CROWN FOUR

1787 Words
Xandie POV Walang sabi sabing pumasok siya sa elevator at hinila ako. Iniwan niya pa ang mga men in black na nakasunod sa kanya. Isinandal niya ako sa pader habang yung mga kamay ko naman ay hawak hawak niya at nakadikit rin sa pader. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya hindi ko maiwasang tumingin sa baba. Natatakot kasi ako sa klase ng tingin niya. Para siyang papatay sa klase ng tingin niya. "What the hell did I say to you woman?" May diin na sabi niya. Nadidiin rin ako sa pagkakasandal sa pader. Hindi ako sumagot bagkus ay nanatili akong nakatingin sa baba. Iniiwasan ang nagbabaga niyang tingin sakin. "I'm asking you! Damn answer me!" Singhal niya sakin kaya mahina akong napatalon. Nakakatakot siya para siyang halimaw. Kung may title siguro tong lovestory namin---kung matatawag nga ba itong love story, beauty and the beast siguro ang magiging title. "I-I'm s-sorry." Ital kong sabi sa kanya habang nakatingin pa rin sa baba. Nagiging blur na rin ang paningin ko dahil naiiyak na rin talaga ako. Binitawan niya naman ako at sakto namang bumukas ang pinto ng elevator. Mabilis kong pinunasan ang isang butil ng luha na bumagsak sa mata ko. Lumabas kami ng elevator habang hila hila niya ako. Deretso deretso lang siyang naglakad habang ako ay nakatingin lang sa baba at hinahayaan siyang hilahin ako. Napasubsob ako sa matigas niyang likod ng bigla bigla siyang tumigil. Naamoy ko ang napakabango niyang amoy. Nakakadik. Sininghot singhot ko siya. Napatingin tuloy siya sakin kaya nagbaba na naman ako ng tingin. Bat ba tingin siya ng tingin sakin? Ayoko kasi ng tingin niya dahil lumalakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit basta basta na lang lumalakas ang pintig ng puso ko. Abnormal na ba ako nun? "Boss." Rinig kong sabi ng kung sino. Nang sumilip ako ay kaharap pala ni Zio ang limang lalaking pinagtawanan ako kanina. Napatingin rin sila sakin ganun din si Zio kaya nagbaba ako ng tingin at mas lalong nagtago sa likod ni Zio. "Order some dress and other stuff for her with my symbol. Ipadala niyo sa mansion at magpadala ka rin dito ng damit na gagamitin niya." Utos niya. "Alegrado boss." Pagkasabi nun ay hinila niya na ako sa opisina niya. Nagpahila na lang din ako. Wapakels eh mas malakas siya keysa sakin. Binitawan niya rin ako ng makapasok kami. Umupo siya sa swivel chair habang tinitignan ako. Nagbaba tuloy ulit ako ng tingin. Nahihiya ako sa tingin niya. Ewan ko ba! Hindi na naman siya mukhang galit pero nahihiya pa rin ako. "There's a room over there. Take some shower and rest." Utos niya sakin kaya tumango ako. Nang tignan ko siya ulit ay busy na siya sa pagbabasa ng mga papeles. Just like my father kapag pinapatawag niya ako sa opisina niya. Naglakad ako sa pinto na tinuro niya. Pagkapasok ko ay tama nga siya. Kwarto nga iyon. May queen size bed na may white bed sheet at black comforter. May isang cabinet at isang table na may nakapatong na lamp shade. Lumapit ako sa bintana at gaya ng sa labas at loob ng opisina ni Zio ay floor to ceiling rin ang bintana. Tanaw na tanaw ko dito ang maliwanag na syudad. Nasilaw ako sa liwanag nang buksan ko ito kaya sinara ko na lang ulit. Natatabunan ito ng makapal na itim na kurtina kaya walang liwanag ang pumapasok sa kwarto. Kinuha ko ang tiara ko at nilagay sa bed side table. Oo buhay pa ang tiara ko. Sabi ko sainyo eh! Matibay ang kapit ng tiara ko kaysa sa relasyon niyo hahaha. Kinuha ko rin ang tali sa buhok ko para bumagsak ang napakahaba kong buhok. Tinabi ko ito sa tiara ko. Pumasok ako sa nag iisang pinto na sa tingin ko ay banyo at di nga ako nagkakamali banyo nga ito. Hindi ito kasing laki ng banyo sa kwarto ko sa plasyo pero okay naman. Malinis siya at halatang mamahalin ang mga gamit. Naghubad na ako at naligo sa shower. Nang matapos ako ay lumabas ako. Nakita ko ang isang paperbag kaya binuksan ko ito. May isang plain peach na dress na may isang maliit na bulaklak na kulay puti sa left side nito. May underwear rin ito na may kasamang cycling. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi ng pumasok sa isip ko na binilhan ako ng kung sino ng mga gamit nito. Nakakahiya gash! Blinower ko muna ang napakahaba kong buhok. Buti nga ay nakahanap ako ng blower dahil panigurado mababasa ang damit ko. Nang matapos ako ay sinuot ko na ang damit. Sakto namang tumunog ang sikmura ko ng matapos ako. Napahawak ako sa tiyan ko. Pashnea gutom nako! Wala bang balak ang asawa ako na pakainin ako? Haist! Lumabas ako ng kwarto. Nakuha ko siguro ang atensyon niya dahil napatingin siya sakin. "I told you to rest, didn't I?" Masungit niyang tanong sakin. Siguro sasanayin ko na ang sarili ko dito sa asawa ko. Masungit at snob haist lord bat po ang malas ko? Excellent nga ako sa beauty department bagsak naman ako sa lovelife department. Matitiis ko ba talaga tong taong to? Nang ilang taon? Naku! Baka mabilis akong tumanda sa ugali niya. "Nagugutom ako." Mahina kong sabi sakto lang para marinig niya. Nakita ko namang may pinindot siya. Hindi ko alam kung anong tawag nun dahil wala yun samin! Malay ko ba kung ano yun. "Bring some lunch here in my office and then bring someone that know how to braid a hair." Sabi niya Bat ba sa tuwing magsasalita siya. Puno ng autoridad ang boses niya? Di ba uso sa kanya ang salitang kalma? Haist pabayaan na nga buhay niya naman yun eh. Ilang minuto akong nakatayo lang sa may pinto ng kwarto niya. Oo ganun siya ka walang modo at hinayaan lang ako dito na tumayo. Napakabait niya noh? Nakakainlove siya. Pwe! Bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang limang lalaki na pinagtawanan ako kanina. May dala dala ang isa sa kanila na paper bag. Hindi ko alam kung ano yun pero sa hula ko, hula lang noh ay pagkain yun. "Pinapaabot ng secretary niyo boss saka nandun na pala sa labas yung pinapadala niyong tao. Papasukin na ba namin?" Sabi nung nakausap ko kanina. Tumango lang si Zio habang nakatingin pa rin siya sa mga papeles na hawak niya. Napapansin ko ring medyo may pagkabastos siya. That's a big No! No! No sa palace. Di talaga siya papasa dun. Tsaka di rin siya papasa sa standards ko. Gwapo siya pero yung ugali. No comment po ako dyan. 'Baliw! Hindi niya naman kailangan ang palasyo niyo. May sarili naman siyang palasyo. Nasa harapan mo na nga diba? Tas yung ugali niya? May kasabihan ngang ' Don't judge a book by it's cover' huwag masyadong judgemental baka kainin mo yan sige ka.' singhal sakin ng isip ko. Napailing iling na lang ako. Nababaliw nako! Epekto na ba to ng gutom? May pumasok na isang babae. Ito yung babae na nakausap ko kanina sa elevator. Napatingin siya sakin kaya ngumiti ako, ngumiti rin naman siya sakin pabalik. "Boss sino po ba yung aayusan ko?" Tanong niya Napatingin naman si Zio sakin pati na rin yung limang lalaki na tumawa sakin kanina. Kaya napayuko ako. I'm not really used to it. Nakita ko namang tumango tango si ate at lumapit sakin. "Ako pala si Rachel ma'am. Upo ka po muna." Sabi niya at inalalayan ako na makaupo sa sofa. Nakatingin lang sakin ang limang lalaki habang nakaupo ako. Nahihiya tuloy ako sa kanila. Hindi nagtagal ay umupo rin sila sa sofa na nasa harapan ko habang yung dalawa naman ay nasa magkabilang sofa. Nilapag nung isang lalaki na may hawak na paper bag ang paper bag sa mesa. "Kain na po kayo Miss Xandie pagkatapos niyan." Sabi nung lalaki at nginitian ako. Nahihiya akong ngumiti sa kanya at tumango. Alam ko namang maganda ako pero mahiyain po talaga akong tao. Ang tunay pong dyosa ay mahiyain sa gawa at isip hohohoho. "Naku mam! Ang ganda naman at ang haba ng buhok niyo." Bulong sakin ni Rachel. "Hindi ka ba naiinitan nito ma'am?" Sabi niya habang hinahawakan ang buhok ko. "Hindi naman. Sanay na rin kasi ako dyan sa buhok ko. Mula pagkabata ganyan na kataas ang buhok ko." Sagot ko sa kanya. "Eh? Wala ka bang balak ipagupit to mam?" "Sa ngayon ay wala pa pero baka soon ipagupit ko." Sagot ko sa kanya at ngumiti sa kanya. Sa ngayon talaga ay di ko pa alam ang plano ko dyan sa buhok ko. Gusto ko siyang ipagupit pero nasasayangan ako. Remembrance na lang siguro sa mga magulang ko. Nagsimula na siyang isirintas ang buhok ko. Ilang minutong katahimikan ang bumalot samin. Walang pake si Zio at busy sa pagbabasa ng papeles. Habang si Rachel naman ay busy sa buhok ko at yung limang lalaki naman ay nakatingin lang sakin. Bighaning bighani siguro sa kagandahan ko. Kanina pa kasi talaga sila nakatingin sakin eh. "Miss Xandie " "Gwapa ko?" Nakangisi kong sabi. "Gwapa ko? Ano yun Miss Xandie?" Gulong gulo na tanong sakin ng lalaking nakausap ko kanina. "Secret. Mga dyosa lang nakakalam nun." Sagot ko at kinindatan sila. "Sabi mo Miss Xandie eh. By the way ako pala si Kaizer Syreet. Ang pangalawang gwapo samin. Masakit man aminin pero mas gwapo si boss sakin." Pakilala niya na nagpatawa sakin. Actually lahat naman sila gwapo eh pero si Zio talaga ang nagooutstanding sa kanilang anim pero sabi ko nga kanina, gwapo si Zio pero ang ugali no comment! "Ehem! Ako naman si Zed Wixford Miss Xandie saka sorry pala kanina kasi tinawanan ka namin ng nagpakilala kang asawa ni boss. Akala kasi namin nagbibiro ka lang." Pakilala naman nung katabi ni Kaizer. Napakamot pa ito ng ulo na tila nahihiya. Ngumiti naman ako sa kanya. "Naku! Okay lang yun." "Ako naman po si Dane Vermont." Pakilala nung katabi ni Kaizer. "Trikser Mattson Miss Xandie." Pakilala nung nasa pang isang sofa at sumaludo pa sakin. "Blue Amphere naman po Miss Xandie." Pakilala nung isa ring nasa pang isahang sofa. "Nice to meet you all. I'm Xandie Rasha Sywith." Magiliw kong pakilala sa kanila at ngumiti. "Devoncore ka na po kaya Miss Xandie." Sabat ni Rachel. "Hehehe." Nahihiya kong sabi "Wo! Natapos rin." Sabi sakin ni Rachel matapos ang ilang minuto. "May pantali ka ba ma'am?" Hala! Nasa kwarto pala ang pantali ko! "Ahm nasa kwarto--." "Here." Putol sakin ni Zed at inabot sakin ang pantali. Gaya ng damit ko ay may puting bulaklak rin ito. "Use this Miss Xandie." Kinuha ko ito at binigay kay Rachel. Inabot niya naman yun at tinali na ang dulo ng buhok ko. Tumayo ako at tinignan ang buhok ko. Ang dating sumasayad na buhok ko ay nasa may pwetan ko na. Ngumiti ako kay Rachel at pinasalamatan siya. Nang makalabas siya ay dun na ako kumain. Pagkatapos kong kumain ay tinamaan ako ng antok. Kami na lang dalawa ni Zio ang nandito. Kanina pa kasi umalis yung lima. May gagawin pa daw kasi sila. Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan kong makatulog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD