CROWN SIX

1601 Words
Xandie POV Nagising ako ng biglang tumunog ang alarm clock. Ewan ko ba kung anong trip niya at nagiingay siya ngayon. Hindi naman kasi siya nagingay kahapon. Kayo na lang bahala magtanong kung anong trip niya, orayt? Tulad kahapon ay mag isa na naman akong nagising. Ewan ko ba kung saan natutulog yung nakakabwesit na nilalang na iyon pero bahala siya. Malaki na siya, di na siya bata noh. Kaya niya na nga gumawa ng bata eh -.-. Pumasok ako ng banyo at naligo. Nang pumasok ako sa walk in closet ay napansin ko ang nakahanger na damit. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Well maganda siya infairness.Black and red na checkered skirt. White long sleeve polo shirt at isang black blasier na may puti na namang bulaklak. Seriously? Anong meron sa white flower at laging nakakabit sa mga damit ko. 'Wear this. You're going to school with me.' -Your Husband Napangiti ako ng mabasa ko ng buo ang note. Nawala bigla ang inis ko sa kanya. Yiee may tinatago palang mabuting kalooban pwe! Yung asawa ko. Una kong sinuot ang skirt na may kasama palang cycling sa loob. Sunod ko namang sinuot ang white long sleeve na pinapalibutan ng mga maliliit na puting bulaklak sa magkabilang mangas nito. Ngayon ko lang napansin at ang ganda infairness na naman at ang panghuli ay ang blasier na saktong sakto sakin. Ang galing ng lahat ng pumili nito ah! Kuhang kuha ang size ko. A big hand for them yiiiiee. Matapos kong makuntento sa sarili ko at sa sarili kong buhok na hinayaan ko na lang bumagsak dahil hindi ko po talaga alam kung anong gagawin ko dito langya nastretress na ang beauty ko dahil dito. Pagkadating ko sa dining ay nandun na si Zio na busy sa pagbabasa ng newspaper at may mainit rin na kape sa gilid niya. Tumikhim ako para maagaw ko ang atensyon niya at nagtagumpay naman ako. "Ang ganda ko diba?" Confident na sabi ko at umikot ikot pa. I'm so pretty kaya so walang papalag hohoho. "Tsk." Rinig ko sa kanya at bumalik na sa pagbabasa pero dahil good mood ako ay hinayaan ko na lang siya at umupo sa tabi niya. Well....this is my first time na makasalo siya sa pagkain. Hindi niya naman kasi ako sinaluhan kahapon. Nagsimula na akong kumain habang siya ay nagkakape lang. Ewan ko kung anong trip niya at ayaw niya kumain eh ang dami daming pagkain. Bahala nga siya. Siya naman gugutumin eh hindi naman ako tas pakealam ko ba sa kanya? Eh buhay niya yun. Saka ano bang problema ng isip ko at lagi na lang siyang pinupuna? Abnormal na ba ako at lagi ko siyang napapansin? Pamental na kaya ako? Haist. May nagbigay sakin ng isang sling bag nang matapos akong kumain. Nagpasalamat ako sa kanya at sinundan na si Zio na kanina pa pala ako iniwan. Oo iniwan niya ang beauty ko. Nakakasar lang diba? Nang makalabas ako ng mansion ay may sasakyan na nakaparada na dun. Sumakay ako sa back seat at nandun na rin nga siya. Nginitian ko siya ng mapatingin siya sakin. Kahit naman iniwan niya ako kailangan kong pagpakabait sa kanya. Pinag aral niya kaya ako at tinupad niya rin ang pangarap ko hihihihi ang saya ko talaga ngayon. Sa wakas makakapasok na rin ako sa isang paaralan hohoho. "Why are you smiling like an idiot?" Rinig kong sabi niya. Nang tignan ko siya ay nakatingin lang siya sa tablet niya na kanina pa niya hawak. "Grabe ka makaidiot ah. Di ba pwedeng masaya lang?" Nakanguso kong sabi na isninaban niya. Oo snob na naman ang beauty ko. Huminga ako ng malalim at sumagot sa tanong niya. "Masaya ako ngayon kasi sa wakas ay matutupad na ang pangarap ko ng makapag aral sa skwelahan. Alam mo ba, syempre hindi mo alam na mula pa bata hanggang ngayon ay pangarap ko to? Hindi kasi ako pwedeng makalabas ng basta basta sa palasyo. Tago po kasi talaga akong anak. Wala ngang nakakalam sa existence ko dito sa mundo eh maliban sa mga tao sa palasyo. Every year lang din ako---hala! Nandito na pala tayo." Manghang sabi ko ng mapansin kong tumigil na kami. Pumapalakpak pa ako sa sobrang saya ko. Oo, ako na po ang OA pero hayaan niyo na ako sobrang saya ko lang talaga. "Salamat talaga Zio ah. Napasaya mo ko promise cross my heart mamatay ka man este ako pala hehehe babye na saka last na talaga to. Di ko gagamitin yung apelyedo mo saka sana let's treat each other like strangers gusto ko kasi talaga makaranas ng normal na buhay Babush!" Paalam ko sa kanya at bumaba na ng sasakyan. Hindi ko na siya hinintay na makasagot alam ko naman kasing kokontrahin niya ako. Naagaw ang atensyon ko ng makita ko ang napakalawak na field. Naglakad ako dun at umupo sa isa sa mga bench. Nainitan ako kaya kinalkal ko ang sling bag na dala ko para maghanap ng pantali ng buhok and thank god at nakahanap ako. Tinali ko ang buhok ko at kinalkal na naman ang bag ko. May isang notebook ito pero makapal siya. Nang buksan ko rin yun ay may kulay ang mga front page nito at hindi ko alam kung anong tawag dun. (Binder po yung dinedescribe ni xandie. Ignorante po talaga siya bwahhahaha) May nakita rin akong dalawang ballpen at may pink rin na wallet at ng buksan ko yun ay halos mapanganga ako. Gash! Totoo ba talaga to? May tigiisang libo ang laman nito. Nang binilang ko ay 15 lahat at ang mas shocking pa ay yung limang card na nakasuksok sa wallet ko. Alam ko ang tawag nito dahil nakita ko na to kay Sophia nung nagbayad siya nung nagmalling kami at of course tinakas niya na naman ako nun. Isa isa ko yung kinuha. Tatlong credit card at dalawang atm card. Matanong nga mamaya kung magkano ang laman ng mga ito. Binalik ko na ulit to sa bag ko. Kinalkal ko ulit ito at halos mapatili ako ng makita ko ang isang phone. Oo phone!!!! Langya may sarili na akong phone pero napasimangot ulit ako ng mapagtanto kong hindi ko pala alam kung papaano gamitin to. Binalik ko na lang ulit yun at kinalkal ko ang bag ko. Napansin ko ang papel na nakatupi kaya kinuha ko yun at binasa yun. 'Class schedule' Napatango tango ako ng maintindihan yun. Ang first class ko ngayon ay 8:00 at ngayon ay 7:45 na at kailangan ko pa hahanapin ang BM-256 na room. Nang mahanap ko ang room BM-256, salamat sa tulong ng pinagtanungan ko. Pumasok ako sa room at umupo agad sa likod malapit sa bintana. Naasiwa kasi ako sa mga kaklase ko sa mga tingin nila. Para silang mangangain ng tao sa uri ng tingin nila. Pansin ko rin na pasulyap sulyap sila sa puting bulaklak na nakakabit sa damit ko. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa bintana. Bahala nga sila. Hmp! "Hi!" Napalingon ako ng biglang may nagsalita. Nakangiti siya sakin kaya ngumiti rin ako. Nagsilbi yung signal para mapaupo siya sa tabi ko. "I'm Trixie Mendoza. You can call me Trix if you want." Pakilala niya sabay abot ng kamay niya. Tinangap ko yun at ngumiti. "I'm Xandie." Pakilala ko. Ilang minutong kwentuhan ang ginawa namin hanggang sa dumating yung instructor yata namin at ang buong duration ng klase niya ay pilit na pilit na pilit kong iniintindi. Oo pilit na pilit talaga dahil hindi ko magets! Ano ba tong klaseng pinasukan ko at ang sakit sa utak. Nang matapos sa descussion si ma'am ay halos maabos na talaga ang braincells ko. Apat na oras ko ba naman gamitin. Ewan ko na lang. "Let's go." Yaya sakin ni Trix nang matapos kong ipasok ang notebook ko. Nalabas ko kasi eto kanina kasi nagsulat ako. Nagsulat sila eh kaya ayun ginaya ko sila. Nagsulat rin ako habang nakikinig kay ma'am. "San tayo pupunta?" "Kakain tayo gurl." Sagot niya at hinila na ako kung saan at habang hinihila niya ako ay naagaw ko ang atensyon ng mga tao sa hallway. Specifically yung puting bulaklak na nasa may left side ng damit ko. Ano bang problema nila sa puting bulaklak na ito at kanina ko pa napapansin na tumitingin sila dun! Nakakairita na ah! Nang tumigil kami ay maraming tao ang nagkalat sa isang malawak na hall. Eto yung nakita ko sa kompanya ni Zio. Maraming tables and chairs na nagkalat. "Anong gusto mo? My treat saka transferee ka diba? Promise masasarap ang pagkain dito. The best!" "Ah kahit ano na lang. Oh di kaya maybe pasta? I'm craving for it." Sagot ko sa kanya at napaupo sa vacant table. Nang mawala siya nilibot ko ang paningin ko. Halos lahat ng tao ay nakatingin sakin. May ibang bumubulong habang nakatingin sakin meron namang tinuturo ako. Seriously anong problema nila? At kanina pa sila tingin ng tingin sakin. "Parating na sila guys!!!!" Sigaw nung lalaking parang hinihingal pa ata. Tumakbo siguro siya papunta dito para iannounce lang yun. Saka sino bang paparating? at parang aligagang aligaga ang mga babae sa pagpapaganda? Yung iba pa ay parang mamatay na sa kilig. This students are crazy. Maaga siguro akong masisiraan ng bait kapag eto lagi ang dadatnan ko tuwing papasok ako. Baliw na nga ang mundo. Napailing iling na lang at kinalkal ang bag ko para kunin ang phone ko na kanina pa nagiingay. Hindi naman siya sobrang ingay yung sakto lang para marinig ko. 15 missed calls? Ano ba yun? May tumawag ba sakin? Saka sino naman yun pagnagkataon? Mahina akong napatalon ng biglang magring ang phone ko at dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko ay binalik ko na lang ulit yun sa bag ko sakto namang napatingin ako sa double door na hindi ko namalayang papasok na pala sila Dane at si Zio na may kasamang babae? What the?! Babae?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD