Xandie POV
Nagising na lang ako sa isang kwarto. Iba ito sa tinulugan ko kanina. Mas malaki ito kumpara sa kwarto kung saan ako natulog.
Black and white pa rin ang motif pero lang mas madaming kagamitan. Like king size bed. May veranda. Mayroon ring vanity table at full body mirror. May sofa and a mini circular table. May malaki ring Flatscreen TV na nakadikit sa pader at iba pang mga gamit pangkwarto. May dalawa ring pinto.
Nang buksan ko ito ay damit ang bumungad sakin. The clothes are neatly arranged from dark to light color. Panlalaking damit ang nakalagay sa left side. May nakahanger ring polo shirt at mga blasier sa itaas. Sa kabila naman ay mga pambabaeng damit, so I guess this is my clothes. May nakahanger rin sa itaas na mga dresses
Sinara ko na ito at binuksan ang isang pinto. Banyo naman ito. May shower at may malaking bath tub. Mas malaki rin ito sa banyo na nasa opisina ng asawa ko at tulad ng opisina ni Zio ay floor to ceiling rin ang bintana ng kwarto niya. Natatabunan rin ito ng makapal na itim na kurtina.
Umupo ako sa vanity table at kinuha ang hair brush. Tinggal ko sa pagkakatali ang buhok ko. Magulo na kasi ang buhok ko dahil siguro sa ilang oras kong pagtulog. Medyo malikot pa naman ako matulog.
Nang matapos kong suklayin ang buhok ko ay binuksan ko naman ang veranda. Napapikit ako ng matamaan ako ng sikat ng araw----- wait! What?!
Araw?! Tinignan ko ang orasan sa bed side table. It says 7:15 in the morning and just what the heck! Did I just skip dinner? I f*****g skip dinner!
Ugh! Ilang araw na ba akong nalilipasan ng gutom? Now I'm concern with my health. Sophia always say not to skip meals kasi daw magkakaulcer ako. Masakit daw kasi yun at ayaw ko yung mangyari sakin same as Sophia.
Pumasok ako sa cr at naligo. Alangan naman kumain diba? That's a big no no no and it's disgusting.
Pagkatapos ko magbihis ng pambahay na hindi naman mukhang pambahay dahil ang mahal mahal ng mga damit na sinuot ko. I saw the tags so yeah mahal siya. I don't usually wear jeans and t-shirt cause you know.
Dress is the dress code of the palace so I need to follow it. So yeah it's my first time to wear this outfit but no harm done. I actually like it 'cause it's so comfortable and same as my outfit last time it has a white flower on the left side at di ko alam kung anong trip ng bumili nito para sakin.
I let my hair fall in the ground and slowly open the door. I look left to the right and there's no one around. Kaya lumabas ako at bumaba sa circular na hagdanan. He's house or should I say mansion is elegant. All the painting and furniture shout it. He must be really that rich, huh?
"Good morning po ma'am." Bati sakin nung katulong.
How did I know? Well, base of her outfit so she must be one of the maid here.
"Good morning." I said back and smile.
"Kain na po kayo ma'am saka pasensya po at medyo malamig na ang pagkain, kanina pa po kasi namin yan niluto at hindi ka na po namin ginising kasi ang himbing ng tulog niyo pero kung gusto niyo ma'am iinitin na lang po namin."
Pinigilan ko ang kamay niya ng bigla niyang kunin ang mga plato na pinaglalagyan ng pagkain. "Nah it's okay. Huwag mo ng initin. I can survive with this. So you don't have to do it." Sabi ko at nagsimula ng kumain
Ayaw ko naman kasi silang mapagod ng dahil sakin. Nakikitira na nga lang ako dito tas aalilipinin ko sila. May hiya naman po ako kahit papaano noh.
Pinatira niya na ako at pinakain. Dinamitan pa. I'm contented with it.
Wala naman kasi akong alam sa gawing bahay so hindi ako makakabayad sa mga ginawa niya. I only know how to wash dishes at ilang buwan pa bago ko maperfect yun sa tulong ni Sophia.
So para naman makabayad ako kahit papano ay hindi ako magiging pabigat dito. I'm also willing to learn house chores if he want. Speaking of my husband san kaya yun?
"Asan po si Zio ate?" Tanong ko kay ate.
"Si sir po ba ma'am? Nasa schoool po siya ngayon." Sagot niya na ikinatango tango ko. "Maiwan na po namin kayo ma'am." Tumango lang ako sa kanila
Pambira! Nag aaral pala siya di man lang ako sinama. Alam niya bang pangarap kong makapasok at makapag aral sa isang eskwelahan?
'Tanga! Malamang hindi. Ano ka? Ganda ka? Ganda ka? Wala yung pakealam sayo kaya malamang walang alam yun sayo.'
Minsan rin ang sarap ihampas yung konsensya ko eh. Nakakagigil minsan tsk -.-.
Mahingan nga ng pabor yung asawa ko mamaya. Asawa niya naman ako, pagaaralin niya naman siguro ako diba?
Nang matapos akong kumain ay nilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko. Sinumulan ko na itong hugasan tutal wala naman yung mga katulong kaya go! Hugasan ko na to. Keri ko na naman to.
Nasa kaligitnaan ako ng paghuhugas ko nang aksidente kong nasagi ang mga kutsara kaya nahulog ito. Pinulot ko ito at kasabay ng pagyuko ko ay ang pagkabasag ng kung ano.
Mabilis ko itong nilingon at halos mapatigil ang mundo ko ng makita ko ang kutsilyo na nakalapag sa lababo at nagkaroon rin ng c***k ang bintana.
Nang lumingon ako kung saan ito nanggaling ay nakita ko ang isang tao. Nakaitim ito lahat at hindi ko makita ang pagmumukha niya. Tanging mga mata niya lang. Tinamaan ako ng takot ng bigla bigla siyang bumunot ng kutsilyo sa likod niya.
Dahan dahan akong lumayo sa kanya habang siya naman ay papalapit sakin. Nanginginig na ako sa takot ng mapalapit siya sakin at ako naman si Tanga na nakatingin lang sa kanya at dahan dahan umatras. Hindi ko man lang kaya tumakbo
"Ouch!" Daing ko ng madaplisan niya ako sa braso.
Hindi ito malalim pero sobrang hapdi nito. Umaagos na rin ang dugo ko.
Parehas kaming nagulat ng bigla na lang tumunog ang parang alarm at kasabay nun ang pagdating ng mga men in black pero huli na ang lahat dahil nang tignan ko ang kinatatayuan ng lalaki ay wala na ito. Tumakas na siguro.
"Okay ka lang ba ma'am?" Tanong sakin nung isa sa kanila.
"Ipasok niyo si ma'am sa isa sa mga kwarto dito. Siguraduhin niyong ligtas siya at pakisamahan siya kila Tanya at Rose." Utos niya sa mga tauhan niya.
"Tayo na po ma'am." Sabi niya kaya sumunod ako sa kanya.
Nang makapasok ako sa kwarto ay nandun na ang dalawang babae. Napansin ko rin ang dala dala nilang first aid kit.
Pinaupo nila ako sa kama at sinumulan na nilang gamutin ang braso ko. Napapapikit ako sa tuwing nadidiin nila ang paglapat ng bulak sa braso ko. Naman men! First time ko to. Nagkasugat na naman ako pero the heck! Childhood days ko pa yun.
Nang matapos akong gamutin nung dalawa ay sakto namang pumasok ang asawa ko. Tinignan niya lang ako saglit at lumabas na.
Yun na? Yun na yun? Aba! Galing naman. Wala man lang kamustahang naganap? Wala talagang modo tsk tsk. Ang sarap niyang ilublob sa kumukulong tubig.
'Bat ba parang affected na affected ka? Gusto mo na ba ang asawa mo?'
What? Eww nakakasuka naman yung konsensya ko. Gash! Yun? Magugustuhan ko? End of the world na ba? -.-.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. May kailangan pa pala ako dun sa asawa kong abnormal.
"Zio!!!" Tawag ko sa kanya ng maabutan ko siya sa may hagdanan. Tumigil naman siya at tumingin sakin na nakataas ang isang kilay.
Yeah! Ganun po kasungit ang abnormal kong asawa na nagngangalang DUKE ZIENON. Pakitandaan po yung name ng maiwasan niyo.
"May pabor sana ako." Panimula ko.
"Ask away. Mahalaga ang oras ko hindi ko pwedeng sayangin sa mga walang kwentang bagay." Malamig na sabi niya.
Uminit tuloy ang ulo ko. Nang iinsulto eh! Tsk lampasuhin ko siya eh. Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim.
Breath in.......
Breath out......
Breath in. Breath out lang Xandie. You're beautiful so smile.
"Gusto kong mag aral." Sabi ko at tumingin sa mga mata niyang nilagay yata sa freezer sa sobrang lamig.
"No." Matipid na sabi niya at tuluyan na akong iniwan.
Nagpapadyak padyak tuloy ako sa inis. Ang lalaking yun!!!!!
Nakakainis ng 10x! Ang sarap niyang ipatapon sa mars! Effort na effort akong kalmahin ang sarili ko tas eto! Eto lang ang mapapala ko!
"Nakakainis ka talaga Zio ng 100x from earth to mars!" Madiin na sabi ko.