Pasalubong/mangga

1036 Words
Alas tres na ng hapon ng makauwi ako sa bahay at nadatnan ko si insan na nakatulog sa sofa habang naka-buka pa ang bibig. Napagod siguro talaga sa paglilinis sa kalat namin kagabi. "Mukhang kanina pa tulog 'to ah, tumutulo na ang laway sa sarap ng tulog," mahina kong sambit. Dumeretso na ako sa kwarto, hinubad ko ang aking suot na uniform sa trabaho at nagtapis na. lang ng tuwalya para makapagpahinga at ng maka paligo ako mamaya. Ganoon ako palagi 'pag nandito sa bahay, minsan nga naka-sando lang akot naka-panty kasi dalawa lang naman kami ng pinsan ko ang nandito at puro naman kami babae. Ihiniga ko ang aking sarili sa kama na nakadipa ang kamay habang naki-pagtitigan sa kesame, naalala ko tuloy ang tagpo namin ni sir Harold kaninang umaga. Napangiti ako sa nagawa kong kabaliwan, ang paghalik sa kaniyng pisngi at mabilis na umalis sa harap niya na parang batang may inagaw na kong ano sa kalaro nito. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya at natulala pa siya. Nang nilingon ko siya habang papasok na ako ng entrance ay nakatayo lamg siya na parang wala sa sarili. "Sira ka talagang babae ka!" kausap ko sa aking sarili kasabay.ng mahina kong tampal sa aking noo na naka-ngiti. "Abay ang saya natin ah, anong pinapanood mo sa kesami at naka-ngiti ka pa diyan Cathlene Shine?" tanong ni insan sabay tawa ng pumasok ito sa aming kwarto, nagising na pala siya. "Wala naman, masaya lang ang araw ko kasi 'di gaanong busy at nakauwi pa ako ng maaga at maayos." Sagot ko sa kaniya habang bumabangon mula sa pagkakahiga. "Weee... 'di nga, ang sabihin mo naalala mo lang 'yong crush mong tall dark and handsome tapos mature pa." Sagot ni insan habang kumukuha na rin ng tuwalya at naghubad sa harapan ko. Tanging panloob nalang niyang saplot ang natira. "Hay, ewan ko sayo insan, ang asikasuhin mo iyamg bilbil mo oh lumulubo kana Kristina." Pang-aasar ko sa kaniya pero inirapan lang niya ako. "Mauna na akong maligo sayo huh, hindi na ako naka paligo dahil nakatulog pala ako sa sofa kanina." "Sege maligo ka na at amoy laway ka eh," natatawa kong ssabi kayat binato niya ako ng unan bago patakbong lumabas ng kwarto pumunta sa banyo. Wala kaming banyo sa loob ng kwarto nasa labas. Studio type lang kasi ang apartment na inuupahan namin ng pinsan ko at nilagyan lang ng mallit na kwarto at may mallit ding kusina at sala. Nang matapos na maligo si insan ay sumunod na rin ako sa kaniyang maligo at saktong paglabas ko ng banyo nasa sala na siya at nakabihis na. Pinapatuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya habang nanonood ng balita sa mallit naming tv. Dumeretso na ako sa kwarto at nagbihis, nagsuot lang ako ng black fitted spaghetti strap na sando at black short na maiksi! Hindi na rin ako nag-aksayang mag-bra, ako lang naman mag-isa dito mamaya dahil may pasok si insan. Kahit nandito pa siya nakasanayan na naming dalawa na di nagsusoot ng panloob na gamit kapag nasa apartment . "Cath' alis na ako tirhan mo ako ng pagkain mamaya ha," bilin ni insan habang dumudungaw siya sa pinto ng kwarto at ako naman ay nasa harapan ng salamin na nag-susuklay ng buhok. Nilingon ko lang siya at tipid na nagsalita. "Ok, ingat po sila sayo!" Naka-ngisi kong sabi pero hindi na niya ako pinansin. Mga tatlong minuto pa lang na naka-alis si insan at kasalukuyan akong papunta sa sala at manonood ng sana ako ng tom and jerry sa tv, hilig kong kasing manood ng cartoons. Ngunit hindi paman ako nakakaupo ay nagulat ako ng may biglang kumatok! "Nako! Baka may nakalimutan si insan, hindi pa yata nakadala ng susi ah at kumatok pa, babaeng ito talaga, nasanay na talaga na kapag nandito ako hindi nagdadala ng susi." Salita ko ng mag-isa habang papalapit ako sa pinto. "Insan may nakalimutan ka?" Tanong ko sabay bukas ng pinto, ngunit nagulat ako ng makita ko kong sinong nasa harapan ko! "Sir harold!" gulat na tanging nabigkas ko habang pinag-cross ko kaagad sa dibdib ko ang dalawa kong kamay, naalala ko kasi bigla na wala pala akong suot na panloob. Agad ko nilakihan ang pagkabukas ng pinto at tumalikod. Sabay turo sa sofa. Sir' tuloy ka lang po at akoy magbibihis muna!" Dere-deretso na akong pumasok sa kwarto na tila ba umakyat lahat ng dugo ko sa ulo! Pulang-pula yata ako dahil sa hiya, nabigla rin ako at hindi ko inaasahang pupunta si sir Harold. Nagsuot na lang ako ng panloob at nagpalit ng tshirt na medyo malaki, 'di ko na pinalitan ang short Kong at lumabas na ulit ako ng kwarto at binalikan ko si sir Harold. Naka-upo na siya sa sofa ng lumabas ako at hindi rin makatingin ng deretso sa'kin. Na awkward din yata, paano ba naman kasi biglang sumulpot ng walang pasabi. "Sir napadaan ho kayo?" tanong ko habang paderetso ako sa kusina na tanaw pa rin naman niya kasi maliit lang ang bahay at wala namang harang. Agad kong pinaandar ang maliit kong electric kettle para mag-init ng tubig, balak ko kasi magkape at balak ko rin siyang alukin. "Idinaan ko lang itong mangga," sabi niya sabay tayo bitbit ang basket na may lamang mangga, dinala niya papunta sa mesa malapit sa akin. "Ay hindi ko po napansin may dala pala kayong mangga? Salamat po. Black coffee sir?" Tanong ko sa kaniya sabay itinaas ang mug. "Yeah, sure" Tipid at nakangiti niyang sagot. Ngunit tila nag slommo na naman ang paligid namin ng nagtama ang aming mga tingin. Hindi ako nakapagsalita pa ng nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Lumapit siya sa akin dahilan para lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Gusto kong magsalita pero tila umuurong ang aking dila at wala akong masabi na na ano. Hanggang sa namalayan ko na lang kaharap ko na pala siya. "Sir, ah... ang ka-kape niyo po." Mabilis at nauutal kong nasabi dahil sa kaba. Muntik ko pa nabitawan ang mug na hawak-hawak ko ar may lamang kape. Buti at maagap si sir Harold nahawakan niya agad ang kamay ko kaya nakaramdam tuloy ako ng kakaibang kuryenting nagpatayo ng aking balahibo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD