Bagong kabanata ng buhay

1204 Words
Lara POV; Nagising ako na tila may nag uusap sa labas, nakatulog pala ako pagkatapos ng nangyari samin ni Harold. Napbalikwas ako dahil naalala ko hubo't hubad ako at baka madatnan ako ni pinsan sa ganon pero napabalik ako sa pag higa ng naramdaman ko ang sobrang pananakit ng gitna ng aking hita! "Masakit pala talaga" sa isip ko na nakangiti dahil bumalik sa alaala ko ang ang nangyari samin ni Harold. May damit na rin akong suot, dinamitan niya pala ako ng makatulog ako. Tiningnan ko ang alarm clock ko sa gilid ng lampshade at alas 8 na pala ng gabi malamang nariyan na si insan. Dahan dahan akong bumangon at tiniis ko ang sakit at dahan dahang tumayo para makalabas ako ng kwarto. Nakakaya ko naman ang sakit kayat tinungo ko ang pintuan at tama nga ako nasa labas na si insan at kausap niya si sir Harold! "Sir alam ko naman na ang kalagayan mo pero hindi rin kita huhusgahan kong patuloy mo pa ring mamahalin ang pinsan ko. Basta ingatan mo siya at siguraduhing hindi masasaktan dahil hindi pa nagkaroon ng boyfriend yan at wala pang minahal. Seryusong turan ni Insan kay Harold habang nakatayo sa harap ni Harold at nakatalikod sa gawi ko! "Wag kang mag alala Tin, iingatan ko ang pinsan mo. Tapat ang hngarin ko sa kanya! Aayusin ko ang lahat. Sagot naman ni Harold na nagpangiti sakin. Tuluyan na akong lumabas ng pinto kaya napansin agad ako ni Harold at para siyang nagulat na nakita akong palabas. Agad siyang lumapit sakin at inilahad ang kanyang palad para maalalayan ako sa paglalakad. "Insan ok kana? parang hilo kapa yata paika ika ka maglakad!" tanong ni insan na siyang ikinapula naman ng mukha ko siguro dahil ramdam kong nag init ito! Nagtinginan kami ni Harold at kita ko din na namumula ang mukha niya na parang kinakabahan kaya napatawa akong konti bago sumagot kay insan ng nakaupo na ako sa sofa sa sala. " Ok na ako medyo hilo lang siguro dahil sa buong araw na nakahiga" sagot ko naman! " Kumain kana nagluto ako ng lugaw eh sarap ng tulog mo kaya di nalang kita ginising para kumain". mahinang sambit ni Harold habang kinakamot ang Batok niya. Parang alam ko na kong bakit. " Sege' insan bihis muna ako" sabi ni insan habang papasok ng kwarto ng bigla kong naalala ang bed cover baka my bakas ng kong anu yon kaya mabilis akong tumayo kahit medyo makirot ang aking kaselanan ay nauna pa rin akong pumasok sa kanya.. "Oopppsss dahan dahan insan bigla ka atang naging malakas?" natatawang tanong niya habang nakatitig sakin ng may pagtataka! "Ah eh, ok naman na talaga ako medyo hilo lang ako kanina dahil nanibago ako sa pagtayo mula sa matagal na nakahiga, eh kukunin ko lang tong bed cover natin kasi nabasa to ng pawis ko kanina grabeng pawis ko papalitan ko nalang kasi baka mangamoy ang higaan!" mahabang paliwanag ko sabay hablot ng sapin sa higaan buti nalang at hindi niya iyong binigyang pansin at nagpatuloy sa pagbihis! "O siya ilagay mo nalang dyan sa labahin yan ako na maglalaba bukas." Sagot niya na kumuha ng extra pang pansapin sa taas ng aparador niya. "Hindi na ako ummik at bitnitbit ko nalang palabas ng kwarto ang bed cover at nagkatinginan kami ulit ni Harold ng makita niya akong lumabas napakamot siya sa batok ng makita ang bitbit ko. Napangiti naman ako sa reaksyon niyang di mapakali. "Dalhin ko lang to sa labahan sa likod bahay diba may niluto ka magsandok kana kaya at kakain tayo." sabi ko sa kanya at tumayo din naman siya at napangiti na rin habang nakatingin sakin. Ibinabad ko sa malaking palangana ang bed cover at nakita ko don ang patak ng dugo kaya kinusot ko pang konti bago nilagyan ko dretso ng detergent poweder. "Buti nalang talaga at di nakita ni insan kong hindi ibang usapan na naman!" bulong ko sa sarili. Ng makabalik ako sa loob ng bahay nasa mesa na si harold katabi ng mangkok na may lamang lugaw. " Hali kana kain kana, paano yan lugaw lang ang niluto ko ibili nalang kita ng ibang makakain wala kapang tanghalian at napagod kapa gutom na gutom ka siguro!" Nakangiti at pabulong niyang sabi. Nilapitan ko siya at dinampian ng halik sa labi.. "Masaya ako at ok na ako sa niluto mo, sabayan mo ako huh." paglalambing ko sa kanya sabay hawak sa kanyang baba.. ang sarap sa pakiramdam! Hinawakan naman niya ang aking pisngi bago hinalikan ako sa noo at kumuha na rin siya ng dalawang mangkok. "Tawagin mo na rin pinsan mo alangan tayong dalawa lang." sabi niya kaya agad kong tinawag si insan. "Insan halika na kain tayo". Sumilip si insan sa pinto habang may hawak na cellphone at nakatapat sa tenga suminyas lang na may kausap pa siya mauna na daw kami kaya naupo nalang ako sa tabi ni Harold at kumain kami ng lugaw na niluto niya may kasama namang tinapay. "Mhmmmmmm... ang sarap nito ah, talagang ginalingan mo ang pagluto ng artoz caldo hahanap hanapin ko to". Sabi ko sa kanya habang siniko siya ng mahina. "You don't have too dahil parati kitang ipagluluto". nakangiting sagot niya sabay kuha ng mg kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad! Ang saya ko ng mga uras na iyon halos wala akong pagsidlan sa sayang nararamdaman ko, pero alam ko ang sitwasyon namin ni Harold ay hindi lang puro saya dahil isang problema ang pinasok namin. Bahala na kong anung mangyayari bukas basta ang alam ko na masaya ako pag kasama ko siya at walang makakapantay nun. Lumabas na si insan at nakisalo na rin sa aming pagkain hanggang sa natapos kami at nagpaalam na si Harold na aalis na. Nalungkot ako bigla at kong sana pwedi ko lang siya pigilan ngunit alam ko namang hindi pwedi. May pamilya siyang kailangang uwian at dapat sanayin ko na ang sarili kong may kahati sa uras niya. "Cath, ok kana ba? magpahinga kana at wag kana muna pumasok sa trabaho bukas ok? pwd kang pumasok sa school pero magpahinga ka muna sa umaga ha.. Paalam sabay paalala ni Harold sakin, at muli ay dinampian niya ako ng halik sa labi na tinugon ko naman at niyakap ko siya.. I love you sir' bulong ko sa kanyang tenga kaya napasimangot siya! "Nag usap na tayo tungkol diyan!" sabi niya sabay halik ulit sa labi ko. Napakagat labi naman ako bago ngumiti "opo sweaty" sagot ko na kinaliwanag ng mukha niya. Nakapagpaalam na rin siya kay insan at kanina bago pumasok ng banyo si insan para maligo kaya tinungo na niya ang pinto kasunod naman ako. "Wag ka muna maliligo ha, dadaan nalang ako dito bukas bago pumuntang school." muli niyang paalala bago humalik sa noo ko at lumabas na ng bahay. Napabuntong hininga ako ng umalis na siya. May kong anong kirot na namuo sa dibdib ko na parang ayaw ko na sana siyang pauwiin kong pwedi lang. Tumulo ang mga luha ko ng hindi ko sinasadya, kayat pumasok na akong kwarto at nahiga. Magkukunwari muna akong tulog bago makapasok si insan dahil baka kong anu ano pang itatanong noon at hindi pa ako handang sagutin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD