Hansel
“Sana po makabalik kayo, miss Lombard,” sabi ko sabay kaway ng kanang kamay sa babaeng paalis na sa aking flower shop. Gaya ng mga nagdaang araw, si miss Lombard ay isa sa mga bagong mukha na nakikita ko’t pumapasok sa flower shop na ang pakay ay makita ako. May problema kasi siya sa pag-ibig kaya sumadya siya rito para humingi sa akin ng payo sa kung paano maaayos ang hindi pagkakaunawaang namuo sa pagitan niya at ng kanyang boyfriend.
Selosa kasi ang babae at hindi niya namamalayan na dahil doon ay nanlalamig na sa kanya ang lalaki. Kinausap ko si miss Lombard at pinayuhan na panatiling positibo ang mindset para sa kasintahan. Huwag na huwag siya agad lulundag sa konklusyon na may iba na ito kung wala naman siyang malakas na patunay na hindi loyal sa kanya ang lalaki.
At para talaga ngang maging sincere ang kanyang pakikipagbati sa kasintahan ay inalukan ko siya ng apat na piraso ng rosas. Tatlo rito ang kulay bughaw at ang isa ay kulay pula. Sabi ko, ang mga bughaw ay para sa mga salitang ‘I, Love, at You’, at ang pula ay para sa salitang ‘Sorry’. Maligaya namang tinanggap niya ito, binayaran, at ngayon ay paalis na siya.
“Makakaasa po kayo, miss Hansel,” tugon niya habang nililingon ako. Kanyang pagpapatuloy, “Salamat ulit sa payo. At best wishes nga pala sa kasal mo.”
Tinugunan ko siya ng ‘salamat’ at pinasundan iyon ng isang tipid na ngiti hanggang sa muli na niyang itinuon ang kanyang tingin sa harap. Mula sa kinaroroonan ay tuluyan na niyang nilisan ang flower shop. At nang makalayo na siya nang husto sa establishamento, napahugot na lamang ako ng malalim na hininga dahil sa pagod ng buong araw na pagbabantay nitong aking tindahan ng mga bulaklak.
Noon ay hindi naman ako ganito kabilis mapagod sa parehong pisikal ko at mental. Pero simula nang malaman kong na-comatose siya dahilan sa isang bagay na ipinagtataka kong nangyari, tila naging pagsubok na sa akin ang malampasan ang bawat araw na hindi ko nakakausap ang aking fiancee…
It is one great morning while I am waiting for my soon-to-be-husband to fetch me in my house. May kokontratahin kasi kaming wedding planner para sa aming kasal. I am sitting in the portico, drinking tea, and watching the plants gloriously basking in the sunlight. The view has never gone old for me. Just watching it, I always felt entertained, appreciated. You know, you planted every single flora you see in your garden. And alongside seeing them grow healthy, is the happiness you can consider as a reward that these tiny beings have given you. It is their way of telling their caretaker to have a nice day.
I sipped a mouthful of tea, I continued watching the scenery.
“Miss Sigourney. “ Mula ang pansin sa pinagmamasdang hardin ay agad akong napatingin sa aking harap nang makita mula sa peripheral ko ang babaeng sinalita ang aking apelyido. Si yaya ito na gusto akong makausap. Ngunit nang matitigan ko na siya sa mukha, napansin ko ang balisa niyang ekspresyon. And so, to know the purpose why she called me and understand the reason why she seemed like troubled, I first placed the teacup that I am holding to the table before asking her. “Yaya, bakit po?”
“Ang fiancee n’yo,” her only reply. But by just hearing it, immediately I felt my heartbeat skipped. Yaya is nervous, and I think I will, too, if I will know why she is behaving that way. She said my fiancee. But what is it that is about my fiancee that will make me nervous upon knowing? May kinakabahang boses ay tinanong ko siya, “Bakit, yaya? Ano ang nangyari sa kanya?”
“Miss, si mister Marco ay dinala sa ospital.”
“Ano?” tanging tugon ko na lang dahil sa hindi inaasahang marinig. Mula sa kinauupuan ay agad akong tumayo at tinungo ang garahe ng bahay para mapuntahan doon ang aking sasakyan. Gamit ang susi ay binuksan ko ang SUV at umakyat dito. I started the engine and then drove the car to the hospital that yaya later revealed. Minutes pass of driving with troubled thinking and at last I finally made it to my destination. Hinanap ko kung saang kwarto nakalagay si Marco at nanlumo na lamang nang makitang bugbog sarado ang mukha nito at ang kanyang kanang sentido ay may bakas ng pagkakauntog sa matigas na bagay. Sabi ng mga doktor, maaring bato ang matigas na bagay na ito. They added, it was also the reason why my fiancee is unconscious. That is 3 weeks ago, yet his condition is not improving. He is still comatose. Supposedly ay pinaghahandaan na naming ang aming kasal ngayon. To think, sa susunod na linggo na sana iyon magaganap. Really life is full of uncertainty. Ano ba kasi ang nangyari, Marco?
Mula ang pansin sa kawalan dahil sa iniisip, agad akong napatingin sa aking cellphone na nakalapag sa counter malapit lang sa akin. Bigla na lang kasi itong nag-vibrate at nag-flash ng contact information ng isang taong gusto ako makausap. Pinagulong ko muna ang aking mga mata bago abutin ang cellphone upang sagutin na ang tawag.
“Yes, Pa?” agad na tanong ko kahit na may hinala na ako kung bakit ako gustong makausap ng aking ama.
“Hansel, ano itong sinabi ni Brendon na sinisante mo siya?”
At nakumpirma ko ngang tama ang nasa isip ko na ito ang rason kung bakit siya tumawag. Si Brendon ay ang ikalima sa mga lalaking hinayr ni papa para maging bodyguard ko. Sa kadahilanang hindi alam kung ano ang tunay na nangyari sa fiancee ko, kaya nagdesisyon si papa na kumuha ng bodyguard para maprotektahan ako just in case na ako naman ang sunod na punteryahin ng mga taong iyon na hindi pa tukoy ang pagkakilanlan hanggang ngayon. But I insisted na malaki na ako at wala namang masamang ginawa kanino man para gumanti ang mga ito sa akin. Hinala ko kasi ay naholdap lamang si Marco at nanlaban ito sapagkat ayaw niyang ibigay ang wedding ring na binili niya para sa kasal namin. Masama na kung masama pero ang lahat sa limang bodyguard ko-- kasama na si Brendon-- ay sinisante ko nang aking makitaan ang mga ito ng hindi kaaya-aya
I heaved a deep sigh before responding to him. “Oo, sinisante ko siya, Pa. Ngunit hindi ko na sasabihin ang aking dahilan kung bakit ko ginawa iyon. Please, Pa, itigil n’yo na ang paghahanap ng bodyguard para magbantay sa akin dahil kung hindi ka mapapagod sa ganoong bagay ay mas ako sa pagsisisante sa kanila isa-isa.”
“Hansel, pinoprotektahan lang naman kita, e,” tugon niya. “Hindi mo ba naiintindihan iyon?”
“At hindi mo rin ba naiintindihan na malaki na ako at alam nang mamuhay mag-isa?” I pressed.
“Ah, basta. Anak kita. Nasa flower shop ka pa rin,’di ba?”
Napataas ako ng kanang kilay sa narinig. Tugon ko, “Oo, pero paalis na. Bakit, Pa?”
“Huwag kang aalis diyan hanggang hindi ako nakakahanap ng bagong bodyguard mo.”
“Pa, pleas—” But he quickly intersected, “Ah, hindi ako mapapanatag kapag wala kang bodyguard. This is for your safety, Hansel. Manatili ka riyan at sasabihin ko na lang kung pwede ka nang lumabas. Now, try to disobey me and I will close your flower business. That is aside from locking you there in your house with ten bodyguards. Ngayon, mamili ka, isang bodyguard o sampu?”
Hearing it, I rolled my eyes in frustration. What a dad, he’s always leaving me no choice. I replied, “Pa, alam mo ginigipit mo ako. Pero sige, hanapan mo ako ng panibagong bodyguard. Pero ito lang ang sinisigurado ko, hindi iyan tatagal sa akin.”
“Well tingnan lang natin,” tugon ni papa pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Ako naman ay napatingin sa wall clock. Pasado alas singko na ng hapon. Pagabi na. Sino naman kaya ang magiging bago kong bodyguard?