Nagmamadaling tumakbo papunta sa salon ng kaibigan si Ruanne. Habang daan ay panay ang himas nya sa nangangapal na pisngi. Hindi parin tumitigil ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Pagkakita sa kaibigan ay yumakap sya rito saka humagulgol ng iyak.
“Anong nagyari, beshie? Bakit cry ka ng cry, saka anong nagyari sa pisngi mo?” pag-aalalang tanong ni Dino, ang baklang best friend nya na tanging nakakaunawa sa mga pinagdadaanan nya sa buhay.
“Si Tatay kinuha yung pangbayad j=ko ng tuition para lang sa paborito nyang anak. Grabe, Dino, inipon ko yun ng anim na buwan. Ano ngayun ang ibabayad ko para sa Finals at graduation ko?” wika nya habang humahagulgol sa balikat ng kaibigan.
“Grabe naman talaga yang tatay mo, pinabayaan na nga kayo eh nanakawan ka pa. Hays, talaga naman ang mga magulang, sila pa ang nagiging problema sa mundo.” Himutok din nito habang inaalo ang kaibigan.
“Beshie, ang problema ko paano na ako makakapagtake ng exam nito sa Thursday. Kelangan kong bayaran yung mga utang ko at tuition bago nila ako payagang mag- exam.” Dagdag pa nya habnag wala parin tigil sa paglandas ang mga luha sa kanyang mga pisngi.
“tahan na, beshie. Makakagawa din tayo ng paraan para makapagtake ka. Sukdulang ibenta ko ang kaluluwa ko para makgawa lang ng magkano ba kailangan mo? Kunot noong tanong nito sa kanya.
“P20, 000.00 ang need ko para mabayaran lahat ng mga utang ko sa university.” Walang kagatol- gatol na sabi nya na kinabigla ng baklang kaibigan.
“Anow? What? My dear, saan tayo kukuha ng ganung kalaking halaga?” tili nito saka napatayo sa upuan.
“Hindi ko rin alam. Nakakapagod mag-isip, beshie.” Wika nya habang pinupunasan ang luhang tumutulo sa kanyang mga mata.
“O sya, sige, tumahan ka na. Kahit mag-iiyak ka dyan ay hindi tayo makakakuha ng 20 mil. Kung gusto mo ipakulong natin ang tatay mo.” Nakapamewang na suhestyon nito.
Tumayo si Ruanne sa pagkakaupo saka tinitigan ang sarili sa body mirror na nasa dingding. Hinimas nya ang namamagang pisngi.
“Kung sana ganun lang kadali ang lahat, Dino, pero mas lalo lang akong kakamuhian nun.” Lungkot na lungkot na sabi nya.
“Eh, ganun naman pala, so no choice tayo kung hindi maghanap nalang ng ibang solusyon. Kaya lang hindi ka makakapasok sa trabaho mo dahil dyan.” Tro nito sa pisngi nya.
“May make- up ka diba? Gawan mo ng paraan.” Utos nya nalang sa kaibigan.
Ginawan nga ng paraan ni Dino na kapalan ang make- up nya para hindi mahalata ang pamamaga nito. Magaling kasing make- up artist ang kaibigan at natuto rin sya sa mga ginagawa nito kaya kapag wala syang pasok sa school o trabaho ay sumasama sya sa raket nito.
“Oh, ayan. Parang magic lang diba. Wala na. Basta wag ka lang iiyak ha para di maalis yung make- up mo.” Sabi ni Dino habang nilalagyan ng final touch ang mukha nya.
“Salamat, beshie ha. Paano na ako pag nawala ka pa.” Sabi nya sabay yakap ditto.
“Naku baka umiyak ka na naman. Sige pumasok ka na at baka mahuli ka pa. Ako na ang babalik sa inyo at sasabihin ko kay lola na umalis ka na.” pagtataboy sa kanya nito.
Iniwan nya na nga si Dino sa Salon. Mabibigat ang mga yabag na binagtas ni Ruanne ang kalye papunta sa sakayan ng jeep. Hindi parin sya makapaniwalang magagawa ng ama ang pagnakawan sya para lang sa mga tunay nitong anak.
Sa trabaho ay pinilit nyang alisin ang isip sa nangyari. Nagtrabaho sya ng nagtrabaho, nilibang ang sarili sa pakikipag- usap sa mga taong pumupunta sa counter para umorder ng kakainin. Naging pre- occupied nga sya at kahit sandali ay nawala sa isip ang problema. Ngunit hindi naman sya dalawin ng antok ng nakahiga na sya sa kanyang kwarto matapos ang pangyayaring iyon. Kahit napagod ang katawan nya sa trabaho ay hindi tumigil ang isip nya sa sakit na nadarama.
“Makakabangon din kami. At pag dumating yung araw na yon, hindi na nila kami masasaktan pang muli.” Naiusal nya sa kanyang sarili at tuluyan na syang dinalaw ng antok.