Ilang oras din ang binabay nila hanggang sa makarating sila sa isang subdivision na malapit lang sa pinagtatrabahuan ni Ruanne. Doon sa labas ng gate ay inihimpil nina Paco at Mang Gener ang kanilang mga sasakyang dala. Sa labas palang ng gate ay makikita ang isang duplex style na apartment, up and down ito pero may kaluwangan din. Maganda ang pintura ng bahay pati na ang pagkakaayos ng garden sa labas at gilid ng gate. Simple pero maganda ang dating nito. Sa loob naman ay may tatlong kuwarto ito, isa sa baba at dalawa sa taas, may kusina na tama lang ang kalakihan kung saan ang dining table ay narron narin, at may sala rin ito para sa mga bisita. Tama ang sinabi ni Paco dahil sa pagkakasuyod ni Ruanne sa loob ng bahay ay halos wala na silang kailangang bilhin, lahat ay naroon na, sala set, TV, washing machine, ref, oven, gas range, airon sa isang kuwarto at kung anu- ano pa na halatang bago ang lahat.
Nang mapagtanto ni Ruanne na halos lahat ng gamit ay bago pa, pinanliitan nya ng mata ang nobyo at kinompronta ito. “Paco, ano ito? Halos lahat bago? Sabi mo may gamit na talaga ito, eh mukhang kabibili lang at may mga tag price pa yung iba.”
“Kasi, Ruanne, babe, I don’t want you to get worried na walang laman itong apartment so I asked my friend to buy all these para pagdating natin, okay na.” nagkakamot sa batok na paliwanag nito.
“No, hindi mo naiintindihan, ang laki ng babyaran ko nyan sa iyo pag nagkataon. Baka matanda na ako hindi pa kita nababayaran.” Inis nyang sabi ditto habang nakatutop ang kamay sa noo.
“Nah. No worries, you can pay that tonight, darling.” Lambing nito saka ipinulupot ang mag kamay sa baywang nya.
“So, nagakaalman na tayo, pambayad talag ang katawan ko.” Singhal nya ditto saka akmang bibitaw sa pagkakayakap ng binata.
Naagapan ito ng lalaki kaya mahigpit syang ikinulong sa bisig nito, “It’s just a joke, Babe. You know that I can get you to bed even without all of these, right?” sabi nito habang itinataas ang baba nya upang magtama ang kanilang paningin.
Naghinang nga ang kanilang mga mata, at unti- unting sinakop ng labi ni Paco ang labi ng dalaga. Hindi tumutol si Ruanne, bagkus ninamnam nya ang bawat hagod ng halik nito sa loob ng kanyang bibig. Ilang Segundo silang nasa ganoon nang mabungaran sila ni Jessie na napakamot sa nakita. Naging daan iyon para maputol ang kanilang pagnamnam sa isat isa.
“Ah, ate, san ba naming dadalhin ang mga gamit mo? Gusto daw ni lola at Jessa dito sa baba, kasi matanda na si lola.” Hinging paumanhin nito.
“Jessie, sa tapat nalang ng terrace ang ate mo sa taas para hindi ko kayo maiistorbo kung sakaling mamasyal ako ng gabi dito.” Makahulugang sabi ni Paco saka kumindat pa kay Ruanne.
Hindi naman tumutol ang dalaga pero inirapan nya ang binata, nakikita kasi nito sa kanyang isip ang kakaibang nais nitong gawin.
“Hummp, dyan ka na nga at aayusin ko lang ang mga gamit ko sa taas. Bumili ka na rin kaya ng pagkain, lubusin mo na ang pagtulong at nagugutom na ako. Babawi nalang ako sayo mamaya.” Sabi ni Ruanne na ang ngiti ay nakakahumaling.
Nanlalaki ang mga mata ni Paco ng maiwan sya. Naabsorb agad ng utak nya ang nais nitong ipahiwatig at lihim syang ngumisi. Mukhang magiging masaya ang gabi niya. Masaya at magaan ang pakiramdam nito habang lumalakad papunta sa kotse. Bibili sya ng maraming pagkain para mabusog ang pamilya ng babaeng pinakamamahal.
Matapos ang masaganang hapunan, pinagkape ni Ruanne ang binata habang sila ay nasa terrace sa loob ng kuwarto nito, doon ay magkatabi nilang pinagmamasdana ang kagandahan ng kalangitan habang ang kanilang mga kamay ay magkasugpong at tila ninanamnam ang pagkakalapit ng kanilang mga balat.
“Are you happy?” tanong ni Paco sa kasintahan habang nakatitig dito.
“Very happy. Thank you, Paco. Maraming salamat sa pagtulong, maraming salamat sa pagtanggap mo sa pamilya ko.” Marubdob na wika ng dalaga habang pinipisil ang kamay ng binata. Nais nyang ipahatid ditto ang kasiyahan ng pagkakalaya sa pook na gusto niyang takasan na.
“Everything for you, my lady. Lahat gagawin ko para maging masaya ka.” Wika nito.
Ngumiti ang dalaga saka tumabi ng mabuti sa lalaki. Iniangkla niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito saka siniil ng halik ang labi ng binata. Para namang sinilaban sa init ng pagkakahalik si Paco kung kaya’t hinid nya napigil ang saril at dahan- dahan nyang kinarga ang dalaga at dinala sa kuwarto nito. He put her on the bed and slowly showered her kisses through her nape down to her neck, edges of her shoulder blades until his lips returned to give her a deepening kiss through her lips. The sensation brought by those kisses electrified her that she could not eve breathe properly. He heart was beating fast while the movement of his hands really gave her goosebumps on her skin. That night, they made love, their body became one, their souls locked into an everlasting emotion of love and satisfaction. Then they slept together with smile and happiness written all over their eyes.