Chapter Two Part 1

1233 Words
Hansel   Dahilan sa mga pagbabanta ni papa kapag umayaw ako sa gusto niyang mangyari na magkaroon man lang ako ng kahit isang bodyguard na magbibigay proteksyon sa akin kapag nangyari nga ang ikinakatakot niyang mangyari, kaya nandirito pa rin ako sa loob ng aking flower shop at hinihintay ang ikaanim na bodyguard na manganlaga sa akin na dumating.   Hay naku, tiyak na gaya ng naunang lima na nasisante ko na ay hindi rin tatagal ang bagong bodyguard na mahahanap ni Papa. Bukod kasi sa hindi ko naman talaga kailangan ng isa, mapili ako sa mga lalaking pinakikisamahan ko. Una, ayaw ko ng lalaking mabaho at hindi alam na alagaan ang kanyang sarili; iyon ang dahilan kung bakit ko sinisante si bodyguard number 1. Ikalawa, ayaw ko ng lalaking may mga malalaking maskulo; si bodyguard number 2 ang naging patunay niyon. Ikatlo, ayaw ko ng lalaking babaero; nabuko ko ang ganoong sikreto ni bodyguard number 3 kaya sinibak ko rin siya. Ikaapat, ayaw ko ng lalaking nagka-crush sa akin except sa fiancée ko; sa kasamaang palad ay nag-confess si bodyguard number 4 ng kanyang nararamdaman sa akin kaya fired na rin siya. At si Brendon, ang bodyguard number 5, ay suplado at lasingero. Kung sana suplado lang siya ay maiintindihan ko pa, ngunit ang pagiging lasingero niya ang mas naghatid sa akin sa desisyon na sisantihin ko na siya.   It is 20 minutes since dad made a call to me. Kanina pa nakaalis ang mga empleyado nitong flower shop kaya ako na lang ang natitirang tinatao itong establisyamento kasalukuyan. Tinatablan na ng buryong, ang ginawa ko ay pumwesto sa isang couch para mag-cellphone. Mayroon kasing parang living room na bahagi nitong flower shop kung saan ako nag-ka-counselling sa aking mga customer na may mga problema. Nang mailapag na ang sarili sa malambot na upuan, aking binuksan sunod ang cellphone. Nag-online ako sa isa sa aking mga social media accounts at nag-post ng selfie na may caption ‘A tiring day.’. But just as I am about to scroll down to see what is in my feed, napaanggat na lamang ang kilay ko nang sumunod-sunod ang pag-comment ng mga tao sa picture ko.   Kaya ang aking ginawa ay isa-isa itong binigyan ng pansin. Ngunit ang akala kong mga motivation ang aking makikita, parang agad na sumama ang loob ko nang mabasa ang unang komento sa aking picture. “Ay wow, nag-post ang babaeng hindi nagtatrabaho. Kung akala mo maganda ka? Puwes mas pangit ka pa sa bulok na isda!”   At ang ikalawang comment: “Pahiya natin ‘to. Salot ito sa lipunan!”   At ang ikatlo: “Mukha siya itong nakita ko porn site. Tsk, tsk, tsk.”   Tulala, aking ibinaba ang cellphone at napaisip. Hindi ko na ipinagpatuloy ang pagbabasa sapagkat alam kong mas sasama pa ang aking loob kapag ginawa ko iyon. Bakit ganito na ang mga tao sa internet? Bakit nagiging insensitive na sila sa kanilang mga opinion? Bakit kung makapanglait sila ng kapwa ay wagas?   Muli kong tiningnan ang aking cellphone ngunit gaya ng inaasahan ko, mas parami nang parami pa ang mga komento. Normal lang naman ang social media life ko nang nakaraang araw. Ngunit nang may sinalihan akong isang diskusyon kung saan ay nagkomento ako ng aking opinion na taliwas sa karamihan, dito na ako nagsimulang makakuha ng mga tinatawag nilang ‘basher’.   Para hindi na madagdagan ang pagod na kanina ko pa nararamdaman, muli kong inabot ang aking cellphone at pinatay ang internet connection. Para pampatay ng oras habang hinihintay ang sunod na tawag ni papa, nag-resort na lamang ako sa paglalaro ng isang offline game. Bakit ganito na kakomplikado ang buhay ko?   Dumaan ang mga minuto sa pagwiwili ko ng aking sarili gamit ang cellphone, sa wakas ay muling tumawag si papa. Agad kong sinagot itong may kasabikan kahit na alam ko na ang kanyang sasabihin.   “Pa?” patanong tono na sabi ko.   “Isarado mo na ang flower shop mo. Naghihintay sa loob ng iyong kotse ang bago mong bodyguard.” Hindi ko na ipinagtaka ang huli sinabi niya. May duplicate key kasi si Papa ng aking kotse kaya malaya siyang gamitin ito kahit wala’ng pahintulot ko. Hindi naman big deal iyon sa akin kaya hinahayaan ko na lamang siya. Tugon ko, “Sige, Pa.”   Mula sa kinauupuan ay tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Bago umalis ang mga empleyado ko kanina ay kanilang nailigpit na ang dapat na iligpit. Ang mga bulaklak ay nailgay na sa cooler para mapreserba, ang sahig ay nalinis na, at ang tanging ginawa ko na lamang bago ko tuluyang isarado ang flower shop ay pinatay ang mga nananatiling nakaandar na appliances. Nang makandado na ang establishamento, sunod kong tinungo ang aking kotse. Gamit ang automatic na susi ay in-unlock ko ang driver seat. Tumunog ang aking sasakyan bilang kumpirmasyong pwede na akong pumasok. Binuksan ko ang pinto ng driver seat at umakyat sa loob. Ngunit tila nakalimutang tumibok ng puso ko nang pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay ang mukha ng isang tao na bugbog sarado ang aking nakita.   “Ay butiki!” gulat na wika ko. Then, “Sino ka?”  tanong ko kahit na alam na ang maaaring isagot nito.   “Miss Sigourney,” pagsisismula niya, “hinayr ako ng papa mo na maging iyong bodyguard.”   Ipinikit ko ang aking mga mata para ikompos ang sarili na wala dapat akong ikatakot sa lalaking ito na nakaupo katabi ng driver seat na uupuan ko. Pumasok na ako sa loob at ipinuwesto ang sarili bilang paghahanda na imaneho na ang sasakyan pauwi. Ngunit bago ko tuluyang buhayin ang makina ng SUV, muli kong hinarap ang lalaki para tanungin, “Saan ka ba nahanap ng Papa ko at bakit ganiyan ka miserable ang mukha mo?”   “Pasensya na, miss. Pero may kalaban kasi ako sa kickboxing bago ako yayain kanina ni sir Reynaldo.” Si Reynaldo o Reynaldo Sigourney ay ang papa ko na hindi matahimik-himik kapag wala akong bodyguard. At ano itong ibinigay niya sa akin na magpoprotekta sa buhay ko kung mismong mukha nga nito ay nagawa niyang ipabugbog?   “Grabe rin talaga si Papa…” mahinanag sabi ko ngunit alam kong rinig iyon ng lalaki.   “Actually, miss, tatangihan ko naman sana ang alok ng papa mo kung hindi lamang sa isang bagay.”   “Huhulaan ko, mataas na sahod. Tama ba?”   He chuckled before responding, “Hindi, miss Sigourmey. Pero hindi ko itatanging mataas nga ang sahod ng papa mo para lamang magbantay sa iyo.”   “Kakaiba ‘to, a. Eh, bakit mo tinanggap ang trabahong pagiging bodyguard ko kung hindi lang naman pala sa pera?”   “Kasi, miss, may ipinakitang picture si papa mo na suot—“ Biglang natigil ang sinasabi ng lalaki dahil bigla na lamang tumunog ang kanyang sikmura. At… gutom din siya.   “Sorry, miss,” sabi niya sabay yuko ng ulo. Nahihiya ang lalaki, I can tell. Ngunit kahit na agad akong nagkaroon ng impresyon na ayaw ko sa kanya at may balak na i-fire kahit na anong sandali ko man gustuhin, mas nanaig pa rin sa akin ang awa na pakainin ang lalaki sapagkat batid kong gutom na gutom na ito.   “Okay, apology accepted. Mamaya na ulit tayo magkuwentuhan. Bigay mo na lang sa akin ang pangalan mo.”   “Boismortier Chardonnay po, miss,” tugon niya   “Boismortier, mamaya na tayo umuwi sa bahay. Pupunta muna tayo ng one-stop shop. I will apply first aid to your face, and as well buy you food.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD