Chapter One Part 2

1257 Words
Boismortier   Gamit ang kanyang kargadong kamao ay walang pagdadalawang isip niya akong sinuntok sa mukha. Agad na nakaramdam ng matinding sakit dahil sa natamo ng aking kanang pisngi, ngunit mas higit pa roon ang determinasyon kong mapanalunan itong sinalihang kickboxing para magpatumba lamang at hindi na bumangon. Para sa pera, kahit na ano’ng mangyari ay hindi ako magpapatalo!   Sa loob ng isang abandonadong warehouse, napapalibutan ng mga puno sa labas, paminsan-minsan ay may nagagnap na kickboxing tournament sa lugar na ito. Sa kadahilanang walang permiso o lisensya ang bawat labanang nangyayari dito—sapagkat pustahan ng pera sa kung sino ang mananalo sa bawat pagtutungali ang nagaganap— kaya pinili ng nagpasimuno nitong mga amateur match-off na itanghal itong illegal na kickboxing sa isang tagong lugar. Kumbaga ay malayo sa access ng mga common citizens.   Kung sakali namang may makakatunog nitong nangyayari at nagdesisyon na ipaalam sa mga alagad ng batas para matawagan ng pasin at mabigyan ng kaukulang parusa ang illegal na aktibidad na ito, malayo pa lamang ay tiyak na alam na naming lahat na nandirito sa loob ng warehouse na may paparating. By the time na nasapit na ng mga alagad ng batas ang lugar na ito ay siguradong wala na silang may maabutan ni isang taong nandirito.   Napadura ng dugo dahil sa aking natamong suntok, para hindi na muling mangyari ang pagiging pabaya ko sa aking depensa ay pinanatili kong kalmado ang aking sarili. Pokus sa kalaban at hindi sa sigaw ng mga nagpupustahang tao na halos ang pangalan ng kalaban ang bukambibig. Ipapakita ko kanila na mali sila ng inasahang manalo, ngayong gabi ay unang matitikman nitong Jacob ang pagkatalo. Ako ang magwawagi; sinulong ko siya.   Sa pagitan ng mga sigawan ng tao ay nagkapalitan kami ni Jacob ng mga masasakit na atake. Sisipain ko siya sa kanang gilid, bibigyan niya ako ng uppercut gamit ang kaliwang kamao. Minsan ay nakakailag, minsan ay naman hindi. Kumapara sa akin ay may mas matagal nang experience si Jacob sa pag-ki-kickboxing. Ako kasi ay isang buwan pa lamang napapasubo sa ganitong gawain dala ng matinding pangangailangan. Basa na sa parehong dugo at pawis, ngunit hindi ko hinayaan na maging hadlang ang mga iyon sa laban ko kasalukuyan.   “Hindi ka pa susuko, Boismortier?” tanong sa akin ni Jacob nang magapos niya ako mula sa aking likod.   “Bakit ko naman gagawin iyon?” tinugunan ko ang kanyang tanong ng isa ring tanong. Garalgal ko, “Tatalunin pa kita!”   “Walang pang may nakakatalo sa akin at alam mo iyon. Why would you think na ikaw ang unang makakatalo sa akin?”   “Dahil may diskarte ako,” sabi ko sabay untog ng aking ulo sa kanya. Kahit na agad na nandilim  ang paningin ko sa aking ginawa, gayunpaman ay kinumpos ko ang aking sarili na huwag umaray at panatilihing nakahanda ang sarili. Sa kabilang banda, nang mauntog ko ang kanyang ulo ay agad na lumuwag ang pagkakagapos sa akin ni Jacob. Nakawala ako at napangiti na lamang nang makitang naging distracted ang kalaban ko dahil siguro sa pagkahilo. Big opening!   Agad kong tinungo si Jacob at binalak na paulanan ng maraming suntok. Dahilan sa hindi nakahanda sa aking pagsulong, kaya ang nangyari ay tinanggap lamang niya ang mga ibinibigay ko sa kanya. Jab, uppercut, sipa, at siko. Napansin ang pananahimik ng mga taong panay ang sigaw ng pangalan ni Jacob kanina, ako naman ay hindi tinantanan si Jacob. When…   “Code red! Code red!” mula ang pansin sa binubogbog na kalaban, agad kong inilipat ang aking paningin sa taong kasalukuyang isinisigaw ang dalawang salita nang paulit-ulit. Code red: ito iyong signal na nagpapahiwatig na dapat na talaga naming lisanin itong warehouse sapagkat may paparating. Kapag may paparating ay ina-assume na namin na ang mga ito ay alagad ng batas.   “Nagpapatawa lang kayo, ‘di ba?” wika ko habang pinagmamasdan ang mga taong mabilis na tumayo sa kani-kanilang mga puwesto at umalis. Ngayon ay nagsisiksiksan na sila habang tinutungo ang mga pinto palabas sa warehouse. “Puta. Napakamapaglaro mo naman, timing. Ngayon pa na mananalo na talaga ako?”   Dahilan sa kailangan ko talaga ng pera para hayaan lamang ang pagpapagod at pagpapakasakit ko na mauwi sa wala, kaya inilibot ko ang aking paningin sa warehouse. Hinahanap ko ang lalaking naging organizer nitong kickboxing para kunin ang aking bahagi… Hindi nakalipas ang isang mahabang sandali ay mahanap ko na siya.   “Sir, sir,” pasigaw na sabi ko habang tinutungo ang naturang lalaki na kasalukuyan ding sinasabayan ang mga tao sa paglabas.   “O, Boismortier, bakit?” tanong nito nang makita niya akong paparating.   “Sir, pwede ko na ba makuha ang parte ko sa laban namin ni Jacob?”   “Ha? Bakit? Hindi pa naman tapos ang laban n’yo, a?”   Bahagya akong natigilan sa aking narinig. Sabi ko, “Sir, matatalo ko na siya.” Itinuro ko ang nananatiling nakahigang si Jacob sa puwesto na aking pinagbugbugan sa kanya.   “Boismortier, akala ko maliwanag sa iyo ang patakaran nitong kickboxing na mananalo ka lamang kapag naideklarang knock out na talaga ang kalaban mo ng referee.”   “Ngunit sir—“ But he intersected, “Umuwi ka na at sa susunod na lang natin gawin ang rematch.”   Dahilan sa nagmamadali, kahit na gusto ko pa talagang makipagdebate sa kanya, ay wala na akong nagawa, pinagmasdan ko na lang ang nagpasimuno nitong amateur kickboxing tournament na mawala sa aking paningin.   Napamura na lamang ulit ako dahil sa lubos na pagkadismaya na ang pera na sana ay para sa akin ay naglaho pa.   Muli kong tiningnan ang aking nakalaban na hanggang ngayon ay nananatiling nakahiga pa rin. It seems like na ako pa ang liligpit sa sarili kong kalat. Mula sa aking kinatatayuan ay tinungo kong muli si Jacob para buhatin paalis sa warehouse. Kami na lang dalawa ang nandirito kaya dapat ko na talagang bilisan na malisan itong lugar.   Ngunit habang ginagawa ko na ang ikapitong hakbang na buhat si Jacob paalis sa warehouse, ikinagulat ko ang paglitaw ng isang may edad na lalaki mula sa pintong binabalak kong labasan. Naka-three piece suit siya na ipinagtaka ko ang presensya niya sa lugar na ito. Mukha siyang yayamanin, ngunit bakit kaya siya nandirito?   “Sino ka?” patuloy na buhat ang hinang-hina na si Jacob ay tinanong ko ang lalaki. Tuwid na nakatindig ay binigyan muna niya ako ng isang matipid na ngiti. Sa wakas ay nagsalita na siya, “Kung babasihan ko sa kasalukuyang sitwasyon ninyo ng binubuhat mong iyan ay mukhang kayo ang naglaban. Tama ba ako?”   Akay-akay si Jacob  na ang titig ay nakatutok lamang sa misteryusong lalaki, walang pagdadalawang isip ko na tugon, “Oo, kami nga. Ano ang kailangan mo?”   “To be straight ay ikaw ang kailangan ko, hijo.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tugon ko, “Ako ang kailangan mo? Bakit naman?”   “Kailangan ko ng isang lalaking may experience sa combat. And it seems na ikaw ang nanalo sa laban ninyo ng lalaking iyan. An intel told me na may nangyayaring kickboxing dito, kaya nagsadya ako rito. Now, I have an offer to you.”   “Ano naman iyon?”   “In exchange for a better compensation, can you be the bodyguard of this girl?” alok niya sabay pakita sa akin ng isang larawan ng babae na nanlaki naman ang mga mata ko nang makita. “She is Hansel Harmollete Sigourney, my daughter,” pagpapakilala niya.   But I don’t care about her name. Ang mas gusto kong malaman ay ang kasagutan sa tanong kung bakit nasa kanya ang kuwintas na ibinigay ko noon sa aking kaibigan na nagngangalang ‘Lily’?   May seryuso kong tinig na tugon, “Deal!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD