Chapter I

816 Words
Hapon ng Sabado, kagagaling lang ni Ruanne sa eskwelahan at magpapalit pa sya ng damit papunta naman sa trabaho nya sa Jollibee bilang isang crew member kaya dirediretso sya sa kanyang kwarto. Pagbukas ng kanyang tokador ay napansin nyang nagulo ang kanyang  mga damit kung kaya’t bigla syang kinabahan, kinutuban sya ng masama nang sa pagkapa nya sa ilalim ng mga damit nyang nakatiklop ay hindi nya maramdaman ang mga bungkos ng perang tinatago nya roon. Nagmamadali syang lumabas ng kwarto at tinawag ng tinawag ang kanyang Lola. “Lola! lola!” sigaw nya dito,medyo mainit na ang kanyang ulo. Lumapit ito sa kanya nang may pagtataka. “Eh, ano ba yon apo at bakit parang balisang- balisa ka?” kagyat na tanong nito sa di mapalagay na dalaga. “La, Nakita nyo po ba kung sino ang pumasok sa kwarto ko?” tanong nya dito, may kadiinnan ang kanyang mga salita. “Kanina ay parang nakita ko ang tatay mong pumasok dyan ah. Eh bakit ba?” sagot nito na kunot ang noo. “La, nawawala kasi yung iniipon kong pera para sa tuition ko eh.” Wika nya na nangingilid ang luha, “Inipon ko kasi yun La, kailangan ko yun sa Huwebes.” Dagdag ya pang paliwanag habang nagpupuyos ang kalooban nya sa nalaman. “Hah? Ganun ba. Wala naman kasi syang nabanggit na may kukunin sya sa loob. Naku yang tatay mo talaga. Hayaan mo at kakausapin ko mamaya.” Pagbabanta ng kanyang lola. “Hindi na po, ako na po ang pupunta kung nasan man sya.” Nagngangalit ang kalooban nya na padabog na lumabas ng bahay at nagmamadali ang kanyang mga paa na tila may isip na dinala sya sa bahay nito. Malapit lang ang bahay ng tatay nya na nasa kabilang kanto kung saan nakatira ang tunay nitong pamilya samantalang sila, magbuhat ng mamatay ang nanay nya na nakisama sa tatay nya ay iniuwi sila nito sa Lola nya, ang nanay ng tatay nya. Masaya naman sana ang buhay nila sa probinsya, lalo pa at hindi naman nila alam na pangalawang pamilya lang pala sila, ngunit ng mamatay ang nanay nya sa panganganak sa kambal nyang kapatid na sina Jessie at Jessa ay naging miserable na ang buhay nila. Nakitira sila sa mga kamag-anak pero pinagtatabuyan lang din sila dahil palamunin lang daw sila. Muntik pa ngang maipaampon ang mga kapatid nya pero hindi sya pumayag na magkahiwa-hiwalay sila kung kaya’t nagpasya na lamang ang ama niya na dalhin sila sa Maynila at itira sa Lola nya. Ito tuloy ang naging ama at ina nilang magkakapatid habang ang tatay nya naman ay binibigyan lang sila ng kahit papaano para mabuhay. Hindi rin sila naging tanggap ng pamilya ng kanyang ama na para bang pag nakikita sila ay ni hindi man sila pinapansin. Kaya nga sa batang edad natuto na syang maghanapbuhay para matustusan ang pangangailanan nilang magkakapatid. Nang matapat sya sa gate ng mga ito ay malakas ang mga katok na ginawa nya na sinabayan nya pa ng sigaw. “Tay, tay! Kaliangan ko kayong makausap, tay!” sigaw nya habang halos parang gibain nya na ang gate ng bahay nito. Ilang sandali pa at lumabas na ang kanyang ama. Nakasimangot ito at masama ang mukha. “Bakit ba sigaw ka ng sigaw dyan, Ruanne? Gusto mo pa yanatng gibain yang gate namin.” Singhal nito sa kanya. “Tay, yung pera ko kailangan ko yun, kailangan ko nang  magbayad sa school. Please po ibigay nyo na sa akin.” Nagmamakaawa ang boses nya sa ama na nakapamewang pa. “Ah, yun ba. Hiniram ko muna. Hayaan mo at isosoli ko din pag nakaluwag. Kailangan lang ng kuya mo sa pag-aapply nya sa barko.” Pagdadahilan nito na para bang wala lang kanya ang sitwasyon. “Eh, paano naman po ako, Tay? Anak nyo rin  naman ako at sa akin ang pera na yun. Kelangan ko yun sa Huwebes. Please naman, Tay, gawan nyo naman ng paraan.” Naiiyak nyang sabi dito. “Susubukan ko, pero hindi ako mangangako. Saka wag mong isinusumbat yang kakaunting pera mo kumpara sa karangalang itinaya ko para ipakilala kayo ditto sa mundo!” singhal uli nito sa kanya. “Mas mabuti pa nga sanang hindi ninyo nalang kami binuhay ditto sa mundo kesa habang buhay nyo naman gagawing impyerno ang buhay naming.” Sagot nya sa ama ng may panunumbat. “Aba’t walanghiya kang bata ka, sumusobra yang bibig mo hah!” nanggagalaiting sabi nito sa kanya. Nagalit ang ama nya at sinugod sya saka sinampal sa harap ng mga kapitbahay na nakikiusyoso sa usapan nilang mag-ama. Napaupo siya sa sementadong daan na kinatatyuan niya. “Tandaan mo, ako parin ang tatay mo.!” Sigaw pa nito sa kanya at dali- dali ito pumasok ng gate  saka inilock ito upang hindi sya makapasok sa loob. Tumayo sya para pagpagin ang sarili at hipuin ang namanhid nyang pisngi sa pagkakasampal nito sa kanya saka pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Sobrang sakit ng ginawa ng ama sa kanya, hindi lang sa pisikal kundi sa kabuuan ng pagkatao nya. Tila hindi sya nito itinuring na tunay na anak dahil mas pinili pa nitong saktan sya kaysa unawain ang kanyang kalagayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD