Sweet man..

1203 Words
Kinabukasan... nagising ako ng mga alas 5 ng umaga dahil nasanay na talaga ako sa ganitong gising ngunit ang bigat ng katawan ko kaya sinunod ko ang payo ni Harold na wag na muna pumasok sa trabaho, "Kailangan ko magpanghinga para makapasok ako sa eskwela mamayang hapon". Sa isip ko lang. Bumangon na si Insan at tiningnan niya kong gising na ako at sa pag aakala niyang tulog parin ako ay lumabas na siya ng kwarto bitbit ang tuwalya. Alam kong maliligo na siya kaya muli akong nagtalokbong ng kumot at balak ko matulog ulit at buti nalang nakatulog nga ako. Nagising lang ako sa tapik ni Kristine sakin at sinilip ko ang alarm clock ko alas sais palang ng umaga kaya tinapik ko ang kamay niya at umungol lang. Alam na man na niya kagabi na nag aalangan pa akong pumasok sa trabaho. "Insan aalis na ako nandiyan na rin naman ang prince charming mo eh, nagkape lang ako at kumain ng pandesal, ipagluluto ka yata ng prince charming mo may dalang grocery eh..sana all nalang ako!" Daldal pang gising ni insan sakin ngunit diko siya pinansin sa halip muli akong nagtalukbong ng kumot. Umalis na nga si insan dahil dinig kong nagpaalam pa ito kay Harold kayat hinayaan ko nalang din si Harold sa kusina. "Nanakit kaya ang katawan ko sa ginawa namin kahapon kaya natural lang at dapat lang na alagaan niya ako! " bulong kong mag isa bago napangiti at ipinikit ang aking mga mata. Nakatulog nga ako ulit at nagising nalang din ako ng may humahaplos saking mukha kayat napamulat ang aking mata bago nag inat ako ng katawan at nakita ko si Harold nakaupo sa gilid ng aking kama. " Good morning sweetheart! kamusta ng pakiramdam mo? are you still tired? may masakit paba sayo? " tanong niya sabay halik sa noo ko. " Nothing, I'm fine." sagot ko sa kanya sabay hila sa kanyang mga kamay para mawalan ng balanse sa pag upo at napasubsob siya sakin kaya niyakap naman niya ako. " Ang sarap gumising na ganito sa umaga". bulong ko sa kanya habang nakayakap siya nakayakap sakin. " Ikaw talaga aga aga ha, inaakit mo ako!" pilyo niyang sagot! " Anu? assuming ka naman' hindi kaya! " pagtatanggol ko sa aking sarili at nagtawanan nalang kami. " Halika, bangon na diyan at mag agahan ka na dinalhan kita ng bacon at niluto ko na rin tapos gumawa akong vegetable salad. Papasok na rin ako sa eskwela maya maya. " sabi niya habang nakatingin sa urasan sa alarm clock ko. " Nako mag aalas syete na pala baka malate ka" sabi ko sabay hawak sa kamay niya na naka lahad para ako tulungang bumangon. Nakahanda na ang mesa ng lumabas ako. May nakatimpla ng gatas, my bacon at vegetable salad at my 3pcs red roses pa na nakalagay sa gilid ng pagkain! Ang laki ng ngiti ko sa bumungad sakin sa mesa kayat niyakap ko siya ngunit ng akma niya akong halikan sa labi ay umatras ako! " Wait! di pa nga ako nakamomog eh", pigil ko sa kanya kaya napatawa naman siya. ''Kanina kapa po yakap ng yakap sakin sweetheart at mabango naman ang hininga mo. kahit walang toothbrush o mumog kaya ok lang", sagot naman niya sabay hawi sakin palapit sa kanya at walang anu ano sinungaban niya ng halik ang mga labi ko. Halik na nagpainit saking katawan na tila hinahanap hanap nito. Nagtagal ang halikan na 'yon hanggang sa kapusin na kami ng hangin kayat' napahiwalay ang aming mga labi. "I love you Cath," bulong niya sa gilid ng aking tenga na nagpatayo naman ng aking balahibo! "I love you too..." sagot ko at yumakap ulit sa kanya ng mahigpit hanggang sa bumaba sa aking pwetan ang kanyang pagkakayakap at pinisil pisil pa ito! "Sege na' kain na nga tayo baka saan pa tayo makarating nito di kapa mkakapasok absent ka p naman kahapong hapon!" Sabi ko sa kanya sabay kurot ng mahina sa kanyang tagiliran. Hinila ko siya papunta sa upuan sa tabi ng mesa kayat' naupo narin siya at sinandukan agad ako ng kanin at ulam. "Kain kang marami para maging malakas ka agad", sabi niya sakin na nakangisi sabay kindat, para namang may ibig sabihin kaya napairap ako, dahil alam kong namumula na ang mukha ko. Napansin niya agad 'yon kayat' agad niya akong hinalikan sa noo bago nagpatuloy sa pagkain. Nang makatapos na kaming kumain ay agad na siyang nagpaalam na papasok na sa school dahil 8am ang unang subject niya. Hinatid ko naman siya hanggang pinto lang dahil ayaw niyang lumabas ako, hindi kasi ako naka bra. Binaliwala ko na iyon, bakit pa nakita na din naman niya at nilimas pa nga itong dibdib ko! Niligpit ko lang 'yong pinagkainan namin at naghugas ng plato bago nilabhan ko 'yong binabad kong bed cover kagabi. Nakangiti pa ako habang naglalaba dahil naalala ko ang unang karanasan ko sa taong mahal na mahal ko! Nang makatapos akong maglaba naglinis akong' kaunti bago bumalik sa kwarto at nahiga ulit. Tiningnan ko ang urasan at alas nuebe mahigit palang, alas tres pa ng hapon ang pasok ko kaya magpapahinga muna ako hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok at nagising nalang ako bandang alas dose na dahil sa katok sa pinto. Dali dali akong bumangon at binuksan iyon at hindi na ako nagulat sa bumungad sakin, si Harold at may bitbit na namang plastic na may kong anung laman! ''Magandang tanghali sweety, nakatulog ka ulit". tanong niya habang dere deretso ng pumasok bago nilapag sa mesa ang dala niyang plastic at doon ay inilabas ang laman nito. Dalawang packed lunch 'yon. ''Bumili na akong pagkain natin dahil alam kong nakatulog ka ulit kasi di kana nakareply sa txt ko." sabi niya habang kumukuha ng plato at kutsara sa lagayan. " Ay' nagtxt ka pala sorry diko napansin napasarap yata ang tulog ko," sagot ko habang kumukuha ng tubig sa ref at kumuha na rin akong dalawang baso. "Kain na tayo diba may pasok kapa mamaya?" tanong niya. " Oo" tipid kong sagot at kumain na kami. Nang matapos kami kumain ay hinugasan ko agad ang aming pinagkainan, inaagaw nga niya sakin na siya na daw ang maghuhugas ngunit hindi naman ako pumayag kaya naupo nalang siya sa tabi ng mesa ng nanonood sakin hanggang matapos ako. "Anung uras ulit ang klase mo mamaya?" tanong ko habang pinapatuyo na ang mga plato. "3:45 pa kayat ihahatid muna kita sa school mo bago ako bumalik sa eskwelahab namin," sagot niya pero nasa likuran ko na siya at niyayakap na niya ako mula sa likod. Hinalik halikan niya ang aking batok bagay na nagpakilabot sa aking pagkatao na parang nagsipagtayuan ang aking balahibo at hindi ko makontrol ang aking sarili kaya nilingon ko siya saktong tumama ang aking mukha sa kanya at nagkalapat ang amin mga labi ng biglang nag ring ang kanyang cellphone!!! Ayaw sana niyang pansinin pero bahagya ko siyang tinulak! "Sagutin mo kaya muna yan, at baka importante," utos ko habang tinulak ng dalawang daliri ko ang kanyang labi na hahalik pa sana ulit sakin. Tiningnan niya ang screen ng cellphone niya at biglang sumimangot ang mukha niya! "Si Mia! Anu kayang kailangan nito at tumawag pa talaga" asar niyang sabi!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD