later, kahit hulugan, okay lang.” pagsusumamo ng binata dito.
Nakuha naman ng dalaga ang nais nitong ipahiwatig kaya’t ayaw man nya na ito ang gagastos paa makaalis sila sa lugar na iyon ay tinaggap nya narin ang alok nito. Tama rin naman kasi ito, hindi na bumabata ang lola nya at kailangan na nito ng kaayusan sa buhay.
“Okay, pero tatanggapin mo ang bayad ko ha?” paniniyak ni Ruanne sa binata. Nguniti na lamang ito at itinaas ang kamay saka sya ikinulong sa mga braso nito. Kinintatal din sya ng mabining halik sa kanyang buhok. Umaliwalas din ang mukha nito dahil napapayag sya na umalis narin sila kaagad doon.
Bago magdapit-hapon ay nakapag- empake na sila ng mga importanteng gamit nila. Sinabi ni Paco sa kanila na huwag ng mag- abala pa na magdala ng mga gamit dahil sa tutuluyan nila ay kumpleto na kaya tanging mga damit at mahahalagang dokumento lang ang dinala nya pati ang mga alaala ng kankyang yumaong ina. Noong una ay ayaw pumayag ng matanda na sila ay umalis ngunit nabanaag nito ang sinseridad sa lalaki at ang pagnanais din ng kanyang apo na magkaroon sila ng mas komportableng bahay. Matapos nga ang kanilang pag- eempake ay dumating na ang tinawagan ni Paco na susundo sa maglolola, si Mang Gener na kanyang driver at dala nito ang kanyang itim na van na ipinark lamang nito sa tapat ng salon ni Dino. Ilang sandal pa ay binuhat na nila ang mga gamit at damit, umupa si Paco ng mga taong tambay doon upang dalhin ang mga maleta at bag ng mag-anak. Nadaan nila ang ama na matigas ang mukhang nakatingin sa kanila habang sila ay papalapit sa kinaroroonan nito. Magkaakbay naman sina Ruanne habang binabagtas ang pabalik sa kotsne ng binata dahil doon siya sasakay habang ang lola at mga kapatid nya ay kay Mang Gener sasabay. Nang tumapat na sila sa luar ng ama ay madilim ang mukha nitong nakatunghay sa kanila.
“Mukhang aalis ang ingrata kong anak at hindi man lang marunong magpasalamat at magpaalam.” Matiim ang pagkakasambit nito.
Kinuha ni Ruanne ang susi sa kanyang shoulder bag at ibinigay ito sa ama.
“maraming salamat sa pagkupkop mo sa amin, pero hindi ko parin makakalimutan ang lahat ng ginawa ninyo sa amin. Wag kayong mag-alala, pag maginhawa na ako, babalik ako para bayaran ang siansabi nyong utang na loob.” Sakmat ang sakit ang puso nya habang sinasabi iyon sa ama, saka walang lingong- likod na dumeretso patungo sa sasakyan ni Paco.
Sa likod naman nya ay mataman lamang na nakikiramdam si Paco, habnag ang lola nya ay iiling- iling sa iniaasal ng kanyang anak. Sa totoo lang, napakalaki ng kasalanan nito sa pagpapabaya sa kanila. Halos si Ruanne na at ang pangungutang ng lola nya ang naging dahilan para kahit papaano ay mabuhay sila, samantalaang sina Jessa at Jessie naman ay nagkakatulong sa mga kapitbahay para may ipambili ng pagkain o pangbaon-baon nila. Sa ganoon sila nabuhay, samantalang ang ama niya ay tapunan- dili sila ng makakain at pinakamasakit pang ginawa nga nito ay ang nakawan sya ng pera para sa anak nito sa tunay na asawa. Wala naman sanang naging problema kahit hindi sila masyadong tinutulungan ng ama, pero ang tiisin at alipustahin ng pamilya nito ang pinakamasakit sa kanila habang ang ama nya ay walang ginagawa upang ipagtanggol sila, bagkus ito ang kasama ng pamilya sa pang-aalipusta sa kanila. Naging masalimuot man ang kanilang nakaraan, sisiguruhin ni Ruanne na hindi na sya muling babalik sa ganoong sitwasyon, hindi na sya magpapaalipusta pa sa pamilya ng ama, kahit na ano pang mangyari. Pangit man sa paningin ng mga tao, linunok na ni Ruanne ang kanyang pride at tinaggap ang alok ng binata kaysa habang buhay na maging mababang uri para sa pamilya ng ama.